CHAPTER 31
COLETTE's POV
"Una na kaming dalawa sa inyo, maaga kami ngayon," paalam ni Stef sa aming dalawa ni Ever. Nagmamadali sila noon ni MM na lumabas ng Barracks namin. Nakangiti si Stef at nakangiti rin ako sa kaniya. Walang anumang bagay ang namagitan sa aming pagkakaibigan. Iyon ang masarap sa pakiramdam. Ganito ang pagkakaibigan sa loob ng SMA.
Limang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng birthday ni tita Aubrey, balik nanaman kami sa mga gawing eskwelahan and more on... the preparation of the school festival. Bukas na ang unang araw ng festival kaya busyng-busy ang lahat kahit na si Connery. Puro mga seniors kasi namin ang magp-perform. Alascuatro pa nga lang ng umaga ay maririnig mo na ang command ng mga instructor nila sa may Area 15. Ginagawa nila iyon para sa Military silent drill.
"Pasinsin taludtod 'KAD!" sigaw ni Instructor Gonzaga. Sabay sabay naman noong itinaas ng mga seniors ang kanilang mga kaliwang paa to get ready for the march.
"Patakda 'KAD!" sigaw nito at saka sabay sabay nilang ibinaba ang kanilang kaliwang paa't nagmarcha sa kanilang pusisyon. Napangiti ako dahil ang galing nila. Sabay- sabay talaga 'yung bawat pagbaba at pagtaas ng mga paa nila. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng kanilang mga combat shoes.
"Pasulong 'KAD!" nagsimula na silang magmarcha nang pasulong.
"Harap sa kanan, RAP!"
Mayamaya pa ay tinawag ni Instructor Gonzaga si Axl at saka si Connery. Hinati niya ang mga estudyante sa dalawang grupo at ibinigay ang Command sa dalawang kapitan. Ang ganda nilang tignan sa napakalawak na field. Sinusunod ng mga estudyante ang lahat ng command ni Captain Axl at Con ng walang pag-aalinlangan. Kapag sinabing sulong... susulong sila kahit kaunti na lang ay magkakabungguan na 'yung dalawang grupo. Pero magaling ang dalawang kapitan, tanchanado nila ang bawat hakbang ng mga kasamahan nila kaya naman... Never itong nagkabungguan bagkos ay nagpalitan lang sila ng pwesto. Mula sa isang maliliit na grupo, naging isa sila sa pangunguna ni Axl at Con.
"Mas maganda 'yan kapag may tugtog na ng Military Band at kapag naka-uniporme na sila. Baka mas lalo ka pang ma-inlove sa boyfriend mo," nakangiting bulong sa akin ni Ever. Natawa talaga ako sa loka-lokang ito. Nahampas ko tuloy siya sa braso.
"Eh bakit ikaw? kay Terrence," ibinalik ko sa kaniya 'yung mga pinagsasa-sabi niya. Nginisian naman niya ako.
Naibigay na sa amin ng mga instructor namin 'yung tatlong ticket para sa mga gusto naming imbitahan sa school festival namin. Wala naman akong masyadong pagbibigyan nito dahil libre namang makakapunta sina tito Al at momshie rito. Tanging 'yung dalawang ticket lamang 'yung pinadala ko sa mga kaibigan kong sina Heidi at Yvone. Kay Yvone, wala akong problema pero kay Heidi... problema talaga siya, kaya kinagabihan ding iyon ay tinawagan ko siya para i-orient na iba ang SMA sa SAA.
"Alam ko, 'di naman ako Boba!" sagot niya sa akin mula sa tawag. I'm seeing her face frowning ang flipping her curly hair.
"Sinasabi ko lang, kilala kita eh. 'Wag na wag kang manununggab ng mga lalaki dito huh! nakakahiya ka,"bilin ko sa kaniya.
"Grabe ka naman beshiwaps, gaano ba kaga-gwapo mga estudyante diyan para manunggab ako aber? Kasing gwapo ba 'yan ng mga ex ko?" tanong niya. For sure she's also flipping her hand right now, medyo maypagka-malande at maarte kasi ang friend ko na ito eh. Mga modelo kasi ng Bench ang bino-boyfriend niya kaya masyadong choosy.
"Basta umayos ka huh! Bawal maarte dito. 'Wag ka nga pa lang magsusuot ng mga kung anu-ano huh, mag T-shirt ka lang at pants, baka magmukha kang clown dito." singhal ko sa kaniya.
"Oo na! oo na! Parang wala kang tiwala sa akin ah?"
"Wala talaga! sige, Bye!" agad kong ibinaba ang tawag. Ganito talaga kaming dalawa, hindi naman iyon magagalit.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)