CHAPTER 30
COLETTE's POV
Nagsindi kami ng isang bonfire sa gitna namin. Nagsilbi itong ilaw at init sa madilim na gabing iyon. Nagtipon-tipon kaming lahat ng team Foxtrot and team delta sa harap nito. Magkatabi sina MM at Stef, magkatabi naman si Terrence at Ever. Magkakatabi ang team Delta at Team Foxtrot, sa tabi ko naman si Connery, mali! nakaupo nga pala ako sa may damuhan at nakaupo naman si Connery sa likuran ko. Kasalukuyan niya noong pinaglalaruan at sinusuklay ng kamay niya ang maikli kong buhok. Nakakarelax ang ginagawa niya.
"So what are we going to do?" tanong ni Kaysen. Nawala kasi ang excitement nila ng malamang bawal pala magpasok ng alak sa loob ng resort na ito.
"Alak kasi kayo ng alak! siguro may mga balak kayo no?" singhal ni MM kay Kaysen.
"Wala akong balak, pero bala meron!" nginisian at inirapan ni Kaysen si MM.
"Let's play truth or dare, what do you think?" suhestiyon ni Axl. Napatingin tuloy ang lahat sa kanila.
"Ano? teenager pa ba tayo para maglaro n'yan?" napangiwing opinyon naman ni Beckham.
"Game ako!" nagtaas ng kamay si Con.
"Captain!" singhal ni Beckham. He pouted, pero wala siyang nagawa. At the end, we still play the truth or dare. Si Beckham pa kamo ang unang kumuha ng bote ng coke at nagpaikot nito. Siya kuno ang nagrereklamo na pangteenager lang ang larong ito, pero siya pa ang pinaka-excited.
"dugudum! dugudum! dugudum!" Pakunwaring drum roll nina Kaysen at Kyree. Tinatambol pa nila noon ang drum ng tubig namin. Wala naman na itong laman kaya ayos lang.
Tutok na tutok ang mga mata namin sa umiikot na bote hanggang sa pabagal ito ng pabagal at huminto. Sumunod ang paningin naming lahat sa kung kanino ito tumuro. Kay Terrence.
"Tss! bakit sa'yo pa tumuro, hindi ako interesado sa'yo," Beckham sighed. Heto nanaman po silang dalawa.
"Skip na! Skip!" iwinasiwas ni Beck ang kamay niya bilang senyas na wala siyang itatanong rito.
"Hindi pwede 'yan! kailangan may question, ang boring mo naman!" singhal ni MM. Tumango-tango naman kaming lahat. Bakit pa ito tinawag na truth or dare 'di ba?
"Ako! ako!" aktibong nagtaas ng kamay si Con mula sa likuran ko.
"Kayo ba talaga ni Ever?" nakangiting tanong ni Con na siyang ikinabigla naming lahat. Well... I know, pareho kaming naghihinala sa dalawang iyon pero... hindi ko naisip na itanong iyon. Ang lakas ng loob ni Con.
Nagtinginan muna ang dalawa. Mukhang nag-aalangan silang sumagot. Sabi ko na nga ba... something is fishy talaga. Sumingkit ang mga mata naming lahat habang naghihintay sa sagot niya.
"Oo nga! nakakapagtaka lang na biglang naging kayo," pakikisawsaw pa ni Beckham.
"Ang totoo niyan..." panimula ni Terrence. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang paanan. Mukha siyang seryoso.
"Gusto ko si Ever!" anito na ikinabigla namin. Nabigla ako dahil akala ko sasabihin niyang hindi totoo ang relasyon nila. Sasabihin lang pala niya na gusto niya si Ever. Infairness, ang sweet niya do'n huh.
"Ah..." napatango-tango kaming lahat. Nawalan kami ng gana sa sagot niya.
"Pero hindi talaga kami," pahabol niya na siya namang ikinanlaki nang mga mata namin. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi nga talaga sila!
"A-ano? H-hindi kayo?" Bulalas ni Beckham.
"Eh bakit pinakilala ninyong magkasintahan kayo sa harap ng mga magulang ninyo?" tanong ni Kaysen. Gulat na gulat ang lahat dahil hindi sila makapaniwala sa inilantad na katotohanan ni Terrence.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...