CHAPTER 12
***
COLETTE's POV
"Goodmorning Class! This is Captain Connery Kaiden Mamauag, your Gun firing instructor, nice to meet you all and at your service," pagpapakilala ni Connery sa harapan ng aming klase. Nakasuot siya noon ng puting uniporme kaya malinis siyang tignan ngayon. Tumayo siya ng tuwid at saka sumaludo sa amin. Tumayo din naman kaming lahat at sumaludo rin sa kaniya.
Geez! Who would thought that he would be our instructor. Pero kung titignan mo ang sitwasyon namin ngayon, ibang-iba ang dala niyang vibes kesa kay Axl.
"Ayoko na ng maraming satsat," kunot noong sambit ni Connery na sumira sa pagiging pormal niya at naming lahat. Naupo ito sa upaang nasa harapan namin at saka niya ipinatong ang paa sa desk. "Magtanong na kayo ng magtanong kahit na anong gusto ninyo and then sasagutin ko," nakangiting sambit niya sa amin na ikinalaglag ng panga ko. Ganito ba talaga siya?
Nagtinginan tuloy ang mga classmate ko. Halatang maging sila ay hindi rin makapaniwala sa inasta ni Connery. Sira ulo naman kasi talaga siya. But instead of hating him, mukhang mas lalo pang na-excite ang mga classmate namin. May isa ngang naglakas loob na magtaas ng kamay niya at magtanong kay Connery.
"O sige, ikaw Ms. Beautiful," tawag ni Connery sa kaniya na napangiwi ako. Ms. Beautiful daw? Napasilip ako sa mukha ng babaeng nagtaas ng kamay niya. Ngek! hundred percent namang mas maganda ako kesa sa kaniya no. Ms. Beautiful, Ms. Beautiful pa siyang nalalaman. I pouted.
"Am... C-captain..." halatang nahihiya ang babae sa harapan ni Connery. Fluttered na fluttered dahil nakatitig si Con sa kaniya at tinawag pa siyang Ms. Beautiful. Haay! Nakakairita.
"Yes?" Kung makangiti namang ito si Connery, halatang nagpapa-cute lang sa mga girls.
"Ang sabi ng mga seniors namin, you are good in Strategy and tactics," panimula ng babae.
"Yes, and that's a given," mabilis na sagot ni Con. Tss! yabang.
"You're the number one student of SMA," dagdag pa ng babae.
tumango-tango naman si Connery na abot langit ang ngiti, "That's true," aniya pa.
"Sabi nila, You don't work hard," saad ng babae na siyang ikinawala ng ngiti ni Con. Pfft! kala mo huh!
Napatikom lang nang bibig si Con at pagkatapos ay tinaasan niya ng kilay ang babae.
"Babaero ka rin daw," dagdag pa ng babae na siyang halos pigil na ikinatawa ng mga kaklase ko at maging ako.
"Talaga?" natatawa ngunit naiinis nang sambit naman ni Connery.
"Hala! mukha atang Team Delta ang isang 'to ah," bulong sa akin ng katabi kong si Ever. 'Yung babaeng classmate namin 'yung tinutukoy niya, remember... nahahati ang puso ng mga babae rito sa team foxtrot at Delta, at mukhang mali ang natapatan ni Con.
"Madalas ka daw tumakas at gumawa ng mga gulo," anito na napailing-iling na lang ako. Grabe! mas malala pa pala ang babaeng ito kesa sa akin. I salute and respect her so sooo much. Patatayuan ko siya ng rebulto balang araw.
"But despite of all that... You are still the smartest and trickiest soldier from the SMA history. Sabi nga nila... Don't work hard, work smart. So I salute you CAPTAIN CONNERY!" saad pa ng babae na biglang bumaligtad ang lahat ng pag-asa't respeto ko sa kaniya. Ano daaaaaw? Anong sabi niya? At talagang isinigaw pa niya ang pangalan ni Connery huh. ANO BA? Akala ko kakampi ko siya.
"Woah... so sinabi lang pala niya ang lahat ng iyon to come up with that idea? matalinong lumandi beh!" bulong sa akin ni Ever. Dahil doon at pumait ang mukha kong napatingin muli kay Connery. Naggo-glow up nanaman ang itsura niya dahil sa papuri sa kaniya ng babae.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)