CHAPTER 39
CONNERY's POV
isa... dalawa... tatlo... apat... lima... Hindi ako nagbibilang ng barya. Ulo, mga pugot na ulo na ang binibilang ko. Tulala kaming lahat habang nakatingin sa sampung kahon na pinaglagyan ng mga pugot na ulo ng sundalo. Ang iba pa nga rito'y tinanggalan nila ng mga mata. Hindi na ito makatao, Kailangan nang matigil ang sigalot na ito. Napatikom ako ng kamao, maging si Axl. Lahat naman kami.
Habang pinagmamasdan ang mga pugot na ulo, may isang sundalong tumakbo papunta sa amin at nagdala ng isang magandang balita.
"Bilisan ninyong lahat!" sigaw niya sa amin na mga siguro'y nasa mga tatlumpo.
"Anong mero'n?" tanong ng isa sa amin.
"May nahuli silang myembro ng Maute!" Nakangiting sagot nito. Nagtinginan ang mga kasamahan namin sa isa't-isa na may saya at ngiti sa kanilang mga labi.
"Ano pang hinihintay n'yo? Tayo na!" yaya nila sa isa't-isa at agaran silang tumakbo papunta sa kung saan naroroon ang nahuling Maute. Nahuli kaming dalawa ni Axl ngunit sumunod din naman kami.
Sa may Bakanteng field, pinaligiran ng mga kapwa ko sundalo ang isang matandang babae na may dalang pitong taong gulang na anak. Balot na balot ito sa mahaba nilang mga damit at hijab. Puno rin siya ng dugo sa kaniyang mga kamay. Napakunot ako ng noo dahil sa nakikita ko. Siya ba? Siya ba ang sinasabi nilang nahuli nilang myembro ng Maute?
Isang sundalo ang lumapit sa kaniyang harapan kaya naman agad niyang hinila ang kaniyang anak at niyakap. Bakas ang takot niya sa sundalo.
"Kung gusto mo pang mabuhay, sabihin mo kung nasaan ang mga kasamahan mo!" paninindak ng sundalo sa kaniya. Kitang-kita ko noon ang nanginginig na kamay ng babae. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa kaniyang anak. Hindi ko tuloy lubos maisip na kasama talaga siya sa pagpaplanong kalabanin ang gobyerno. Isa siyang ina kaya't hindi ko maiwasang hindi maawa sa kalagayan nila. Nakikita ko sa kaniya ang aking ina, na ang tanging mahalaga lamang sa kaniya ay ang kaligtasan ng kaniyang anak.
Naaawa ako sa kaniya, iyon ang pakiramdam ko ngunit... napalingon-lingon ako sa aking mga kasamahang sundalo, mukhang wala silang balak na maawa rito. Tanging galit at paghihiganti lamang ang nakikita nila sa kanilang harapan ngayon. Napakarami nang nagbuhis ng buhay sa mga kaibigan nila at ngayon... isang myembro ng Maute group na ang hawak nila sa kanilang mga kamay.
"Ano bang ginawa niya? Pumatay ba siya?" kunot noong tanong ko sa isang sundalong katabi ko na nanonood din sa tagpong iyon.
"Hindi," aniya, "Nahuli siyang ginagamot ang mga sugatang rebelde. Nang makita sila ng tropa, agad nilang pinatay ang mga rebelde. Iniwan siyang buhay dahil napag-alamang asawa siya ng isang lider ng Maute," paliwanag nito sa akin. Naiintindihan ko ang galit ng mga sundalo sa babaeng iyon ngunit... mabigat ang puso ko.
"Hindi ko sasabihin! Hindi ko sasabihin kung nasaan sila!" matibay na paninindigan ng babae at agad siyang nasampal ng sundalong kaharap niya.
"Mama!" iyak ng bata nang makitang saktan nito ang kaniyang ina.
"Napakasama mo! Sinaktan mo ang mama ko!" sigaw ng bata at saka niya sinuntok ng mahina niyang kamao ang sundalo. Marahas naman siya nitong pinigilan, hinawakan sa braso at pinagsabihan ng masasakit at masasamang salita.
"Kayo ang masama! Kayo ng pamilya ninyo! Kayo ang mamamatay tao! Naiintindihan mo ba ako, bata?" tinakot at sinindak ng sundalo ang bata. Tama! tama ang nakikita ng mga mata ko. Sundalo nga ang ngayon ay walang awang minamaltrato ang dalawang Maute. Iyon ay dahil pakiramdam nila... Sa ganitong paraan lang sila makagaganti para sa mga buhay na nawala sa kanila.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)