Military series #1
When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier?
SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
GENERAL MAMAUAG's POV
"Anong balita sa kaniya?" Tanong ko sa isang Intel na kaharap ko. Nakaupo ako ngayon sa aking tanggapan habang tinatapos ang ilang mga gawain nang dumating siya.
"Sir! Nahanap na daw po siya ni Captain Conrad. Pabalik na raw ho sila rito," matikas na sagot niya habang nakatayo ng tuwid.
"Good!" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa balitang iyon.
Hindi ko talaga lubos maisip kung kaynino nagmana ang batang iyon at ubod ng tigas ng ulo. Alam naman niyang siya lang ang makakatulong sa akin para makaakyat sa gabineta ng presidente.
"Mahal ko...." isang mangiyak-ngiyak na babae ang humahangos palapit sa akin. Kumapit siya sa aking braso at tinitigan ako.
"Ano nanaman bang problema mo, Anastasia?" Kunot noong tanong ko sa aking asawa.
"Mahal ko, may bagong Louis Vuitton bag si Mareng Victoria. Tapos 'yung sa akin almost 2 months na rin, halatang Lumang-luma na," sumimangot siya at nagpuppy-eyes. Nagpapa-awa effect nanaman siya para makabili uli nang panibagong bag.
Ngayon alam ko na kung kaynino nagmana ang batang iyon. Walang iba kung hindi sa nanay niya!
Napabuga ako ng hininga at siningkitan siya ng mata. "Bakit ba kayong mga babae, ang hilig ninyong magpatalbugan ng bag?" Singhal ko sa kaniya. Lumayo siya sa akin at nagcross-arms.
"Dahil hindi kami basta-bastang mga babae lang! Mga asawa kami ng General no! Sige na," aniya at inilahad ang kaniyang palad.
"Ano 'yan?"
"Ano pa ba? akin na ang ATM mo," utos niya. So ngayon, hindi na siya nagmamakaawa kung hindi nang-uutos na. Wala naman akong magawa sa asawa ko dahil siya ang kumander ko. Agad kong binuksan ang aking wallet at iniabot sa kaniya ng aking ATM.
Pagkatapos kong ayusin ang dapat kong tapusin sa opisina, nagtungo na ako sa tanggapan ng SMA para salubungin ang pagdating ng five star General, the highest ranking official of Armed forces of the Philippines. Ang Presidente ng Pilipinas.
Pagdating sa SMA, saktong naroroon na rin ang ilan ko pang mga kasamahan na sina General Valencia of Philippine Air Force, General Donairo of Philippine Marine and General Llanares ng Philippine Navy. Kumpleto na kaming sasalubong sa Presidente.
"General Mamauag!" Nakangiting tawag sa akin General Donairo. Hindi na kami sumaludo pa sa isa't-isa dahil matagal na kaming magkakaibigan mula pa nang nag-aaral kami. Ganoon din sa iba pa dahil pareho lang naman kami ng mga ranggo.
"How's Connery?" Seryosong bungad naman sa akin ni General Valencia. Nakatingin siya sa akin ng seryoso at mukhang inaalam niya kung makakabalik pa ba sa eskwelahan ang anak ko o hindi na.
Nag-aaral pa lang kami sa SMA, siya na ang pinaka-mabigat kong kalaban pagdating sa posisyon kaya hanggang ngayon maging sa mga anak namin ay ramdam ko ang aming kumpitisyon.