CHAPTER 41

524 24 3
                                    

CHAPTER 41

COLETTE's POV

Nagsitakbuhan ang ilang mga armadong sundalo papasok ng faculty. Kasama roon sina Captain Conrad at Captain Ash. Kasunod nila roon ay ang pagdating nina General Mamauag. Mukhang nagmamadali sila. Anong mero'n?

Mayamaya pa ay pwersahang nilabas ng mga sundalo si Sir. Gonzaga. Isa sa mga instructor namin. Kitang-kita ng lahat ang pangyayareng iyon. Pinosasan siya ng mga ito at saka hinila sa may gitna ng field. Sinundan namin sila nina Ever.

Marahas ang paghagis sa kaniya ng mga sundalo na halos masubsob na ito sa may damuhan. Ang nakakagulat pa sa pangyayaring iyon ay nang palibutan siya ng mga sundalo at tutukan ng kanilang mga baril. Ano bang nangyayari dito?

"'Wag mong sabihing... si Instructor Gonzaga ang... SPY?" Gulat na sambit Ever. Oo nga pala, minsan na niyang sinabi na may spy sa loob ng eskwelahan namin at ito ang may gawa ng pagsabog ng building namin. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na si Instructor Gonzaga nga iyon. Parang napaka-inposible. Paanong nangyari ito?

Lumapit si General Mamauag sa harapan nito at kinausap siya ng masinsinan. Nakatingin ang lahat sa kanila.

"Ikaw? Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Kunot noong tanong ni Gen. Mamauag. Halata at bakas sa itsura't boses niya ang pagkadismaya.

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Sir. Gonzaga. Hindi ko maintindihan ng mga oras na iyon kung ano ba talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito. He was smiling as if he already won the war. Para bang... natapos na ang kaniyang misyon at nagtagumpay na siya. Wala na siyang pakialam kung mamatay man siya sa lugar na ito. Dahil roon ay kinilabutan ako sa taong kagaya niya. Ano ang nagtulak sa kaniya para gawin ito?

"You put our sons in danger!" Sigaw ni Gen. Mamauag nang kwelyuhan niya ito. Galit na galit siya at ramdam ko iyon dahil kay Connery.

"That's what I want! To kill all your sons!" Nakangiti pa rin siya ngunit ngayon ay may kasama nang luha. Bakit? Napakadaming tanong sa isipan ko habang pinapanood sila.

"You kill my son!" Sigaw ni sir. Gonzaga. Nawala na ang kaniyang ngiti at halos iyak na lamang ang naiwan. Isang masakit na masakit na hagulgol ang nagpatahimik sa aming lahat. Son? What does he mean?

"You killed Ali!" Wika nito na siyang nagpabitaw kay Gen. Mamauag.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.

"What? Who's Ali?" Tanungan ng mga estudyanteng nasa paligid ko. Oo nga pala! Walang nakakaalam ng tunay na istorya ni Ali bukod sa mga seniors namin na ngayon ay nasa labanan sa Marawi.

"Look! Your reaction only proves that you are all guilty!" Umiiyak na sigaw pa nito. Hindi nakasagot ang mga generals.

"You killed my son! My only son!" Aniya at saka inilibot ang kaniyang paningin sa lahat ng estudyante ng SMA.

"You should at least remember him! Remember my Child!" Sigaw niya sa amin. Oo! Isinisigaw niya iyon sa aming mga estudyante.

"Who's Ali?"

"Who's that f*cking Ali?" Bulungan nila. Me too... also felt the unfairness of that situation. I know about Ali, but no one else remember him. Sa oras na grumaduate na ang seniors namin... for sure... mawawala na rin ang mga alaala ni Ali sa SMA. I think... Ali should not be forgotten.

"He's the Fallen Captain of Team Delta," matapang akong humakbang sa harapan ni Sir. Gonzaga. Gusto kong sabihin sa kaniya na may nakakaalala pa kay Ali at kailanman ay hindi siya makakalimutan. He look at me with his tender eyes. Nang makalapit ako sa kaniya, isang bagay lamang ang aking maintindihan. It's the love and pain of a father losing his son.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon