CHAPTER 17
COLETTE's POV
I end up sitting here in front of Connery. Tahimik kaming dalawa na nakaupo sa may table 6. Tinanggal na niya noon ang salamin niya so I saw his face clearly. Siya nga, at wala ng iba. Si Captain Connery ng Team Foxtrot. Wow! Hindi ko akalain na siya ang tinutukoy ni Momshie.
"Bakit ganiyan mukha mo? Dissapointed ka ba na ako ka-date mo?" tanong niya sabay higop sa juice na nakalapag sa table namin. Nawala na rin 'yung poise niya na mala-modelo kanina. Balik nanaman sa magaspang niyang pag-uugali, his usual self.
"Tss!" I smirked at him at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Many girls in SMA are dying to Date me. 'You should be happy," anito at saka kumuha ng pagkain sa platito.
"Kung ikaw din naman, 'wag na uy!" mabilis kong sagot sa kaniya.
"Bakit? sinong gusto mong maka-date, si Axl?" tuloy-tuloy niyang tanong sa akin. Medyo napangiti ako doon sa sinabi niya. Ewan ko ba, hearing the name of Axl from him makes me somehow excited. Napatingin ako kay Connery thinking something like...
"Yes! Maybe!" nakangiti kong sambit sa kaniya na ikinapait naman ng mukha niya. Sinamaan pa niya ako ng tingin kaya't napatikom ako bigla ng bibig. Hala! N-nagseselos ba siya? Nagseselos si Connery? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip kong iyon My blood rushed all over my body kaya naman pati ang mukha ko ay pulang-pula na rin. I just want to tease him but... I want to see more of his face full of jealousy. I want Connery to be jealous, what am I thinking?
"Maybe?" paguulit niya. He tilted his head while raising his brow and looking at me.
"Yeah!" I said.
"That means... you're not serious. That's Great!" Bawi niyang sabi tapos ngumiti pa. Para bang balewala lang sa kaniya na gustuhin ko si Axl. Bigla tuloy uminit ang dugo ko. Bakit ba ako nagagalit sa kaniya dahil lang do'n? Nagagalit ako dahil parang... Ayos lang sa kaniya na gustuhin ko si Axl.
"Ah! Another maybe... Maybe because you like me," dagdag pa ni Connery sabay subo ng pizza na in-order namin. And that's how my brain stop thinking. That's true... Baka nga! Baka nga gusto ko siya. Waaaaah! >__< Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi ako pwedeng magkagusto sa loko-lokong 'to. NEVA'!
"Tss! Never!" sagot ko sa kaniya na tinaasan siya ng kilay.
"Sige nga... bakit? bakit hindi mo ako pwedeng magustuhan?" deretsang tanong niya.
"Teka nga! bakit ganiyan ang usapan natin?" umayos ako ng upo. Hindi ako sana'y sa usapang ganito tapos si Connery pa ang kausap ko.
"Bakit ganito? kasi nga Blind date 'to 'di ba? We're here to know each other, Helloooow!" napakahangin lang.
"O sige! sasagutin ko ang tanong mo para manahimik ka na! Mas gusto ko si Axl kesa sa'yo dahil malayong-malayo ang ugali ninyo sa isa't-isa. Mabait siya, magalang, at seryoso siya sa lahat na bagay kaya for sure seryoso siya sa babae! Hindi katulad mo na puro kalokohan ang nasa isip at hindi marunong magseryoso sa buhay!" dere-deretso kong sumbat sa kaniya.
"Grabe ka naman! Ako ka-date mo pero ibang lalaki ang pinupuri mo. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka na?" he pouted.
"Look!" tumuro ako sa mukha niya, "Ngayon pa nga lang hindi mo na sine-seryoso ang mga sinasabi ko eh!" reklamo ko sa kaniya. Totoo naman eh! Iniisip ko lang ang sarili kong puso, ayokong masaktan. Paano kung seryusohin ko siya tapos... tapos... siya... lokohan lang pala sa kaniya ang lahat. Napasimangot ako bigla.
"Hindi ako magseseryoso na katulad ni Axl. Hindi ko babaguhin ang sarili ko ng dahil lang sa babae," sagot ni Connery. But this time... his face looks more serious than before. Maybe seryoso na siya ngayon sa sinasabi niya or maybe... isa pa rin ito sa mga kalokohan niya. Iniisip ko tuloy kung kailang ba talaga siya magtitino?
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
![SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/223643609-64-k19392.jpg)