CHAPTER 1

2.3K 76 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


COLLETE's POV


This is my last day in Academy.  Na-ayos na ni mom ang lahat ng mga papeles na kailangan ko to transfer out.

"Sorry Girls," nakasimangot kong sabi sa kanila. I can't believe na iiwan ko na nga sila.

"Military? Sure ka ba? Ano 'to suicidal ka na beh?" tanong nila na hindi nakakatuwa.

"Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito?" pagsisimangot ko lalo na kapag naaalala ko 'yung sinabi ni mom. "Kasalanan talaga ito ng Driver na 'yun eh!" singhal ko habang nakatingin sa malayo.

"Anong sinasabi mong kasalanan ng driver? Anong connect nu'n sa kamalasan mo sa buhay?" kunot noong tanong ni Yvone habang subu-subo ang lollipop.


"Syempre! Kung sanang hindi tatanga-tanga 'yung driver ng Taxi ni Dad edi sana  buhay pa siya ngayon. At hindi sana magpapakasal si mom sa isang Lieutenant General. Ayan tuloy kailangan kong mag-aral sa isang Military school." Napahawak ako sa aking ulo dahil sumasakit ang ulo ko kapag naaalala iyon.


"Kung Military School iyon, edi maraming mga lalaki do'n?" Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Heidi. "Hindi ka malas, SWERTE ka!" siniko niya ako habang tumatawa.


"Tigilan mo nga ako! Ayoko ng sundalo. Mga babaero ang sundalo!" sagot ko sa kaniya. Ayoko talaga promise! Masyado silang istrikto, Ganern!

"Babaero? Eh yung ex mo nga di sundalo pero babaero," Nginisian niya ako at pagkatapos ay pumasok na sa classroom.

We decided to party for the last time. Despedida ba, ganern! Kaya pagkatapos ng aming klase, Dumaretso kami sa malapit na boutique at bumili nang damit na pam-party.  Ala nga namang pumasok kami ng night-club nang naka-uniform 'di ba?

So ayun na nga... Nagpalit na kami ng damit. 'Yung fitted red dress na 'A whole new world' ang peg-este shinning, shimmering with slight slit sa may bandang right legs. Konting-konti lang ang slit, promise, cross my heart.

"Don't lie Letty," bulong ni Yvone sa akin habang nasa kabilang cubicle.

Hehe! Okay, Okay! Mahaba ang slit ng dress ko. Mala-Catriona Gray. Sabay-sabay kaming lumabas ng cubicle na naka-awra. Si Yvone, nakatube. Kulay Yellow ang dress niya. Si Heidi naman, Naka-backless  na kulay asul. Oh 'di ba, pak na pak! pwede nang gawing bandera.

Pagkatapos no'n ay nagtungo na kami sa night-club na kung tawagin nila ay 'BARRACKS'

"Bakit dito tayo?" tanong ko. Sila kasi namili ng pupuntahan namin.

"Ang balita ko kasi... marami daw tumatambay na mga papa ketchup dito. Mga hunky, six pack, ganern!" sagot ni Heidi. Dalawang beses niyang tinaas baba ang dalawa niyang kilay. Halata sa mukha  niya ang pagiging manyak. Hayaan niyo na, ganyan talaga siya.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon