CHAPTER 15

920 34 1
                                        

CHAPTER 15


ANASTASIA's POV

"Anong kailangan mo sa akin, Madam Anastasia?" Nakangiting tanong ni Mrs. Nicolette Cervantes sa akin. Dumalaw ako sa bahay nila dito sa loob ng Military housing.

"Well... if hindi mo pa alam, Mey husbandt is the one and onley Army General Condor Mamauag," napahawak ako sa aking dibdib at napatango-tango habang nakangiti. She should know by know kung ano ang gusto ko sa kaniya. Narinig naman niya siguro ang usapan namin ni Victoria sa meeting de avance namin.

"Am... yes! Nabanggit nga ng asawa ko," sagot nito na pasimpleng ngumiti.

"Actualley? I don't like ya!" Mabilis kong sambit sa kaniya sabay ang cross arms ko.

"Huh?" Gulat niyang tanong sa biglaang pagsabi ko noon. Nawala ang ngiti niya.

"I don't like ya', kasi masyado kang pretty, hahaha!" tawa ko.

"Ah... am... I-is that a compliment or---"

"Of course it's a compliment! Ano ka ba! Masyado ka kasing seryoso eh. Hahaha!" Napatawa ako sa itsura niya. Napahampas tuloy ako sa kaniyang hita.

"Haha!" She awkwardly laughed. Hinimas-himas pa niya ang hitang hinampas ko. Napasingkit tuloy ako ng mata sa kaniya.

"Mare! Masyado naman atang plastik ang ngiti mo," saad ko na napatigil na naman siya sa pagtawa.

"Huh?" Aniya.

"Don't worrey, sa panahon natin ngayon, kailangan nating maging plastic. Ngiti ka nga uli," saad ko. Ngumiti naman siya.

"How about sad face?" Nag-sad face din ako para sabayan siya. Ginawa naman niya.

"Perfeykt! Perfeykt!" Pumalakpak ako, "Pwede nang irecycle ang mukha mo, Hahahaha!" saad ko at saka napatawa.

"Am... Madam Anastasia, ano ba talaga pinunta ninyo rito?" Ngumiti ito sa akin ngunit mukhang naiirita na sa presensya ko.

"Well... Don't misaynderstand me. Sa ganito rin ako nagsimula. As a wife of a high ranking officials, mayroon din tayong pinanghahawakang pride and rank, kumare," paliwanag ko sa kaniya. For sure, hindi pa niya ito alam.

"You are third in the rank. Hindi mo ba alam iyon?" Tinaasan ko siya ng kilay at nagpalit ako ng isa kong binti sa pagdekwatro.

"Third in the rank?" Aniya. Look, she's clueless.

"Ang pinakamataas sa atin ay ang first lady of the countrey of course. Then... next in the rank is kami nina Victoria, Brianna, and Bethany. Sumunod sa amin ay kayo nina Lynel and Aubrey. It depends on the rank of our husbandths," saad ko.

"Ah... okay," napatango tango siya. Pero hindi ko pa nasasabi ang totoong dahilan kung bakit naririto ako.

"Matindi ang labanan," napatingala ako sa kisame nila.

"Labanan?" Kunot noong tanong niya sa akin. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ko.

"Oo! Labanan. This organization is a war Mrs. Cervantes. We will not win without comrades," tumitig ako sa kaniya, "For sure hindi ka makakapagsurvive nang matagal here in Military housing kung wala ang tulong ko," pananakot ko.

"Kung gano'n... paano akong magtatagal rito?" Tanong niya. That's it! I gotcha!

"Simple lang, ibigay mo sa akin ang kamay ng anak mo. Hahahahaha!" Ewan ko ba! Napatawa na lang ako bigla na parang baliw. Nagulantang tuloy siya.

"A-ano? Ano bang sinasabi mo?" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa akin.

"Why? Pahahabain ko pa ba ang explanation ko eh sa kasalanan din naman ito hahantong?" Nakangiwi ako sa kaniya. Napabuga tuloy siya ng hangin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon