CHAPTER 13

919 43 3
                                    

CHAPTER 13


STEF's POV


Nakatulala ako ngayon kay Connery habang naglelesson siya sa aming klase. Walang anumang pumapasok na kahit na ano sa utak ko dahil punong-puno ito ng pangalan at itsura niya. His funny smile, his wacky looks, his humor and his very light personality. Lahat ng bagay na kinababaliwan ng mga babae sa kaniya... iyon din ang mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya. But for me, there is more than that. There is a deeper reason for me to like him so much.

"In love ka pa rin sa kaniya?" bulong na tanong sa akin ni MM na nasa tabi ko lang. Pansin kasi niya ang seryso kong mga titig kay Connery. Napatingin naman ako sa kaniya at matipid na ngumiti.

Alam ni MM ang buong kwento kung paano kong nagustuhan si Connery. Siya ang una kong nakasama sa barracks at siya rin ang una kong naging kaibigan dito sa SMA so I already told her my story. My feeling for Connery is already here in my heart since we are child. So I can say that he is my childhood sweetheart. And for almost ten years, I still like him. At habang patagal ng patagal... tingin ko ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Ibinalik ko ang tingin kay Connery at muling bumalik sa aking ala-ala ang araw kung kailan una ko siyang nagustuhan.

He is the second son of Army General Mamauag, and I am the youngest daughter of Air Force Lieutenant General Morgan. That's how we met each other. We are the loyal allies of their family. Magkasama kaming lumaki sa Military housing together with Axl. Hindi tulad ngayon na medyo magkalaban sila sa ranking ng school at dahil na rin sa mga parents nila na magkalaban din sa kapangyarihan... ibang-iba kami noong mga bata. Noong mga... sampung taong gulang pa lang kami. Hindi namin iniintindi ang mga kung anu-anong ranggo ng pamilya namin kung hindi masaya kaming magkakasama.

Masaya kaming naglalaro ng baril-barilan sa may likuran ng bahay nina Connery. Gumagawa pa kami noon ng kunwaring kwento kung saan ang bida, of course ay si Connery. Kunwari ay isa siyang matapang na General na may misyong iligtas ang isang babae which is played by Me. And the script goes like this... Nakidnapped daw ako ng isang dating sundalo na ngayon ay nagrerebelde na, that is Axl. Tapos darating si General Connery at saka magpapalipad ng maraming bala kung saan ang isa doon ang papatay kay Axl. And at the end of our game... Nailigtas din niya ako. At pagkatapos ng paglalaro namin... uupo kami sa may damuhan at magmemeryende.

*FLASHBACK*

"Nakakasawa na ang ganito!" Nakangiwing sambit ni Axl habang nakatukod ang parehong kamay sa may bandang likuran niya at nakabuka naman ang dalawang mga paa.

"Shanong shibig mong shabrihin?" tanong ni Connery habang subo-subo ang paburito niyang hopyang munggo.

"Bakit ikaw na lang parati ang bida? paulit-ulit na lang," reklamo ni Axl.

"Eh, mas gwapo naman kasi ako sa'yo. Di ka ba nanonood ng TV?" sagot naman ni Connery. Bata pa lang siya ay medyo may pagka-mayabang na talaga siya, "Ang mga bidang lalaki, always 'yung pinaka-gwapo. 'Di ba Steffany?" nakangiti akong tinanong ni Connery. Umihip noon ang sariwang hangin na siyang tumangay sa maninipis na hibla ng buhok niya. Nang mga oras na iyon, hindi ko maitatangging siya na ang pinaka-gwapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko.

"Ah... mm!" wala sa sarili kong sagot sa kaniya. Napatango-tango na lamang ako.

"Aaaay! Madaya kayong dalawa, pinagkakaisahan ninyo ako!" reklamo muli ni Axl at saka kami nagtawanan.

Masaya kami araw-araw hindi inaalintana ang mangyayari sa bukas ngunit isang aksidente ang sumira ng lahat ng iyon.

It's my birthday. Inihahanda ng parents ko ang birtday party na gaganapin ng gabing iyon. Pinuntahan ko sina Connery at Axl para imbitahin sila ngunit hindi ko sila makita. Hinanap ko sila kung saan saan ngunit wala talaga.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon