CHAPTER 43

592 24 4
                                    

CHAPTER 43

CONNERY's POV

*Ttrrrrrrrrrr!* sunod sunod ang pagpapakawala ko ng bala. Umiiyak habang sumisigaw sa sitwasyong alam kong hindi ko na matatakasan. I cried a lot of bullets remembering all the happy moments I've spent with all my love ones.

In that just short while, I remember my baby. I promised her that I'll never let go of my dog tag. So at least at this very last moment... I'll hold it tight.

Naubusan na ako ng bala. Sumandal na lamang ako sa may pader at hinawakan ng mahigpit ang aking kwintas. Hinintay ko na lamang ang pagpasok ng mga kalaban sa lugar na iyon.

Nang makapasok na sila, tumawa ako ng napakalakas. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang aking gagawin. Tinutukan na nila ako ng mga baril at hinarap ako ng lider nilang si Omar.

"Hahahaha! Kill me! Kill me now!" Natatawang sambit ko. Dumura pa ako sa harapan niya.

Susugurin na sana ako ng suntok ng kasamahan niya ng pigilan niya ito. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at saka tinitigan akong mabuti.

"Sa akin siya," sambit niya.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking baril. Mayamaya pa ay inihampas niya ito sa mukha ko. Hindi ako nakapalag. Mabilis akong hinawakan ng mga kasamahan niya sa magkabilang braso.

Pinagtulung-tulungan nila ako. Pauli't-ulit na sinuntok sa sikmura at saka iniuntog ang mukha sa pader.

"F*ck you all! Kill me now!" Sigaw ko. Wala na akong nararamdamang sakit noon, manhid na ako. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa bomba kesa sa gilitan nila ng leeg. Nang mga oras na iyon... isa lang ang hinihintay ko, Bomba. Bombahin na nila ang lugar ko.

"F*CK YOU ALL! HAHAHAHA!" sigaw ko habang umaagos ang dugo sa aking buong mukha.

"At talagang matapang ka huh!" Pinanlakihan ako ng mata ni Omar. Sumenyas siya sa kaniyang mga kasamahan na kunin ang kaniyang tabak.

Handa na niya akong pugutan ng ulo ng marinig namin ang tunog ng ilang fighter jet.

For the last time, ngumiti ako sa aking tagumpay.

I will now... be with Ali.

And I'm proud to shout this last words.

"MISSION ACCOMPLISHED! I LOVE YOU SO MUCH, COLETTE COLEMAN!"

Isang maliwanag na pagsabog ang tumapos ng lahat.

.
.
.
.
.
.

~•After 6 months•~

COLETTE's POV

Naghintay ako sa muli niyang pagbabalik. Mapapatunayan ko na sa kaniya na matapang ako. That I am brave enough to marry him.

I was nervous and excited at the same time. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. The first time that someone I love will coming back after a war.

Sama-sama kaming lahat, sina Ever, Stef, MM, ang buong school, ang mga generals and even there wives. Wala na noon ang mga bisita namin na outsider dahil pagkahuling-pagkahuli kay sir. Gonzaga at Nurse Kim... pina-uwi na sila. Bumalik na lamang noon ang mga pamilya ng ilan pang sundalong kasama sa laban.

We are there to salute our brave Marawi heroes. Sasalubungin namin sila ng magiting na pagbabalik.

Mga alastres ng hapon ng marinig namin ang malakas na tunog ng C1-30. Napatingala kami sa himpapawid at natanaw na namin ang pagbaba nito.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon