CHAPTER 19
AXL's POV
"Bakit hindi mo pinuntahan si Steffany?" malumanay lamang at mababa ang boses ni Dad nang pagsabihan niya ako sa loob ng office niya. kasalukuyan siya noong pumipirma ng mga papeles niya. Pinatawag niya ako rito matapos na hindi ko siputin sa kitaan namin si Steffany. Our parents arrange us to get married at the early age of twelve kahit pa na wala akong nararamdaman na kahit na ano para sa kaniya. Ginawa lang nila akong investment para sa mas mataas pang kapangyarihang gusto nila.
We, the student inside the SMA are not free to do what we want. Kung inaakala ng marami na napakaprestiryoso ng eskwelahang ito... nagkakamali sila. Maraming nangangarap na makapasok sa Military school na ito at umaasa na makapagtatapos bilang isang mataas na opisyal ngunit... hindi nila alam kung paanong tumatakbo ang kabulukan ng sistema sa eskwelahang ito.
Ang SMA, ay isang eskwelahang... pinatatakbo ng pera't kasakiman ng mga matataas na opisyales ng gobyerno, at isa na roon ang Ama ko. We're just a puppet trained by those in power, so if they found as worthless... they will throw us unarmed in a battlefield, No comrades, no food and no water. So if we want to survive here in SMA, we don't have a choice but to do whatever they want.
"I'm sorry, may ginawa akong mahalaga sa loob ng SM---"
"Ano pang mas hahalaga kesa sa kitain ang anak ni Lieutenant General Morgan?" putol niya sa pagdadahilan ko. Kilala ko si Dad, malumanay man siyang magsalita... alam ko kung kailan siya galit at hindi. Galit siya ngayon sa akin dahil sinuway ko ang utos niya.
"I'm so sor---"
"Ano pa bang magagawa ng sorry mo?" aniya. Binitawan niya ang kaniyang ballpen at saka tumingin sa akin.
"Bukas na lalabas ang resulta ng qualifying examinations ninyo, are you sure na ikaw pa rin ang magt-top sa klase ninyo?" tanong niya. Sa itsura at sa boses pa lang niya, alam kong nag-aalangan na siya sa kung hanggang saan lang ang kaya ko. Naiinis ako! Naiinis ako sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatikom ang aking kamao habang kaharap siya. Pigil na pigil lang ako sa mga oras na ito.
Mula pagkabata... wala na siyang ibang ginawa kung hindi sukatin kung hanggang saan lang ang kaya ko. Ginagawa ko naman ang lahat para mapunan ang kasapatan ko sa pamilya pero kahit na anong gawin kong pag-aaral, pagt-training.... at kahit na talunin ko pa ang lahat ng ibang estudyante... hindi pa rin ako sapat sa kaniya. Nadudurog ang puso ko. Nadudurog ako ng sobra dahil... Hindi ko maabot ang expectations niya para sa akin.
"Are you asking me to hear my answer or... you're asking me to warn me?" ibinalik ko sa kaniya ang tanong na iyon na buo ang loob at walang takot. Sa tagal-tagal na ng ipinamalagi ko sa pamilyang ito, nasanay na rin akong kahit papaano ay protektahan ang sarili ko.
"Tss! Marunong ka lang sumagot ng pabalang, pero hindi mo matalo-talo si Connery," mabilis niyang singhal sa akin.
"Nakita n'yo na, hindi niyo na ako kailangang tanungin pa kung ako pa rin ang magt-top o hindi. Kasi hindi pa man lumalabas ang resulta, hindi pa man ako sumasagot... alam mo na sagot," balik ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin ngunit wala na akong pakialam pa sa kaniya.
"Mauuna na po ako," sambit ko at saka ako sumaludo sa kaniya at umalis. Masakit sa parte ko... na kung sino pa ang mga taong dapat na sumosuporta sa akin... sila pa ang unang humihila sa akin pababa. Walang nakaka-kita ng pinaghihirapan ko.
COLETTE's POV
Monday nanaman, balik nanaman sa mga nakakapagod na araw. Kakalabas lang namin ng barracks nina Ever, Steff at MM ng makita namin ang nagkakagulong mga kababaihan sa may bulletin board na nasa harapan lang noon ng Area 15.

BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...