CHAPTER 26

659 33 1
                                        

CHAPTER 26


KYREE's POV


"Sure ka bang wala kang alam tungkol rito?" tanong ko kay Beckham habang nagkukumpulan kaming tatlo nina Lorkhan sa loob ng locker room. 'Yung tungkol kay Connery at Coleman kahapon ang tinutukoy ko. Saaming tatlo kasi, si Beckham ang higit na nakakakilala kay Connery.

"Wala nga akong alam," umiling-iling siya habang naka-pout.

"Siguradong sigurado ka?" siningkitan ko siya ng mga mata.

"Oo nga! wala akong kaalam-alam tungkol sa relasyon ng dalawang iyon, promise! Mamatay man!" itinaas pa nito ang kaniyang kanang kamay bilang panunumpa sa sinabi niya. Agad namang hinugot ni Lorkhan ang hawak niya noong samurai bilang panakot rito.

"Oooh! Grabe naman kayo! wala namang ganiyanan!" Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang makintab at matalim na espada, "Wala talaga akong alam."

Inobserbahan ko muna ang buong reaksyon niya at nang mapagtanto-tanto kong nagsasabi nga siya ng totoo, sinenyasan ko si Lorkhan na ibaba na niya ang kaniyang armas. Pagkatapos noon ay napahimas ako sa aking baba at nagisip-isip. Nakakapagtaka.

"Nakakapagtaka, hindi ba?" saad ni Beckham sa akin.

"Tama," sagot ko, "Babaero siya, magaling mambola, two timer at laging nahuhuli ng mga babae kaya laging nakakatanggap ng magasawang sampal. Pero paanong... paanong magiging sila ng babaeng 'yon?" napakunot talaga ako ng noo dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot sa napakahirap na tanong na iyon.

"Nagkaroon na ba siya ng girlfriend dati?" tanong ni Lorkhan kay Beck. Mabilis itong umiling bilang sagot, mas mabilis pa sa kidlat.

"Mula pagkabata, mahilig na siya sa mga babae pero wala talaga siyang sineryoso sa mga iyon. Kaya kung pagdating sa usapang lovelife, masasabi kong... walang laman ang utak niya," ani Beckham. Napatango-tango na lamang ako. He's right! gano'n din ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"Kung gano'n... Hindi pa talaga tayo sigurado kung totoo ba ang nararamdaman ni Connery," saad ko.

"Gano'n na nga. May chance na baka nakikipaglandian lang siya," dagdag pa ni Beck.

"Goodluck na lang kay Coleman," sambit naman ni Lorkhan at saka kami sabay sabay na bumuga ng hangin. Pagkatapos ng meeting de avance namin sa may locker room, lumabas na kami para salubungin si Connery sa may harapan ng classroom. Nagtago muna kami sa may isang poste. Tanging mga ulo lang namin noon ang nakasilip sa may hallway. Ako ang nauuna, pangala si Beck at huli naman si Lorkhan.

Inabangan talaga namin siya roon para makita kung ano ang magiging reaksyon niya after ng ginawa niyang paghalik kay Coleman sa harapan ng buong eskwelahan. Gusto rin kasi naming makita kung anong uring boyfriend ba siya because this is his first time. Aba! Sa buong grupo namin, siya palang ang unang nagkaroon ng ganitong kaso. I mean... nakakahiya mang aminin pero kaming lahat sa Team foxtrot ay totoong mga No girlfriend since birth. Besides gun, granade, riffles, snipers at kung anu-ano pang mga armas we actually don't know how to handle woman. sundalo ba talaga kami? Of course! Kaya lang... buong buhay namin ay nakatutok lang sa pagiging sundalo namin kaya ganito. At isa pa... sa tingin ko... kapag ako nagka-girlfriend, hindi ko siya maaasikaso sa dami ng ginagawa ko lalo na sa special training.

"Inggit ka no?" tanong sa akin ni Beckham.

"Hindi no! Baka ikaw," singhal ko habang naghihintay kami sa may poste.

"Makikita mo, magiging kami din ni Nurse Kim," aniya. Mayamaya pa ay naaninagan na namin si Connery. Mag-isa siyang naglalakad na parang walang nangyari kahapon. Natural na natural lang ang itsura niya at parang walang espesyal. Dapat ngayon pa lang nagdiriwang at nagmamayabang na siya ah? Anong nangyare?

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon