CHAPTER 29

538 23 0
                                    

CHAPTER 29

EVER's POV


Bago pa kami tuluyang makarating sa table na sinasabi ng mommy niya, hinila ako sa isang tabi ni Terrence.

"H-hindi mo sinabing anak ka ni General Llanares!" Singhal niya sa akin na puno ng kaba. Pati rin naman ako kinakabahan sa lagay namin ngayon eh.

"Isa kang Intel 'di ba? Dapat alam mo 'yon!" Singhal ko pabalik sa kaniya.

"At saka hindi mo sinabi sa akin na imbitado rin pala ang mga kaibigan at ang pamilya ko!" Dagdag ko pa. Napaparanoid na kaming dalawa roon.

"H-hindi ko rin alam 'yon! Walang sinabi sa akin si momma," aniya. Mukhang walang patutunguhan ang usapan namin, pareho lang kaming niloko ng tadhana.

"We have no choice, let's just stick on our plan," anito at hinawakan ang aking kamay. Bago ko pa maisip na kasama rin namin noon si kuya Skyler ay nakarating na kami sa harapan nilang lahat.

"Terrence," tawag ng dad niya. Bumaba ang tingin nito sa kamay naming magkahawak.

"Good afternoon po," magalang na bati ni Terrence at saka sumaludo sa kanilang lahat.

"Ever," tawag naman sa akin ni Mommy. Katabi niya noon si Dad and kuya Sky. Hindi ko alam ang sasabihin ko, lalo na kay kuya.

Maging siya ay nakatingin sa kamay ko na hawak-hawak si Terrence. Ramdam ko! Ramdam kong nasasaktan siya at mas masakit sa akin dahil alam kong ako ang dahilan noon.

"Kuya S--"

"She's my Girlfriend that I told you about," pagpapakilala sa akin ni Terrence ngunit nakafocus ang mata ko noon kay kuya. Ibinaba niya ang tingin sa may platito, walang reaksyon at walang kibo.

"Girlfriend?" Bulalas naman ni MM na katabi naman noon si Stef.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Una si Coleman, tapos ikaw naman ngayon?" Dagdag pa niya. I know! I know! Nakakabigla nga naman ang mga pangyayari ngayong araw. Pati ako ay naguguluhan na rin.




COLETTE's POV

Pagbalik namin pagkatapos bumili ng yelo ay tinimpla ko na agad ang juice. Habang ginagawa ko ito, napasulyap ako sa may table nila. Sama-sama sila roon na nagku-kwentuhan at nagtatawanan.

Ang mga General at ang mga asawa nila. Sa may kabilang side naman, malapit sa may pool, naroroon sina Kaysen, Beckham at Axl na nag-iihaw ng barbeque. Tagapaypay si Kaysen, tagabaligtad si Axl at taga-tikim naman si Beckham.

Nakita ko pa noon ang pag-hampas ni Axl ng tong sa malikot na kamay ni Beck.

"Aray! Bakit mo ko hinampas?" Beck pouted.

"Bumalik ka sa captain mo! Siya pag-ihawin mo ng lahat ng kinakain mo!" Reklamo ni Axl na siyang ikinatawa ko. Bawat natatapos kasing nailuluto ay kinukuha na niya kaagad kaya walang naidadala sa table.

"Why are you smiling?" Tanong bigla ni Connery nang lumapit siya sa akin. Dala-dala niya ang binasag na yelo.

"Ah... w-wala!" Mabilis kong sagot sa kaniya. Napasilay siya sa lugar na tinitignan ko kanina. For sure alam niyang sina Axt 'yon.

"Tss! Ang pangit naman ng view," aniya na maypagka-irita sa boses.

"Pfft! Are you jeal--"

"Yeah! I'm freakingly jealous! Gusto ko tuloy mag-ihaw," aniya. Itinaas niya ang longsleeve ng kaniyang suot at saka humakbang papunta kina Axl. Anong gagawin n'ya?

"Hoy! Ako na diyan! Ako mag-iihaw," pinilit niyang agawin ang tong na hawak ni Axl. Pfft! Pati pag-iihaw pagseselosan niya. Grabe naman! Pero sige na nga, kinikilig ako kapag nagseselos siya eh.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon