CHAPTER 5

1.5K 55 7
                                        

CONNERY's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CONNERY's POV

Pagdating sa klase, nagtitigan lang kaming dalawa ni Axl habang naka-support sa likuran ang aming team.

Walang kukurap, dahil ang kumurap, TALO.

"Kamusta na ang mga panahong wala ako?" 'Yan ang naglalaro sa isipan ko habang nakangiti sa kaniya at nakikipageyes to eyes.

"Nandito ka man o wala, The result will be the same," hindi man din nagsasalita si Axl pero sa mga mata pa lang niya ay para bang nababasa ko na ang mga nasa isip niya.

"Pinagbigyan lang kita ng dalawang buwan," yan ang nasa isip ko sabay taas ng kilay. Take note, hindi bumubuka ang mga bibig namin.

"I don't care about that d*mn two months," naririnig ko ang iniisip niya, galaw pa lang ng talukap ng kaniyang mga mata.

Kung ang mga magbestfriend nagkakaintindihan kahit walang salita, gano'n din kaming dalawa. Because we are 'mortal enemies', may malalim kaming koneksyon sa isa't-isa kung kaya't naririnig namin ang isipan ng bawat isa.

"Namiss mo ba ako?" Bulong ng isip ko. Isip ko ba talaga ang nagtanong nu'n? Napakunot ako ng noo dahil kahit na matagal ko nang kilala si Axl, hindi ako magtatanong ng gano'n.

"Oo, namiss kita. Miss na miss na kita," narinig ko namang sagot ni Axl na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Ito ba talaga laman ng isip niya? Tama ba itong naririnig ko?

"Sabihin mo, may girlfriend ka na ba?" Tanong ng isip ko na maging ako ay nagugulat din sa iniisip ko.

"Wala pa. Dahil hinihintay kita," sagot ng isip ni Axl. Nanlaki tuloy ang mga mata ko at napatakip ng aking bibig. Tama ba ang narinig ko?

Pero 'yung itsura ni Axl parang gulat na gulat din. W-wag mong sabihing... waaah! Napalayo ako sa kaniya at napayakap sa aking sarili.

Maya maya pa... narinig naming dalawa ni Axl ang pagtawa nina Terrence at Beckham. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanilang dalawa.

Naguusap silang dalawa.

"Bumalik talaga ako para sa iyo," umaarteng saad ni Beckham na para bang pino-portray ako.

"Mahal kita! Matagal na kitang mahal, Captain Connery," sagot naman ni Terrence na pakunwari'y si Axl. Feel na feel nila 'yung mga dialogue nila at naghawakan pa ng mukha.

Nyeta naman!

*PAK!* sabay na binatukan nina Kaysen at Kyree 'yung dalawang mga ungas.

"Aray naman! Bakit mo 'ko binatukan?" Napasimangot at tila maiiyak nang saad ni Beckham.

"P*tcha! Bakit mo ba ako binatukan?" Pinanlakihan naman ng mata ni Terrence si Kaysen.

Geez! Akala ko tuloy utak ko talaga 'yung nagsasalita, sila lang palang dalawang mga sira-ulo.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon