Military series #1
When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier?
SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CONNERY's POV
Nagkaharap din kami sa wakas. Dalawang buwan na nang huli kaming maglaban.
"So I guess this is the continuation," I uttered with a sweet smile.
Pareho kaming walang hawak na kahit na anong armas ng mga oras na iyon cause this is literally what we want. Bare hand fight slash fist fight.
Wala pa kaming nakikitang kahit na isang white flag and yet... inuna na naming hanapin ang isa't-isa.
I bend down my knee and position my hand in a martial art style. Kaklase ko si Axl sa isang martial art school kaya alam kong kaya niya ring makipagsabayan sa akin sa mga ganitong larangan.
He step backward and lowered his waist just like mine. He covered his face with his gaurd and tried to predict what's going to happened next.
Naghintayan kaming dalawa sa pagitan ng mga dalawang metrong distansya sa isa't-isa. Sumingkit ang aking mga mata while looking at him. I'm also trying to read what's inside his head but then again... we stayed there for about 5 minutes.
Nak sh*ta! Napatayo na lang ako ng tuwid at napaliyad-liyad sa sobrang sakit ng likod at binti ko. "Ano ba 'to? Patagalan lang?" Kunot noong reklamo ko kay Axl.
Tumayo na rin siya ng tuwid at hinilot ang kaniyang tuhod at balikat. "Bakit hindi ka umatake?" Mahinahon niyang tanong sa akin.
"Aba! Hinihintay kita!" Duro ko sa kaniya na nakanguso. Hindi ako 'yung tipo ng sundalong nauunang umatake no!
"Eh ikaw? Bakit hindi ka umatake?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Dahil hindi ka umaatake," aniya.
"Gag* naghihintayan lang pala tayo?" Haaay! Joints' game ba 'to? kung sinong unang mangawit, talo?
"Oh siya! Ganito na lang... at the count of three, sabay tayong aatake, naintindihan mo?" ikinaway ko ang kamay sa kaniya upang sumenyas na ituloy namin ang laban sa pagitan naming dalawa.
Nagready na ako maging siya. Kitang-kita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya. Bakit ba lagi siyang tense? Bakit hindi niya i-enjoy ang buhay tulad ko? That makes him boring.
Pareho kaming mga black belten sa iba't ibang uri ng martial arts. Pareho kami ng pinanggalingang school kaya masasabi kong pareho din kami ng skills pagdating rito. Ang pinagkaiba lang namin ay He's too serious to fight me, ako naman... wala akong pakialam. Gusto ko lang siyang nakikitang naiinis sa akin. Inaamin kong mas magaling siya sa pagha-handle ng mga comrades niya so they can finish their mission with teamwork but for me? I'm better of tricking my enemies that's why... hindi pa man nagsisimula ang laban, panalo na kami.
"One... Two..." hindi pa man natatapos ang pagbibilang ko ay bigla naman akong nakarecieve ng call mula kay Lorkhan gamit ang bluetooth earphone na nakalagay sa kanang tenga ko.