CHAPTER 40
CONNERY's POV
Ipinatong ko sa may itaas lang ng simento ng banyo ang aking uniporme. Kasabay ko noong naligo si Beckham sa may kabilang side lang. Ipinatong rin niya ang kaniyang uniporme sa taas, katabi ng akin.
"Captain!" Tawag niya sa akin.
"Mm?" Tanong ko habang nagsasabon ng katawan.
"Natatakot ako," aniya. Napahinto tuloy ako sa pagsasabon, "natatakot ako na hindi na makauwi," dugtong pa niya. Bilang captain, responsibilidad ko siya. Trabaho kong palakasin ang loob ng nga kasamahan ko at iuwi sila ng ligtas kagaya noong mga panahong nalasing sila.
"I'll cover you, so don't worry," sagot ko. Tinapos ko na ang pagligo at saka hinila ang aking uniporme upang magbihis.
After that ay nagtipon-tipon kaming muli ng ManHaKa Class para simulan ang pag-atake. We are in our full gear, alam na rin nila ang mga dapat nilang gawin kaya handang-handa na kami.
Bago ang paglabas namin ng hideout... hinawakan ko muna ng mahigpit ang aking dog tag. Pumikit at nanalangin ng taimtim.
Kailanman ay hindi ko bibitawan ang kwintas na ito. Hindi ko bibigyan at hahayaan ang pagkakataon na ihatid ito sa mga mahal ko sa buhay ng wala ang aking presensya. Nangako akong babalik. Nangako ako kay Coleman na sa kaniya lang ako babalik at yayakapin siya nang mahigpit.
Before leaving... I kissed my necklace and tapped my chest where I put my last letter.
GENERAL MAMAUAG's POV
"Nasaan ang anak ko?" nagtatanong pa lang siya ay ramdam ko na ang galit niya. Alam ko naman na bago pa man siya magtungo rito sa akin ay may natunugan na siyang balita ukol rito. Hindi na ako sumagot pa sa kaniya bagkos ay hinintay ko na lamang ang masasakit na hampas niya sa akin.
Nakaupo ako sa aking opisina nang sugurin niya ako ng hampas sa aking ulo. Hinampas-hampas niya ako ng mapauli't-ulit.
"Walang hiya ka! Walang hiya ka!" Sigaw niya sa akin habang umiiyak. Hindi ko siya pinigilan sa paghampas sa akin. Dinama ko ang galit niya.
"Alam kong sundalo ang anak ko! Alam mo rin na sundalo ang lahat ng lalaking minahal ko! Ikaw, si Conrad at si Connery!" Pasimula niya nang matapos na ang paghampas sa akin.
"Dapat alam mo na ngayon pa lang na matapang ako! *sniff* matapang akong tatanggapin ang pag-alis niya. Pero... pero hindi ko matanggap ang ginawa mong ito! *sniff*" she's crying hard. Ni minsan, hindi ko siya nakitang umiyak ng lumisan ako at maging si Conrad. Ngayon lang, kay Connery. Dahil ba paburito niya ito? Dahil siya ang bunso? Tingin ko ay hindi.
"Alam mo ba kung anong ginagawa ko tuwing umaalis kayo at iniiwan ako sa bahay?"
"Anastasia..." malambing kong tawag sa kaniya.
"Ngumingiti ako! Ngumingiti ako para makita ninyong ayos lang ako. Na kapag umalis kayo ay hindi ninyo babaunin ang lungkot ko. Na kapag umalis kayo... panatag ang loob ninyo. Kaya nga gusto kong... makita kayo bago umalis," umiiyak ang mahal ko. At ang dahilan noon ay ang hindi ko siya pinayagang makita ang kaniyang anak bago ang gyera. Hindi ko tuloy alam kung... tama ba talaga ang desisyon ko o mali.
"Magiging ayos din ang lahat, babalik din ang anak natin," mariing saad ko sa kaniya.
"Matagal ko nang tanggap Condor. Na kayong tatlo ay hindi ko pagmamay-ari. Ikaw, si Conrad at si Connery... kayong tatlo ay pagmamay-ari ng bayan. Hindi ako nagrereklamo roon, ang gusto ko lang naman ay ang suportahan kayo kung nasaan man kayo. Isa lang naman ang hinihiling ko bilang asawa at ina, iyon ay ang makita kayo ng aking mga mata," dagdag pa niya. Hindi ko napigilan na maiyak sa mga sinasabi niya. Alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ngunit ngayon lang talaga siya naglabas ng sama ng loob sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/223643609-288-k19392.jpg)
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...