CHAPTER 27
TERRENCE's POV
"Nabalitaan namin ang nangyare sa school," paunang salita ni Momma sa akin pagkauwing pagkauwi ko sa bahay. Magkatabi silang nakaupo noon ni Papa sa may sofa habang kaharap ako. Tense na tense ang mukha nila. Sigurado akong 'yung tungkol iyon sa nangyari sa amin ni Skyler sa school.
"Lalaki talaga ako, magtiwala kayo," saad ko sa kanila. Napahawak pa ako sa aking dibdib upang ipakitang seryoso ang sinasabi ko.
"Alam naman namin 'yon ng papa mo pero... nag-aalala kami sayo dahil hanggang ngayon ay wala ka pa ring girlfriend," mahinahon si mama ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Pero 20 years old pa lang naman ako," depensa ko. Nagtinginan tuloy silang dalawa. Napakunot na lang tuloy ako ng noo.
"Ganoon ba talaga iyon ka-big deal sa inyo?" Tanong ko. Ganito na ba talaga sa panahon ngayon? 20 ka pa lang pero dapat may shota ka na?
"You see... 'yung anak ni mareng Victoria may fiancee, pati ang anak ni mareng Anastasia may fiancee din. Don't tell me kailangan ko rin maghanap ng fiancee mo?" Ani mama. Nabanggit na niya ang mga kumare niya. Ibig sabihin, pang-shown down lang niya ako. Gusto lang niyang makipagsabayan do'n sa organization nila.
"Sino ba kasing may sabing wala akong girlfriend?" I pouted. Sinabi ko iyon para matapos na ang usapan namin at makaakyat na ako sa kwarto ko.
Nanlaki ang mga mata ni mama sa sinabi ko.
"Hindi nga? I-ibig mong sabihin m-may girlfriend ka?" Aniya. Mukhang big deal nga talaga sa kaniya. Sa sobrang excited niya sa sinabi ko hindi na ako naka-kibo pa. Napatikom na lamang ako ng bibig at tumango-tango.
"Kung gano'n, dalhin mo siya sa birthday party ko," aniya na siyang ikinanlaki naman ng mga mata ko.
"P-pero k--"
"Anong pero?" Ang bilis n'ya do'n.
"O-okay!" Mabilis kong tiklop rito. Oh sh*t! How could I clean this mess? Next sunday na ang birthday party niya.
EVER's POV
Awkward. Iyan ang perperktong salita kapag nagkikita kami ni Terrence. Lalo na kapag magkakasama kami sa table ng cafeteria. Katabi niya si kuya Sky at kaharap naman niya ako. Bakit kasi hindi na lang ang team foxtrot ang pinaupo dito ni Coleman eh!
Nagkatitigan kami ni Terrence. Naalala ko nanaman 'yung paghalik niya sa akin. Dahil sa ginawa niyang iyon ay mahinto ang business ko, wala tuloy akong kita ngayong buwan. Nahihirapan tuloy ako dahil napaka-high maintenance ko, dami ko kasing capricho.
Ilang saglit pa ay kumuha ng pirasong karne si Terrence sa plato niya at inilipat ito sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Nak ng! Sa harap pa talaga ng kuya ko.
"A-ayaw ko!" Mabilis kong tanggi rito at ibinalik ang karne sa plato niya. Nagulat din tuloy noon ang lahat ng nasa table namin even si kuya Sky. Geez! Tumutulo tuloy ang malamig na pawis sa mukha ko. Ano ba kasing problema ng Terrence na ito?
Mabilis kong tinapos ang pangkain ko at umalis na. Mayamaya pa ay naramdaman kong may sumusunod na yapak sa akin. Binilisan ko ang aking lakad hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako papunta. Pagkatapos noon ay may bigla na lamang humila sa may likuran ng kwelyo ko papasok sa may CR. Hinila ako ng taong iyon papasok sa isang cubicle. Itinulak niya ako sa may kahoy ay ikinulong sa kaniyang mga bisig. Si Terrence.
"A-ano bang ginag--"
"Ssshhhh..." aniya na hinarangan ng kaniyang hintuturo ang bibig ko. Napakurap-kurap ako at tumahimik.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...