CHAPTER 22

734 28 3
                                        

CHAPTER 22

GENERAL MAMAUAG's POV

"Mahal, Halika na! malamig na ang kwarto," yaya sa akin ni Anastasia. Sakto at katatapos ko lang noong maligo. Pagpasok ko sa aming kwarto, handang handa na siya. Nakasuot siya noon ng black see trough na night gown. Nakahiga sa aming kama habang nakalitaw ng kaunti ang binti. Patikim lang ba.

Napangiti ako na medyo green at pagkatapos at itinaas baba ko ang aking dalawang kilay.

Tinapik tapik niya ang parte ng kama kung saan niya ako gustong pumwesto. Mas lalo tuloy akong nag-iinit at ginaganahan.

Pero bago ang lahat, nagtungo ako sa may dulo ng king size bed namin. Doon ako sumampa at sinimulang gapangin siya mula sa paanan. Humalik ako sa may paa niya.

"Yiiieh! May kiliti pa rin ako diyan, mahal," natatawang sambit ni Anastasia. Ngayon lang kami uli't makakapaglabing-labing, napakabusy kasi talaga ng trabaho ko. Kailangan kong asikasuhin ang bawat mission order ng mga sundalong dinedeploy sa iba't-ibang lugar dito sa bansa.

"Hindi ka makakatakas sa akin ngayon, RAWR!" Umungol ako na parang isang leon na para bang handang sumungab sa kaniya, "Rawwwwr!" Humalik ako sa legs niya paakyat sa mas mataas pang bahagi ng katawan niya nang...

*Waaaang! Waaaaang! Waaaang!" May tumunog na sirena. Hudyat ng emergency situation sa loob ng kampo.

"Ano 'yun? Anong nangyayare? M-may gyera ba?" Paranoid na tanong ng asawa ko. Napatingin tuloy ako sa cellphone kong nakapatong lang sa may side table.

"Don't worry, cellphone ko lang iyon," sagot ko sa kaniya.

"Cellphone mo? Ano bang klaseng ringtone 'yan, NAKAKATAKOT! Akala ko may nakapasok ng mga kalaban," singhal niya sa akin. Tinignan ko ang screen ng aking phone para tignan kung sino ang lintik na sisira ng gabi ko.

Geez! It's General Donairo. Agad ko itong sinagot.

"We have an emergency meeting," aniya sa kabilang linya. Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Emergency meeting? Sa trabaho ko, hindi na emergency ang tawag dito, always naman kasing nangyayari, na parang oras-oras na nga.

"Okay, I'll be there before ten," sagot ko at saka ibinaba ang tawag. Pagkabang pagkababa ko ng cellphone ay ibinalik ko ang tingin sa aking asawa. Matipid akong ngumiti at nagpaalam sa kaniya.

"Call of duty, recall ako," saad ko sa kaniya. Pumait ang mukha niya at mukhang masasapak niya ako kaya agaran na akong tumayo ng kama at tinungo ang dressing room naming dalawa.

Bumangon din ang aking  asawa at sinundan ako upang tulungan akong mag-ayos ng mga gamit at ng unipormeng susuotin.

"Naiintindihan ko," aniya habang inaayos ang pagkakalagay ng bar sa aking balikat. Ang mapait niyang ngiti kanina ay napalitan ng malulungkoy na titig sa akin. Nalulumbay ang puso kong iiwan siya sa isang malamig na gabi. Gusto ko siyang yakapin magdamag ngunit may naghihintay na trabaho sa akin. Isang trabahong hindi pwedeng balewalain. Isang trabahong... mas mahalaga kaysa sa pamilya ko. Ito ay ang trabahong pangalagaan ang kaligtasan ng buong bansa.

"I'm so sorry," marahang sambit kong muli sa kaniya. Walang ibang salita ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.

"Anong sorry ka diyan? Alam ko ang sitwasyong pinasok ko buhat ng sabihin kong mahal kita. Ang maiwan mag-isa, ang mag-hintay at umasa mag-isa, at ang mag-alala ng mag-isa, it's the perks of marrying a soldier. Just say 'I love you' instead of 'sorry' okay?" Nginitian niya ako na may lungkot ngunit punong-puno ng pagmamahal.

Maswerte ako sa kaniya, maswerte ako sa ina ng mga anak ko, maswerte ako sa asawa ko, maswerte ako sa babaeng ito.

Iilan lamang sa mundong ito ang babaeng may lakas loob na magmahal ng isang sundalo. Dahil ang propesyong ito ay hindi lang isang trabaho. Isa itong misyon na nangangailangan nang matatag na paniniwala at paninindigan sa bayan. Kaming mga sundalo... Nagpaka-lakas kami ng pisikal na pangangatawan, damdamin at mentalidad para sa bayan, ngunit sa totoo lamang ay hindi nawawala sa amin ang salitang 'takot' at 'pangamba.' Na isang araw, pangalan ko na lang na naka-ukit sa isang kwintas ang babalik sa aking pamilya.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon