CHAPTER 42
CONNERY’s POV
Nasa loob ako ng isang gusali kung saan tanaw na tanaw ko sa may bintana nito ang napakaraming mga kalaban. Nagtitipon-tipon sila sa isang lugar at kasama nila noon ang isa sa mga lider nila. May pinag-uusapan silang kung ano, marahil ay may pinaplano sila.
Tahimik lamang akong sumandal noon sa may dingding at saka niyakap ang aking baril. Batid ko ng mga oras na iyon na wala na ang mga kasamahan ko sa war zone, nag-iisa na lang ako. Hindi ako magsisinungaling sa pagkakataong ito, talagang natatakot ako.
Kani-kanina lang ay buo ang loob kong sumugod dahil alam kong nasa likuran ko ang aking mga kaibigan but this time around… I think I am lost.
Unang sumagi sa isipan ko ang kaligtasan ng mga kasamahan ko kesa ng sarili kong buhay. Kung mananatili kaming lahat sa lugar na ito… for sure we will all die. Iyon ang dahilan kung bakit agad kong pinatay ang communication kay Axl. I don’t want to sacrifice their lives in a very critical situation like this. Alam kong maliit lang ang chansa namin noong mag-wagi dahil nahulog kami sa patibong ng mga kalaban.
Pinagmasdan ko ang aking paligid at nagisip-isip ng maaari kong gawin upang makatakas sa sitwasyon kong ito. Tadtad ng bala ang lahat ng bagay sa loob ng bahay, basag ang mga kagamitan at nakahulog ang ilang mga picture frames. Nakalatag roon ang ilang family pictures ng kung sinoman ang may-ari ng bahay. Pinagmasdan ko iyon. May isang Ama, isang Ina, at dalawang anak na lalaki. They are all smiling. Naalala ko tuloy ang pamilyang iniwan ko sa Tarlac. Si Papa, si kuya at si Mama. Napaluha ako ng maalala sila.
Paano na lang kung hindi ako makauwi sa kanila? My mother will surely be heartbroken, hindi man lang ako nagpaalam sa kaniya. Ngayon pa lang ay namimiss ko na siya, yeah! I missed my mom. Sabihin na nang lahat ng tao na mama’s boy ako but I really really missed her right now.
Inilipat ko ang aking paningin sa isa pang larawan sa may sahig. It’s a class picture of one of their sons. Naka-wacky silang lahat at mukhang masayang-masaya. It’s like me and my team, well… it’s not only the team foxtrot but the whole ManHaka. Sa larawang iyon… bumalik ang ala-ala sa akin ng aking pinakamatalik na kaibigan at maging ang mga iniwan niyang salita na siyang umantig sa aking puso.
“Kung mamamatay man ako, gusto kong ibuwis ang buhay ko sa gitna ng gyera---“ I saw his face again smiling to me. Brave and proud. Ali… if your still here with me, I think you’ll be happy sitting here next to me. Napahawak ako sa aking dibdib while remembering him. Sumasakit muli ang dibdib ko. Maybe because of the bullet he planted inside my heart.
“Pangako, mamamatay akong kasama mo. Lalaban tayo para sa bayan---“ I heard another voice of Ali whispering in my right ears. May bahagyang luha sa aking mga mata ng ilingon ko ang aking paningin sa may kanan. I don’t know if I’m dreaming but I think… I’m seeing him right now. Or am I hallucinating because I’m really scared to die.
My friend Ali is smiling to me. Napaluha ako ng tuluyan dahil malinaw kong nakikita ang mukha niya. Sa totoo lang kasi… hindi ko na maalala ang mukha niya.
“At least, try surviving as much as you can,” saad niya. Mas lalo akong umiyak dahil roon. Gusto kong humangos sa iyak ngunit kailangan kong itikom ang aking bibig. Kinagat ko ang aking labi upang iwasan ang anumang ingay. Ibinalik sa akin ng aking kaibigan ang sarili kong mga salita. Tama siya, I need to try hard as much as I can. Para makabalik ako sa mga taong minamahal ko. Kina Papa, kuya, kay Mama, sa Team… at kay Coleman.
“You should graduate in SMA. Tuparin mo ang pangako mo sa team. Ituloy mo ang mga pangarap natin sa isa’t-isa,” dugtong pa ni Ali. I need to survive. Please God, let me survive this war, please? I still want to compete with Axl, I want to laugh with my team, I want to spoil my mother, and I want to marry my girl. Can you please… save me? But if it’s not your will, then… just make sure that this country I’m fighting for may take a good care of them.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
ComédieMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...