CHAPTER 23
COLETTE's POV
Bakit ganito ang reaksyon ng mukha niya? He's so serious, natatakot ako sa ikinikilos niya at sa kung anumang lalabas na salita sa bibig niya.
"Girl! Lahat naman gusto si Connery, 'wag kang papansin," saad ng babae sa kanan niya pero hindi ko pa siya pinansin. Nagtititigan lang kami noon ni Connery while everyone is watching us. I know, nabigla ang team Foxtrot at maging si Ever sa biglaan kong pag-amin na iyon pero hindi ko na mapigilan ang bibig ko sa gusto nitong sabihin kay Connery.
"Private ka palang ang taas na agad ng gusto mong akyatin? Kapitan na si Connery, malayo ang agwat ng mga ranggo ninyo!" Saad naman ng babae sa kaliwa. I'm not really bother by those ranking, I am more bothered about their hands holding him. Hindi ko tinanggal ang paningin kay Connery, maging siya ay ganoon din. Tahimik kaming tinitigan ang isa't-isa at pinakiramdaman ang bawat tibok ng aming mga puso. Mali... pinagmasdan kong maigi si Connery at parang hindi siya humihinga. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Hindi siya nage-exhale at nagi-inhale. Napakunot tuloy ang noo ko at napatingin muli sa mukha niya. He's still stiff.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" I loosen my seriousness when I asked that. What's wrong with him? Bakit hindi siya humihinga?
"Hoy! Bakit hindi ka humihinga?" Tanong ko sa kaniya while my eyes are widen. Hindi siya sumagot sa akin bagkos ay napakagat lang sa ibabang bahagi ng labi niya. Napaka-weirdo talaga ng lalaking 'to.
"K-kung ayaw mo sa akin, ayos lang! Pero 'wag ka naman magpakamatay sa harapan ko!" Singhal ko sa kaniya na nag-aalala. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha. Pinipilit ko siyang huminga.
Ilang sandali pa ay hindi na niya nakaya ang pagpigil ng hininga niya. Napabuga siya ng malalim na malalim at paulit-ulit na hininga. Napahawak din siya noon sa dibdib niya.
"Ano ba! K-kinokontrol ko ang tibok ng puso ko!" Sigaw niya sa mukha ko. Galit siya. Bakit? Bakit nagagalit siya sa akin? I almost burst into tears.
"Para kang granada alam mo ba 'yon?" Singhal niya sa akin habang hawak pa rin and dibdib. But this time, medyo bumalik na 'yung Connery na kilala ko.
"Granada?" Pagtatakang tanong ko. Paano akong naging granada? Mukha ba akong paputok?
"Bigla kang susulpot sa harapan ko at... at pabibilisin ang tibok ng puso ko," aniya na parang nahihirapan pa sa paghabol ng hininga pero... naiintindihan ko na ang gusto niyang sabihin do'n. Bumitaw sa kaniya 'yung dalawang babae at kumunot ang noo.
"Ano ba 'to? Anong ka-cornyhan 'to?" Anila.
"Palabas ba 'to? 'wag n'yong sabihing nags-shooting din sila," saad naman ni Lorkhan.
"Hindi na ako makikielam diyan," ani Kyree.
"Connery..." tawag ko sa kaniya na maiiyak na. Kapag umiyak pa naman ako, para akong isang batang paslit na inagawan ng lollipop. Sumimangot ako at pinigilan ko ang aking luha.
"Sabi ko na nga ba, gusto mo rin ako eh!" Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ibig sabihin... g-gusto mo rin ako?" Tanong ko na may bahagyang luha na sa mata.
"Hindi ba halata? Mula pa lang noong kinindatan kita sa may bar, nu'ng sinabi kong pinagtatagpo tayo ng tadhana, nu'ng sinabi kong ibibigay ko sa'yo ang puso ko, at n'ung sinabi kong maganda ka kahit na walang buhok... dapat doon pa lang alam mo nang GUSTO KITA!" Reklamo niya sa akin na parang pinapagalitan ako. Para bang sinasabi niyang matagal na niya akong gusto pero pa-inosente pa ako. Eh paano ba naman... napakaloko-loko niya para seryosohin ko ang mga maliliit na detalyeng iyon. Masisisi n'yo ba ako?
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)