CHAPTER 28

674 23 3
                                        

A/N: hello there! I just want to greet and say hi to all who's already come this far. I know there is at least someone who is reading this book and I'm grateful for that. Thank you silent readers! :) :)


CHAPTER 28: Birthday Party part 1


EVER's POV



Hindi ako makapili sa mga damit na nakasabit dito sa stall ng forever 21 sa mall. Dinala ako rito ni Terrence before the time of his mothers' birthday party. Ang sabi niya ay mamili raw ako ng susuotin ko.

Sabi ko sa kaniya... ayos na 'yung mga damit sa barracks, may mga dresses naman ako doon. Kaya lang ay mapilit siya. He told me to wear something really nice. So here we are.

"Pag marami talaga akong nakikita, hindi ako makapili," bulong ko sa aking sarili habang iniisa-isa ang bawat damit na naka-display. Sumusunod-sunod lang sa akin noon si Terrence at tinitignan din kung ano ang mga hinahawakan ko.

At dahil sa wala akong mapili sa mga ito, si Terrence na ang kumuha ng mga damit.

Isa, dalawa, tatlo... mga sampu. Sampu agad ang kinuha niya at itinulak sa akin.

"Subukan mo 'yan," aniya. Sumenyas siya gamit ang kaniyang labi na pumasok na ako sa dressing room, so I did it. Excited akong pumasok ng dressing room at isinuot ito.

Magaganda ang mga dress. Puro flower designa ang iniabot sa akin ni Terrence since resort and picnic style ang theme ng party ng mommy niya.

Haay! Napabuntong hininga ako. Kung hindi lang dahil sa shopee na 'yun eh. "Salamat talaga shopee!" I sarcastically said in front of the mirror.

Pagkatapos kong isukat ang isa ay lumabas ako ng stall para ipakita kay Terrence. Para sa akin pwede na ito. Paglabas ng stall I saw him waiting in the couch while looking in a magazine. Nakacross legs siya noon. Unang beses kong napansin ang kabuuan ng kaniyang katawan. Hindi ko kasi iyon pinpansin sa loob ng school since pare-pareho naman ang mga nakikita ko sa mga lalaki roon. But this time... he's not wearing his uniform. Bago sa paningin ko.

Naka-white leather jacket siya na nakabukas at kita ang white shirt niya sa loob. Naka-white pants din siya and white shoes. All white pa rin but it's not the same inside our school. How could he transform like this? Damit lang naman ang pinalitan.

Unti-unting iniangat ni Terrence ang kaniyang paningin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang gumapang ang hiya sa katawan ko. Wala naman akong paghuhugutan ng kahihiyan kaya bakit mamumula ng ganito ang mukha ko?

I lowered my eyes but I tried to look at him again. He's also blushing. Mas lalo lang tuloy akong nahiya.

Tumayo siya sa kaniyang kinaujpuan at lumapit sa akin. Napakalapit niya kaya naman napa-atras ako. Tatama sana ang likuran ko sa nakabukas na pintuan ng dressing room ng mapigilan niya ako. Hinawakan niya ang balikat ko. Naramdaman ko ang parang kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Magkahalong kaba at excitement, hindi ko maipaliwanag ng maayos ang feeling na iyon.

"Turn," aniya at inalalayan ako sa pag-ikot. After that ay hinarap niya ako nang nakangiti.

"Try the other one, 'yung light color," aniya.

"O-okay!" Sagot ko at kumaripas ng takbo sa loob ng dressing room. Pagkasara ko ng pinto, napasandal na lamang ako roon at napahawak sa dibdib ko.

"Ano ba 'to? H-hindi pwedeng magustuhan ko siya. Gusto siya ni kuya Sky," napakagat ako sa aking labi habang kinakalkula ang mga nararamdaman ko at sa kung anong maaaring mangyari.

Nagpalit ako ng light color dress. 'Yung color yellow. Lumabas ako sa dressing room na buo na ang desisyon. I won't let this feelings win.

"Iyan sir, mas bagay ng girlfriend ninyo ang kulay," saad ng isang sales lady na katabi ni Terrence. Namula nanaman ako. Girlfriend daw oh. Kunwari lang naman ito, isang araw lang.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon