CHAPTER 37
COLETTE's POV
There's a lot of Happiness that happened to me after I was transferred here in SMA. Lahat ay masasayang mga ala-ala. At nang mga panahong iyon, hindi sumagi sa isipan ko ang mga kasabihan at paniniwala ng mga tao. Na nakakatakot raw ang labis na kasiyahan sapagkat ang kapalit at katumbas niyon ay labis na kalungkutan, Na ang bawat tawa at halakhak ay may kaakibat na luha't dalamhati. Hindi iyon sumagi sa isipan ko sapagkat labis labis ang kasiyahan ko tuwing kasama ko silang lahat. Ang mga kaibigan ko.
Naka-impake na ng mga gamit sina Connery. Nakatayo kami't magkaharapan sa may labas ng Barracks. Kasama niya noon ang lahat ng mga kaklase niya. Kapwa silang lahat naka-suot ng fatigue military uniform at may bitbit-bitbit na malalaking bag sa kanilang likuran.
Ang bilis ng mga pangyayare, nung nakaraang araw lang nanangyare ang pagsabog ngunit kinabukasan din ay sinabi niya sa akin na magtutungo silang lahat ng mga seniors sa Marawi upang makipaglaban. It was then, the president declared war against the Maute group. A family organizations that raise the rebellion in Marawi. Mainit ang labanan roon na oras-oras ay maraming namamatay na mga sibilyan at sundalo.
Hawak-hawak ko noon ang kamay ni Connery habang hinihintay nila ang paglapag ng C1-30 sa may Area 15. Titig na titig ako sa kaniya, gusto kong lumuha at pigilan siya ngunit... alam kong hindi ako ang kaniyang pipiliin. I just want to look at him as long as I have the time. Gusto kong iukit ang mukha niya sa aking puso upang kahit gaano katagal siyang mawala ay hindi ako mangungulila sa kaniya.
I thought... our love story is a pure comedy and full of laughter, but reality struck me in just a matter of days. Parang sinampal ako ng katotohanang nakalimutan ko. That Connery is still a soldier. That I fell in love with a soldier who's life is not fully mine, that I fell in love with a soldier who's priority is to protect our nation and not to stay with me forever.
Hindi ko sineryoso ang sinabi sa akin noon ni Connery, about the perks of loving a soldier. Kasi alam kong loko-loko siya. But now... I fully understand what it means. Na kahit anong oras... pwede siyang kunin sa akin ng inang bayan. Hindi ko siya maaring pigilan pagkat nag-iisa lang ako. Libo-libo at milyon-milyong Pilipino ang nangangailangan sa kaniya. Ano ba naman ang nag-iisang ako para piliin niya 'di ba?
Tumulo ang luha ko ng hindi ko inaasahan. Pigil na pigil ako kaya lang... mahina ang kalaban. Mahina ang puso ko.
"Ano ka ba? Tumigil ka nga sa pag-iyak, parang pinapatay mo na ako niyan eh," pinanlakihan ako ng mga mata ni Connery, "Reserved Army lang kami," aniya pa with a smile and laughter. Bakit nagagawa niya pang tumawa sa gitna ng gyerang pupuntahan niya?
"Tutulong lang kami sa rescue team, iyon lang ang gagawin namin kaya 'wag kang mag-alala," saad ni Connery upang pakalmahin ako. Effective naman dahil nakuha niya akong pakalmahin.
"Rescue team?" tanong ko sabay singhot.
"Iyon ang inassign sa amin, Hindi talaga kami makikipaglaban tulad ng nasa isip mo," He laughed again. Napatingin naman sa kaniya ang lahat ng kasamahan niya na mukhang nabigla rin.
"That's right, sa rescue team kami," mahinahon namang pagsang-ayon ni Axl sa tabi ni Connery.
mayamaya pa ay narinig na naming lahat ang tunog ng C1-30 na paparating. Lumakas ang hangin dala na rin ng pababa nito sa lugar namin. Napatingala ang lahat ng mga estudyante sa malaking C1-30 ngunit nang mga oras na iyon ay tutok pa rin ang mga mata ko kay Connery. I still want to look at him more and more. Mas lalo pang humigpit ang hawak ko sa kamay niya habang pababa ng pababa ang C1-30.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)