CHAPTER 35
COLETTE's POV
"Why are you looking at me like that?" tanong ko kay Connery. Titig na titig kasi siya sa akin habang nakahiga sa bed. Nakaupo naman ako sa tabi niya and we are already dressed. Kasalukuyan noong nagkakasiyahan ang mga tao sa labas, and we're both here, playing the staring game.
Hinawakan niya ang ulo ko at sinuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang kamay.
"Why?" tanong ko. Masyado siyang seryoso. Hindi ako sanay.
"I'm imagining you walking in the aisle right now," nakangiti niyang sabi sa akin.
"What?" natatawa kong sagot sa kaniya.
"You're wearing a white and conservative dress..."
"Conservative?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Conservative talaga? pero gusto ko kasi... kapag ikinasal ako, 'yung fitted mermaid style na medyo revealing.
"Oh sige! kahit na ano, huhubarin ko din naman 'yon pagkatapos," aniya.
"Connery!" Nahampas ko siya sa dibdib. Kainis kasi.
"But how about your hair?" balik tanong niya. Napaisip-isip ako sa tanong niyang iyon. Tama siya, paano na ang ayos ng buhok ko sa araw ng kasal namin? Napahawak ako sa aking buhok na sobrang ikli. Pangarap ko pa naman ang bun hairstyle sa kasal ko. Kung ganito ito kaikli... hindi ko magagawa iyon. Napasimangot tuloy ako.
kinuha ni Connery ang isang ballpen na nakapatong sa may maliit na drawer na nasa tabi namin. Binuksan niya ito at kinuha ang aking braso.
"What are you doing?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkos at ginuhitan niya nag maliit na guhit ang medyo baba ng balikat ko, "What's this?"
"Hanggang diyan," aniya na nakangiti.
"Hihintayin kong humaba ang buhok mo hanggang sa guhit na iyan and then... Let's get married," aniya. Hindi ko maiwasang kiligin.
"I want to marry you right now, but I'll wait to grow my hair until then," sagot ko. Hahalik pa sana ako sa kaniya ng biglang...
*BOOOOOOOGSH!!!!*
Isang nakakabinging pagsabog ang umalingawngaw sa kabuuan ng eskwelahan. Dumagundog ito at ramdam na ramdam namin ang paggalaw ng lupa. Sa sobrang lakas nito ay nagsihulugan ang mga babasaging gamit sa loob ng clinic. May isang malaking nakakasilaw na liwanag ang sumilay sa may bintana na katapat lang namin.
Kasunod ng napakalakas na pagsabog, dagundong at lindol ay narinig namin ang yabag ng mga taong nagtatakbuhan, nagiiyakan at humihingi ng tulong. Kasabay noon ang malakas na tunog ng sirena at hindi inaasahang announcement mula sa pamamahala ng eskwelahan.
*WAAAAANG! WAAAAANG! WAAAAANG!*
"Red Alert! Red Alert!" Sigaw ng isang sundalo sa may audio control room.
Nakita ko ang kabadong mukha ni Connery. Bakas ang takot at pangamba sa kaniya.
"What's happening?" tanong ko na kunot ang noo. Wala akong kaide-ideya kung ano iyon. May sumabog ba? May aksidente bang nangyari sa fireworks display?
"We should go now!" aniya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palabas. Nagmamadali siya kaya't halos maapakan na namin ang mga bubog sa sahig. Mabuti na lang at matibay ang mga combat shoes namin.
Napakabilis ng lakad niya kaya't para na niya akong kinakaladkad. He's tense and his hand is now cold. Paglabas namin ng building, nabitawan niya ang kamay ko dahil sa itsura na eskwelahan na bumungad sa amin.

BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...