SPECIAL CHAPTER
COLETTE's POV
Umiiyak pa rin ako habang nakadungaw sa bintana ng aming bahay. Pasinghot-singhot at pagkuwa'y hihila ng tissue paper sa may gilid ng table at pupunasan ang luha't uhog sa aking ilong.
Kaharapan ng laptop at coffee mug ko ay tulala akong napatingin sa salitang "The End!" Sa dulo nito.
Connery is dead, muli akong naghimutok sa iyak at sumukob nang muli sa study table.
Connery is just a fiction character in my own written story and yet... he affected me so much as well. Parang may kung anong nagtutulak sa akin na buhayin siya.
I want Connery and Colette have their happy ever after.
Pero nagdadalawang isip pa rin ako. It's because the death of Connery shows the significant characteristic of a soldier willing to sacrifice everything for his country. Kaya kung bubuhayin ko siya... ay! Ewan!
Let's just accept the fact that he really died in the war. At least, he died with a purpose. He died as a justice for his friend Ali.
Habang nagiisip-isip ako, narinig ko ang pagpihit ng door knob sa may sala. May taong papasok. Nakalock ang pintuan roon kaya medyo kinabahan ako.
Marahan akong tumayo sa aking kinauupuan at saka kinuha ang baseball bat na naroon sa loob ng kwarto ko.
Ako lang mag-isa sa bahay na ito at masyado nang malalim ang gabi. Hindi ko maiwasang kabahan. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Colette! Be brave! Kaya mo 'to! You're once a PMA student before being a writer, tinuruan ka ng martial art ng mga instructor mo.
Lumunok muna ako at dahan-dahang hinawakan ang door knob ng aking kwarto habang nakataas ang bat.
Aatakihin ko siya at the count of three.
One... two...
Mabilis kong binuksan ang pinto.
"Waaaaaaaah!" Sigaw ko na naitaas na ang bat. Handa ko nang ihampas ito sa magnanakaw nang biglang manlaki ang mga mata ko.
Nanlaki rin ang mga mata niya nang magtama ang aming mga paningin. Natulala kami sa isa't-isa.
"H-honey?" Tawag ko sa kaniya. Naibaba ko ang bat at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.
Naka-uniporme pa siya ng fatigue at kasalukuyang ibinababa ang napakalaki niyang bag sa floor.
"Your Back?" Patanong iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nakabalik na siya. Isang taon siyang deploy sa Marawi at hindi man lang siya nagsabi sa akin na uuwi siya.
"Amph... S-SUPRISE!" He awkwardly said.
Tumayo siya ng tuwid at unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Inilahad niya ang kaniyang dalawang mga braso na animo'y hinihintay ang pasalubong kong yakap.
Unti-unting tumulo ang aking luha at nabitawan ko ang bat. Tumakbo ako ng mabilis payakap sa kaniya at ikinulong naman niya ako sa kaniyang mga bisig. Niyakap niya ako ng napakainit niyang katawan.
Napuno ng galak ang puso ko ng muli ko siyang mahagkan. Isang taon! Isang taon siyang hiniram ng bansang Pilipinas sa akin at hindi katulad ng isinusulat kong istorya... bumalik siya ng buhay.
"Nabasa ko ang sinusulat mo," aniya. Napatingala tuloy ako sa mukha niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Pinatay mo ako sa istorya mo," he pouted.
Huh? Teka nga lang... paano niyang nabasa ang isinusulat ko?
"Tss! Open po ang wattpad account mo sa cellphone ko," aniya at tinapik ng tatlong beses ang aking ilong.
"Sorry Honey," I pouted again.
"You want me to be a dying hero huh?" Kunot noong tanong niya. Nagtatampo.
"No! I want a baby Conner, can we do it now?" Tanong ko. Mabilis siyang ngumiti nang may pagka-manyak saka niya ako binuhat nang pangbridal style. Ipinasok niya ako sa aming kwarto at inihiga sa may kama.
THE END!
A/N: EPILOGUE is the official ending of SMA. Pampalubag loob lang po itong SPECIAL CHAPTER para sa mga readers ko. :) :) :)
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
UmorismoMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)