CHAPTER 11
COLETTE's POV
Kasama ko ngayon sa cafeteria sina Stef at MM. Breaktime lang kasi kami nakakapagsama-sama.
"Wow! Astig ng buhok mo ah?" Bungad na sambit sa akin ni MM. Siningkitan ko siya ng mata dahil pinaalala nanaman niya sa akin ang tungkol sa buhok ko. Kapag naaalala ko iyon... umiinit ang dugo ko sa buong katawan.
"Kamusta ang first day of class?" Nakangiting tanong naman sa akin ni Stef as they sat beside me.
"Haay! Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal rito. Tignan na lang natin," napabuga ako ng hininga. Maya-maya pa ay napalingon-lingon ako sa aking paligid, napansin ko kasing nawawala si Ever.
"Nakita niyo si Ever?" Tanong ko sa dalawang kararating lang.
"Huh?" Pagtatakang tanong din ni Stef.
"K-Kanina lang kasi katabi ko siya rito," saad ko na puno nang pagtataka. Parang ilang minuto pa lang kasi iyon.
"Masanay ka na sa kaniya. Siya 'yung tipo ng taong bigla-bigla na lang nawawala o kaya naman ay bigla- bigla ding sumusulpot sa kung saan-saan," sagot ni MM.
"Anong ibig mong sabihin?" Ganiyan talaga... marami akong tanong dahil napakarami ko pang dapat malaman sa lugar na ito at sa mga taong nakapalibot sa akin. Lalong lalo na kay Ever. Ewan ko ba! Sa mga roommates ko... parang tingin ko, si Ever 'yung taong pwede mong pagkatiwalaan pero... hindi mo rin dapat pagkatiwalaan ng husto. Haay! Ang gulo! Basta gano'n 'yung pakiramdam ko eh.
"She's an Intel," ani Stef.
"Intel?" Kunot noong tanong ko. Ilang beses ko nang naririnig ito sa kanila pero hindi ko pa rin alam kung anong ibig sabihin no'n.
"That's a position or name for a 'spy'" sagot ni Stef sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"I-spy? You mean... 'y-yung mga spy na napapanood natin sa TV, do'n sa mga action dramas?" Tanong ko na hindi mo alam kung natatakot ba ang itsura or namamangha.
Syempre 'di ba, ang astig naman no'n. Never pa akong nakakita ng totoong spy, kasi nga 'di ba spy sila... hindi sila pwedeng magpakilalang spy. Pero at same time... nakakatakot 'yun kapag nahuli siya ng mga kalaban. For sure dawit ang mga taong kakilala niya rito. Meaning...
Napayakap ako bigla sa aking sarili sa mga bagay na pumasok sa isipan ko. "K-kung isa siyang spy... e-edi delikado din ang buhay nating tatlo?" Sambit ko na puno mg takot kina Stef at Mm. Pero imbis na matakot din sila ay napangiti at napatawa pa sila.
"B-bakit parang hindi kayo nag-aalala?" Tanong ko na napa-pout pa habang yakap-yakap pa rin ang sarili.
"Inaamin kong magaling na Spy si Ever, pero wag kang mag-alala dahil hindi naman niya ginagamit sa matinong bagay ang skill niyang iyon," napasimangot si Stef.
"That's right, isa siyang magaling na spy... pero hindi katulad ng iniisip mo," napangiwi naman si MM. Ano bang ibig nilang sabihin do'n? Anong uring spy ba si Ever?
Habang naguusap-usap kaming tatlo, isang asungot nanaman ang biglang lumitaw sa harapan ko. It's Connery and his company.
"Hi! Ms. Coleman, pwede ba kaming maki-share ng table?" Abot tenga ang ngiti niya sa akin habang hawak-hawak ang tray ng pagkain niya.
"Oo nam---"
"SORRY! May nakareserve na diyan," putol ko sa dapat na sagot ni Stef. Napatingin tuloy sa akin si Stef at MM. Syempre! Ngiting abot langit din no'n ang isinukli ko kay Connery.
"Nakareserve?" Tanong ni Con na nakangiti pa rin. Grabe! Napaka-plastik ng mukha niya.
"Oo! Nakareserve," ulit ko.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)