CHAPTER 16

856 43 0
                                        

CHAPTER 16

COLETTE's POV

It's sunday. The only day na makakapagpahinga kami. Nakauwi ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Momshie which is nasa loob lang din noon ng Mililitay Camp.

"WHAAT?" Bulalas ko kay Momshie habang kumakain kami ng agahan. Nagulantang talaga ako sa sinabi niya. "F-Fiancee?" My eyes widen. Hindi ako makapaniwala. Buhat nang huli akong makipag-away kay Katty naging sunod-sunod na ang pasabog sa akin ni Momshie.

"Hindi pa naman official," saad ni Mom habang nilalantakan ang kaniyang kape, "Pero kung ayaw mo naman, it's okay. Hindi kita pipilitin, pwede pa naman tayong magback-out," dugtong pa niya.

"Well Mom, my issue here is..." I paused for a seconds, "Gwapo ba? Mayaman ba? baka naman mas gwapo pa ang ex ko? I won't allow it! Hindi pwedeng mas better ang ex. Kaya nga pinalitan ko siya kasi luma at pangit na," dere-deretsong reklamo ko kay Momshie. Right! Nagkaroon na ako ng boyfriend dati sa DATI kong school.

It's Paulo, and he's like the most popular guy back then. He's a Political Science student, captain of the basketball team and a campus prince. Isipin ninyo 'yun I'm the main cheerleader of  SAA Hunters and I dated the captain of the basketball team. GOSH! Napakasikat namin noon, para kaming mga artista sa school. But then... everything change nang landiin siya ng makating Katty na iyon.

Ipinagkalat lang naman niya na tinu-time ako noon ni Paulo sa kaniya. At ayun... nagkalabuan na nga kami ng jowa ko and later on we broke up. Hindi naman masyadong masakit. Ewan ko kung bakit. Hindi ko pa naranasang masaktan sa isang lalaki. Maybe because hindi naman sila ang nang-iwan sa akin kung hindi AKO ang nang-iwan sa kanila. Hindi naman ako papayag na 'yung lalaki ang unang makipag-break sa akin at iwan ako no! It will never happened over my dead and cold beautiful and sexy body.

Manigas sila, hinding-hindi ako iiyak sa isang lalaki. I'm a prideful woman.

So ayun nga... after a week lang ng break up namin ni Paulo, naging sila naman ni Katty. Ang galing talaga. Well... kahit na ganoon ang desisyon ni Paulo, still masasabi kong nasa high standard siya ng boyfriend material kaya naman... hinding-hindi ako bababa sa standard niya. If he is the high standard, that means kailangan kong makahanap ng lalaking nasa Highest standard. 'Yung lalaking maihaharap ko sa kanila at maipamumukha ko sa dalawang iyon na they are nothing but the second great... TRYING HARD!

"So, Mom... Gwapo ba?" nakangiting tanong ko muli sa kaniya.

"I think... gwapo naman siya dahil may itsura naman ang mom and dad niya. And if kung mayaman siya... amph..." napaisip-isip muna siya. Napasingkit tuloy ako ng mata. 'Wag mong sabihing purita siya?

"Her mom is the sole Heiress of one of the biggest real estate here in the Philippines. Ang dad naman niya... bukod sa isang uniformed men, he's also a successor of his family business in Los Angeles which is the highest paid Law firm. Ang sister in law naman niya ay nag-iisang tagapagmana ng isang malaking fashion company sa Paris," sagot ni tito Al sa akin. At dahil doon sa sinabi niya, natulala na lamang ako habang nakanganga. Hindi ko akalaing may naage-esxist palang gano'ng klaseng pamilya sa Pilipinas. At ang mas nakakabigla pa riyan ay mae-engage ako sa isang napakayamang lalaki na katulad noon. H-hi...hindi na ako makapaghintay na ma-meet ang prince charming ko. 

"Kailan ang kasal?" mabilis kong tanong na ikinagulat naman ni Momshie.

"Anak! anong kasal? hindi pa nga ako pumapayag sa engagement eh,"

"Bakit hindi?"

Natulala na lang si Mom at hindi na niya nainom ang kape niya ng makita ang reaksyon ko. Hindi lang siguro siya makapaniwala na papayag ako agad agad sa engagement na iyon.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon