CHAPTER 14

832 42 4
                                    

CHAPTER 14


COLETTE's POV


"Good morning privates!" deretso ang tingin nito at talagang smart na smart ang tindig niya. Maganda at sexy ang instructor namin ngayon. Hindi siya kasama sa mga seniors namin. Talagang instructor siya sa school namin so sabi ni Ever sa akin, asahan ko na raw na mas mahigpit ito kesa kay Axl. Si Axl pa nga lang nakakatakot na, paano pa kaya ang mga ito?

"Sino dito si Private Colette Gizelle Coleman?" Tanong nito sa aming lahat tapos sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga classmate ko.

"Ah... A-ako po," sagot ko na lang na nagtaas ng kamay.

"Don't raise your hand, Stand!" Sabi niya na hindi nagbabago ang itsura ng mukha. Tulad nga ng sinabi ni Ever, mas matindi pa nga ang mga ito kesa kina Axl. Ultimo 'yung paglunok ko, hindi ko na rin magawa. Napakatahimik ng klase namin, pati 'yung hangin nana-nahimik din. Dahan-dahan akong tumayo at pagkatapos ay ngumiti.

Bakit niya ba ako tinawag?

"Hi!" Aniya na ngumiti saglit. Siguro mga 2 seconds lang tapos balik na sa seryosong mukha. Pero alam mo... parang android talaga siya. Tikas na tikas at chin-up na chin-up.

"Hello," sagot ko naman.

"This is the K9 class. I will be your instructor in handling K9, My name is Colonel Sandra Ramos. I will teach you about the K9 unit every saturday. I just want to know your background knowledge about the K9 unit so... Maybe I will start from the basic questions," anito sa buong klase na may buong buong boses.

Ibinalik niya sa akin ang tingin at... "Private Coleman, why do you think handling Police and Military dog called K9 units?" Aniya. Hala! bakit ako? bakit ako agad? Hindi ba pwedeng introduction of myself muna? Ano bang kaalam-alam ko sa K9 na 'yan?

Dahan-dahan akong napalingon sa katabi kong si Ever, baka sakali kasing matulungan niya ako. Kaya lang... Bigla na naman siyang nawala na parang bula. Katabi ko lang siya dito kanina ah? Traydor talaga siya.

"If you don't answer my question correctly, you'll stand in the Area 15 around our K9 units for about 3 hours," dagdag pa niya na halos iluha na ng maganda kong mukha ang aking mata. Anong sabi niya? Nababaliw na ba siya? Ipapakain niya ba talaga ako sa mga K9?

"I'll give you 1 minute to answer my question," dagdag pa niya kaya nataranta na ako. Kainis naman 'to oh! Paano ako makakapag-isip ng maayos kung nape-pressure ako sa oras? Hindi tatalab sa eskwelahang ito ang Ms. Universe talent ko.

"30 seconds left!" Ha? 30 seconds na nga? Hindi pa man ako nakakapag-isip ng dapat kong isipin eh! Ano ba kasi dapat ang iniisip ko ngayon? Teka! may isip ba 'ko?

After one minute... I end up standing alone in the field of Area 15. Walang katao-tao noon roon kung hindi ako lang. Nakatayo ako sa tirik na tirik na araw habang kasama ko ang napakaraming mga naglalakihang German shepherd. Partida, hindi sila nakatali at walang nagbabantay sa kanila. Iniikutan nila ako at inaamoy-amoy. Hindi ako gumagalaw noon dahil pakiramdam ko... kaunting galaw lang ng mga daliri ko ay lalapain nila ako ng buhay.

Waaaaah! gusto ko nang bumalik sa dati kong school Momshie! T__T Hindi na talaga ako makikipag-away, Promise!


BECKHAM's POV

"Uy! Cpt. Nakita ko 'yung crush ko kahapon," bulong ko kay Cpt. Connery na katabi ko lang sa klase. 

"Oh tapos?" tugon nito. Kapag mga girl problem, wala nang mas gagaling pa sa pagbibigay ng payo kung hindi ang captain namin. Iniidolo ko siya sa pagiging matinik sa chicks, lalo na kapag nasa club kami.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon