CHAPTER 38

541 19 3
                                        

CHAPTER 38

COLETTE's POV

Mag-iisang linggo na, wala akong anomang tawag na natatanggap galing kay Connery. Oras-oras ay napapatingin ako sa aking phone ngunit... wala talaga.

"Hindi pa ba kami pwedeng umuwi?" tanong ni Heidi.

"Nag-aalala na sina mommy," nakasimangot namang sabi ni Yvone. Kasalukuyan kami ngayong naglilinis ng buong eskwelahan. Inaayos na rin ang ilan sa mga nasirang building ngunit ipinagbabawal pa rin ang paglabas ng mga bisita na naroroon. 

"Uy! Colette, panoorin mo ito oh!" singit ni Ever. Ipinakita niya sa akin ang isang balita sa phone niya. It's about the rebellion inside the Marawi, kung saan naroroon ngayon sina Connery.

Unang Hirit ang ipinakita niya sa akin. Si Arnold Clavio ang nagsasalita.

"Magandang umaga mga igan! Dahil sa bakbakan sa Marawi City, idineklara ni pangulong Rodrigo Duterte ang MARTIAL LAW sa buong mindanao. Alamin ang buong detalye mula kay Joseph Morong," anito at ipinakita sa screen ang lalaking nakabulletproof. Sa likuran niya ay ilang mga sira-sirang istraktura.

"Dahil sa kaguluhan sa Marawi City, Lanao Del sur ay nangyare na ang sinasabi ng Pangulo na ayaw na ayaw niyang gawin---Ang magdiklara ng Martial Law. Inanunsyo ng Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang deklarasyon ng pangulo. Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, kinailangang buong Mindanao ang isailalim sa Martial Law dahil hindi lang daw ang Marawi City ang may problema," anito at ipinakita naman sa screen ang official interview ng mga ito.

"Grabe na pala ang nangyayare sa Marawi," mahinang bulong ni Ever. Hindi ako nakapagsalita dahil sobra akong nag-aalala.

"Sana ayos lang sila roon," aniya pa. Sana nga.



CONNERY's POV



At dahil reserved army lang kami, binigyan muna kami ng kaniya-kaniyang mga assignment habang wala pa kami sa war zone. Sa basic necessities kaming dalawa ni Axl, sa kusina. Taga-luto ng pagkain ng mga sundalong kasamahan namin. Sina Terrence at Bekham naman ay nagaassist sa clinic, si Kaysen at Kyree naman ay nage-escort ng mga sundalong dinadala roon at sina Skyler at Lorkhan naman ay nakabantay sa mga post. Kung tutuusin, mas mapanganib ang location nila kaysa sa amin ngunit matapang silang nagprisinta.

"Tikman mo," ani Axl. Kasalukuyan kasi kami noong nagluluto ng sabaw. Sabaw nang malunggay. Ito lang kasi ang meroon kami ngayon. Walang mabibilihan ng pagkain rito at hindi pa dumarating ang mga supply na bigay ng gobyerno. Mabuti na lang at naisipan ng mga naunang sundalo rito na magtanim ng gulay kung hindi... magugutom kami.

Tumikhim ako sa kutsarang iniaabot sa akin ni Axl. Tinikman ko ang timpla niya.

"Oh ano? pwede na?" tanong niya.

"Kaunting asin pa," sagot ko.

Pagkatapos naming magluto ng sabaw na wala man lang kahit na anong sahog ay inihapag na namin ito sa mga kasamahan namin sa loob ng open gym. Sayang-saya at sarap na sarap ang mga sundalong kasama namin rito. Nilantakan nila ito na para bang isang buwan na silang hindi kumakain.

Gabi gabi... mula ng dumating kami sa lugar na ito, hindi kami pinapatulog ng mga putok ng bala. Sunod-sunod ang palitan ng pwersang militar at rebeldeng grupo. Sunod-sunod din ang dagundong ng malalakas na pagsabog na buhat sa mga grananadang inihahagis nila sa isa't-isa. Naalala ko tuloy si Coleman. Naalala ko nu'ng kantahan niya ako sa aking pagtulog. Napakapayapa ng gabing iyon kaya naman agad akong nakatulog. Namimiss ko iyon dahil sa ngayon... tunog ng bala at granada ang nagsisilbing awit sa aking gabi. Hindi siya ang katabi't kayakap ko bagkos ang aking minamahal na kakampi, ang aking baril.

SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon