Military series #1
When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier?
SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"What is the differences between a Rebel and a Bandit?" Tanong ng professor namin sa sociology. Umikot ang paningin niya sa kabuuan ng klase. Naghahanap siya ng isang estudyanteng makakasagot nito at napansin kong lahat ng mga kaklase ko ay nagkaniya-kaniya ng diskarte. May nakayuko, may nakatingala, may kunwaring nagbabasa ng libro at kung anu-ano pa.
Pero 'di ba mas napapansin ng mga professors 'yung mga estudyanteng hindi naman talaga nakikinig? Kaya ayun! Nagkunwari na lang ako na alam ko ang sagot niya. Nakipageyes to eyes ako kay sir para malaman niyang nakikinig ako at hindi na niya ako kailangang tawagin pa. Kaya lang... "Okay Ms. Coleman. You don't need to look at me like that. If you want to answer just raise your hand. Please rise." Anito. Please rise? Bakit? Bakit niya ako pinapatayo?
Tumayo ako gaya ng sinabi niya at... "Answer my question," anito na ikinanlaki ng mga mata ko. "What is the differences between a Rebel and a Bandit?" ulit pa niya. Nakita kong nakahinga nang maluwag ang mga classmate ko. GAD! maling mali ang naging diskarte ko pero wala na akong magagawa, kailangan kong maka-survive dito.
*ehem!* *ehem!* Nag-ayos ako ng tindig, nagbaywang at umawra na pang Pia Wurtzbach.
"Thank you for that very very very veeeeery beauuuuuutifuuuul queeeeeestioooooon---" Pinahaba ko talaga para at least makapagisip-isip pa ako ng isasagot ko. "Whaaaaaaat iiiiiiiis the diiiiiiiffereeeeeeeence betweeeeeen a reeeeeebel and a baaaaandiiiiiiiiit?"
"What are you doing Ms. Coleman?" napacross-arms na si Sir at tinaasan na rin ako ng kilay.
"hahaha! Pustahan tayo hindi niya alam ang sagot!" narinig kong bulungan ng mga lalaki sa may likuran ko. Aba! Tignan mo 'tong mga 'to. Kung makapagsalita akala mo alam nila ang sagot, eh sila nga itong nagtatago sa likuran ko dahil takot matawag. Tignan lang natin! Kapag ito nasagot ko ng tama, Hu u kayo sa akin.
"Sir!" tawag ko na tumindig muli na pang Ms. Universe. "Ang mga Rebelde po... sila 'yung mga kabataang pasaway sa mga magulang. 'Yung mga laging napapaaway sa school. Ang mga Bandit naman..." Ano nga ba ang Bandit? Ah! Alam ko na. "Ang Bandit naman ay pantakit ng sugat." Nakangiting sagot ko na siyang pinagmulan ng Halakhal sa buong classroom. Ano bang problema ng mga 'to?
"HAHAHA! Pantakip daw ng sugat!" Malakas na halakhak ng lalaking nasa likuran ko. Kanina pa siya namumuro sa akin huh. Kaunti na lang bibingo na siya. "So pwede pa lang takpan ng Bandit ang Puso ko?" natatawa pa nitong sambit sa akin. Nakakabwisit ang mukha niya. Kung alam niya ang sagot eh bakit hindi siya nagtaas ng kamay aber? Bida bida!
"Ang kulit talaga ni Colette," tawanan ng mga classmate ko na nakitawa na lang din ako kahit hindi ko alam ang dahilan.
"Uy!" Mahinang bulong sa akin ni Heidi na nasa gilid ko lang. Napatingin ako sa kaniya. "Band-aid kasi 'yun hindi Bandit," paliwanag niya. Band-aid-Bandit... hindi ba't parang pareho lang iyon?