CHAPTER 20
COLETTE's POV
"Anong nangyari sa kaniya? B-bakit siya makikipag-basag ulo?" napatanong na lang ako sa aking kinatatayuan.
"Hindi ugali ni Connery na makipag-away ng walang dahilan, sigurado akong napakabigat na bagay na iyon," sambit ni Axl at pagkatapos noon ay napatakbo na kaming dalawa sa kung saan nagaganap ang away.
Napakaraming mga estudyante noon ang nanonood sa kanila ngunit wala mang ni isang nagtangkang pumigil sa kanila. Nakita ko rin sa may isang sulok sina Beckham at Kyree. Mukha silang napagskuluban ng langit at lupa at hindi man lang gumagalaw sa pwesto nila. Bakit hindi nila pigilan ang Captain nila?
Napatingin ako kay Connery noon. Nasa gitna silang dalawa ng kaaway niya at duguan ang ulo niya. Napatingin naman ako sa kalaban niya at nakita kong may hawak itong parte ng upuang kahoy na nasira na. Marahil ay iyon ang ipinampukpok niya sa ulo ni Connery.
Hindi ako makahinga ng maayos ng mga oras na iyon. Nakikita ko pa lang ang dugo na umaagos mula sa kaniyang ulo ay nanghihina na ako. Nanlalambot ang mga kalamnan ko sa buong katawan na para bang ako ang nasasaktan. Pero nang mga oras ding iyon... ibang Connery ang nakita ko.
Galit na galit ang itsura niya, parang isang leon na handang sumunggab nang kahit na sino. Hindi ko alam ang buong pangyayari ngunit... batid ko ang napakatinding galit na gustong kumawala sa kaniyang mga kamao.
Tikom na tikom ang kaniyang kamao, parang isang matigas na bato na kahit sino sigurong matamaan nito ay agarang mamamatay. His eyes is full of rage, hindi ko siya nakilala. Parang biglang nawala ang lahat ng imahe ng loko-loko at masiyahing Connery sa aking alaala.Ano bang nangyare?
"NAGAGALIT KA DAHIL TOTOO LAHAT NG SINABI KO!" sigaw ng lalaking kaaway niya. He is also our senior. Kaklase din siya nina Axl at Connery. Ano bang pinag-aawayan nila?
"Tumahimik ka..." mahinang bulong ni Connery habang nanlilisik ng sobra ang kaniyang mga mata.
"TSS! Hindi ako tatahimik. ISA KANG MAMAMATAY TA--!" sigaw nito ngunit agad siyang sinugod ng napakalakas na suntok ni Connery. Saktong-sakto ang suntok niyang iyon upang madurog ang nosebridge ng kalaban. Hindi lang iyon ang ikinagulat naming lahat. Bukod sa pagsuntok na iyon ni Connery, hindi niya tinigilan ang lalaki. Dinaganan niya ito at sunod-sunod na pinagsusu-suntok nang walang pag-kurap at walang awa.
"SINABI KONG TUMAHIMIK KA! TUMAHIMIK KA! TUMAHIMIK KA!" paulit-ulit na sigaw ni Connery. He's crying. He's crying while punching him. What's wrong with Connery?
"P-pigilan n'yo siya! Pigilan n'yo siya, baka mapatay niya si Theo!" naiiyak at takot na takot na pagsusumamo ng isang babae kina Kyree at Beckham ngunit... tulala lamang ang dalawa kay Connery. May takot sa mukha nila na hindi maipaliwanag kung bakit.
"Axl..." tawag ko sa katabi kong si Axl. Napatingin ako sa kaniya noon, ngunit maging siya ay hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan niya. Bakit? Bakit hinahayaan lang nilang bugbugin ni Connery 'yung lalaki? Natatakot ako! Naiiyak ako sa takot na baka mapatay ni Connery 'yung lalaki. Hindi ko kayang makitang nagkakaganito ang lalaking gusto ko. Hindi ganito si Connery. Napailing-iling na lang ako sa aking sarili habang may kakaunting luha sa aking mga mata. Hindi ganito si Connery.
"Axl... p-please... pigilan mo siya," nanginginig ang boses ko ngunit pinilit kong banggitin ang mga salitang iyon. Hindi pa rin siya gumagalaw, parang wala siyang balak na pakinggan ako.
"Please... Axl..." ulit kong pagmamakaawa sa kaniya. Nanginginig man ang kamay ko ay humawak ako sa braso niya at tinitigan siya ng nanlulumo kong mga mata. Tinitigan niya ako saglit at naramdaman kong nakarating sa puso niya ang sinseridad ko. Doon siya humakbang papalapit kay Connery at saka ito hinila palayo sa lalaking halos lantang gulay na.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...