CHAPTER 25

601 25 0
                                    

CHAPTER 25

Philippine National Police Academy and Philippine Military Academy is one of the most Prestigious school for those who wants to be a Police and Soldiers here in the country. But beside those two well known academies, there is SMA. The Special Military Academy of Elites.

Kung sa PNPA at PMA, kahit na sino... mayaman ka man o mahirap, sinoman ang mga magulang mo basta't wala kang criminal record at pasado ka sa qualifications nila, you're in. But it's not the same for the SMA. The first and most important qualification for the students of SMA is their family background and connection. That is why all the students of SMA are came from the family of high ranking officials around the country and they also have the most privilege to become the next high ranking officials as well. 

But to share the glorious blessing of the academy, they always granted one commoner to enter the school every after decade. Luckily, the 3rd commoner who successfully entered our academy is no other than "Ali Syarif Rais."

"Ano 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa kahong hawak-hawak ni Ali. Padala ng kaniyang ama na galing pa ng Zamboanga. Nagkumpulan pa kami ng team Foxtrot at Delta nang marahan na niya itong binubuksan. Medyo malaki ang kahon kaya curious talaga ako kung ano ang laman nito.

"Patingin! patingin!" pilit na sumisiksik sa akin si Beckham. Hindi ko nga siya pinalusot.

Mayamaya pa ay tuluyan na niyang nabuksan ang kahon at tumambad sa amin ang limang malalaking pinya. Napakaganda ng hugis at kulay nito, halatang malusog at magaling ang pagpapatubo.

"Woooow!" sabay sabay naming puri rito.

"May sulat!" turo ni Kaysen. May maliit na papel kasing nakaipit sa may pagitan ng mga pinya. Kinuha ito ni Ali at binasa ng nakangiti.

"It's from my father," aniya. Nakita ko noon ang kasabikan niya sa kaniyang ama lalo pa't malayo sila sa isa't-isa. Siguro marahil ay close talaga sila nito.

"Anong sabi?" tanong ko.

"Magseselos na ako nito," panimula niya na ikinakunot ng noo ko. Napatingin siya sa akin at ipinakita ang sulat ng ama niya.

"Anak, Hindi para sa'yo ang pinyang ito. Alam kong sawa ka na dito kaya ibigay mo ito sa mga kasamahan mo at para sa kaibigan mong si Connery. Sabihin mo rin sa kaniya na 'salamat.' Salamat sa pakikipagkaibigan sa anak ko," iyan ang sulat ng kaniyang ama na siyang sobrang nakapagpataba ng puso ko.

"Malawak ang taniman namin ng pinya sa Zamboanga. Heto, Hati-hati na lang kayo, hindi kasi mapadala ni papa ang walong pinya sabay-sabay," saad ni Ali sa amin at saka niya iniabot ang pinya.

"Mahal na mahal ka ng tatay mo," sambit ko sa kaniya. Tumango si Ali.

"Maswerte ako na siya ang naging ama ko. Against ang buong pamilya ko nang sabihin ko sa kanilang magsusundalo ako, si papa lang ang sumuporta sa akin," kwento pa niya.

Habang nagkukwentuhan kami ng grupo, isang kaklase ang lumapit sa amin. Pinatatawag daw ng mga senior students ang lahat ng juniors sa Area 15. Ang mga kaugalian sa loob ng SMA ay kagaya lang din ng mga kinaugalian ng mga nasa labas. Seniority ang nasusunod, ibig sabihin... kung sino ang mas nakatatanda na sa eskwelahang ito, sila ang masusunod. Kaya nga sa pagiging sundalo, marami kang boss.

Mabilis kaming pumila at nagformation noon. Tense na tense ang halos lahat ng mga juniors na kagaya ko. Natatakot sila sa kung anong pwedeng gawin sa kanila ng mga seniors namin. Pero ako... wala lang iyon sa akin. Nakita ko na kasi si kuya Conrad sa harapan. Senior ko nga pala siya. Nasa 2nd year pa lang ako, nasa 4th year naman na siya.

Nu'ng makita ko na siya, hindi na ako kinabahan. Syempre! wala namang gagawing masama sa akin ang kapatid ko. Close kami ni kuya kahit masyado siyang seryoso sa buhay tulad ni Dad. Gano'n talaga! Nagmana siya kay Dad, ako naman... kay Mama.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon