CHAPTER 33

520 22 0
                                    

COLETTE's POV

Mga bandang hapon na nagsimula ang iba't-ibang mga palaro. Wala na kasi noon ang presidente kaya naman malaya na kaming magsaya hanggang gusto namin. Akala ko puro formality lang ang alam ng SMA, meron pa rin naman palang mga simpleng laro tulad sack games.

"Uy! Laro tayo! Sali tayo!" masayang yaya ni Beckham kay Connery. Hindi na talaga siya nagbago, parang bata pa rin.

"Ayoko nga niyan!" reklamo ni Con. Nagpacute tuloy sa kaniya si Beck. Cute naman si Beckham eh, "Sige na! sige na!" nagtata-talon ito at nag-pout.

"A-YO-KO! AYOKO!" kaya lang matigas si Con.

"Sali tayo!" yaya naman ni Kaysen sa captain nilang si Axl. Nakilala ko si Axl bilang isang seryosong captain. Isang pormal at istriktong sundalo ngunit alam niya kung kailan magiging maluwag sa mga kaibigan niya. Mabilis pumayag si Axl sa gusto ni Kaysen nang sa gayon ay magkaroon sila ng bonding time. Napangiti tuloy ako ng makita siyang magpunta sa may starting line at isuot ang sako.

"Anong tinitignan mo diyan?" singhal ni Connery sa akin ng mapansin niyang nakatitig ako kay Axl.

"W-wala naman," sagot ko.

"Sige na! maglalaro ako," aniya na biglang nagliyab ang fighting spirit. Natatawa tuloy ako sa kaniya. Kapag napapatingin ako kay Axl lumalabas ang pagiging competitive niya.

Mabilis na humakbang si Connery sa may starting line kasama ng grupo. Isinuot na nila noon ang mga sako ngunit natigilan ang lahat ng nasa track nang makita ang grupo ng mga kababaihan na naglalakad na parang  mga modelo sa isang runway. Parang kilala ko ang mga iyon ah?

"Momma?"

"Mom?"

"Mommy?" kunot noong tawag nina Con, Axl at ng iba pa. Sabi ko na nga ba eh! Ang Organization nanaman. Mabuti at hindi masyadong nakikiasama rito si Momshie, maloloka ako. Pero anong ginagawa nila dito sa may track? Ipagchi-cheer ba nila ang mga anak nila sa sack race?


ANASTASIA's POV

Malayo-layo kami sa mga anak namin noon. Nakamasid lang kami sa kanila habang nakaupo sa ilalim ng isang umbrella tree. Kasama ko noon ang buong oganization.

"Hindi na nila kailangan pang maglaban, alam kong panalo na ang anak ko riyan," natatawang pagmamayabang ko. Napatingin naman ng masama sa akin si Victoria at 'yung alipores niyang si mareng Lynel.

"Tss! 'wag kang magsalita ng hindi pa tapos, hindi sa lahat ng oras ay lagi kayong nasa itaas," tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Tuloy pa rin kami sa pagbabangayan hanggang sa madawit na rin si Lynel, Bethany, si Aubrey at 'yung iba pa.

"Eh kung tayo kaya ang maglaban huh?" pinandilatan ko siya ng mata habang nakapamaywang.

"Aba! Sige! Tayo ang maglaban!" matapang na sagot ni Victoria.

"Tumigil na kayo please?" nakakunot ang noong pigil sa amin ni mareng Nicolette ngunit buo na ang pasya naming lahat. Laban laban na ito.

Sabay-sabay kaming humakbang sa may track papunta sa may starting line ng sack race. Tinungo namin ang aming kaniya-kaniyang anak.

"Ma? A-anong problema?" nagtatakang tanong ni Connery.

"Alisin mo 'yan!" turo ko sa sako na suot niya.

"Huh?"

"Kami ang maglalaban!" matapang kong saad at saka hinila sa kaniya ang sako. Isinuot ko ito at tinitigan ko ng masama si Victoria. Ganoon din naman siya sa akin.


COLETTE's POV

Bumalik sa tabi ko si Connery. Hindi sila nakapaglaro ng sack race dahil pinalitan sila ng mga nanay nila. Nakatingin siya noon kay tita Anastasia, he's smiling and enjoying it.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon