CHAPTER 32
COLETTE's POV
Bago din sa akin ang tagpong ito. This is also my first SMA Fest kaya wala rin akong kaide-ideya sa kung anong mangyayari ngayong araw. Tahimik lamang akong naupo noon sa may bench na nakapalibot sa may Area 15 kasama ni Ever at nina Heidi and Yvone.
Nakapalibot din noon sa amin ang napakaraming mga senior student na noo'y suot-suot ang iba't-ibang uniporme nila. Hindi naman pangit tignan kahit iba-iba dahil naka-grupo naman sila.
Maraming flags sa bawat benches. Flag of Army, Air force, Marine and Navy. May mga upuan ding nakalatag sa may taas ng stage. Marahil siguro'y doon uupo ang mga matatas ng opisyal tulad ng mga ama nina Con at Axl.
Tahimik ang lahat, malayong-malayo ito sa opening of fest ng ibang mga eskwelahan. Napaka-formal.
Mayamaya pa ay narinig na namin ang hudyat ng pagsisimula ng lahat.
"Ladies and Gentlemen! Announcing the arrival of the Guest of Honor, President Rodrigo Roa Duterte, the President of the Philippines and Commander in Chief of the Armed Forces of the Philippines," Anito na siyang ikinanlaki ng aking mga mata. Tama ba ang narinig ko? Nagkatinginan kami ng katabi kong si Heidi. Maging siya ay gulat na gulat sa narinig niyang pangalan.
"R-Rod..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil sa sobrang pagkabigla.
"President of the Philippines daw," saad ko na nanlalaki ang mga mata.
"Siya nga," sambit ni Ever, "laging parte ng celebration ng Founding anniversary ng academy ang Presidente ng Pilipinas," paliwanag niya. I-ibig sabihin... every year ay pumupunta siya rito? Hindi pa rin ako makapaniwala.
"He is welcomed by General Condor Elnato Mamauag of Philippine Army and General Allen Sage Valencia of Philippine Air Force--- the directors of Special Military Academy," tuloy pa rin ang announcement nito habang nakasunod ang tingin namin sa presidenteng kabababa pa lamang ng kaniyang sasakyan at ngayo'y nakikipag-kamay na sa ama ni Connery.
Pagkatapos noon ay nadinig na namin ang malakas na marching sound ng mga trumpets galing sa Military Band.
Looking at the president walking alongside my future father in law really gives me a goosebumps.
GHAD! Kapag ikinasal na kami ni Connery... ibig sabibin... may chance akong makamayan ang presidente ng Pilipinas?
"Uy! Future father in law ko 'yun! Tatay 'yan ng boyfriend ko!" Hinampas-hampas ko si Heidi.
"What the? Boyfriend? You have a boyfriend?" Singhal niya. Hindi ko siya sinagot dahil nae-excite akong makita ang father in law ko.
Nang makarating na ang pangulo at ang mga heneral sa gitna ng stage ay sinalubong naman sila ng ilang mga sundalong naka-uniporme nang katulad ng kina Beckham. I saw Connery on the lead, siya ang nangunguna sa lahat. He looks so serious commanding his fellow soldiers. May hawak silang lahat noon ng swords. GHAD! Tama nga si Ever... mas lalo akong nai-inlove sa boyfriend ko.
Biglang tayo naman si Ever sa tabi ko kaya ginaya ko siya. Pinatayo ko rin sina Heidi at Yvone.
"Ano? Flag ceremony?" Bulong sa akin ni Heidi. Sumenyas ako na hindi ko rin alam kaya 'wag niya akong guluhin.
"Tanghaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal TA!" Sigaw ni Connery. Ibinaba at taas naman ng mga kasamahan niya ang hawak nilang sword. Mabilis na sumaludo ang lahat ng estudyante sa buong school maging ang pangulo. Kasabay noon ang pagtugtog ng military band sa pambansang awit ng Pilipinas.
"Bayang Magiliw Perlas ng Silan--" hinampas ni Ever ang kamay ko at nina Heidi. What's wrong?
Napatingin ako sa lahat, walang kumakanta. Tahimik lamang sila. Tugtog lang talaga, so formal. Kahiya! Napapikit tuloy ako pagkatapos na pagkatapos ng tugtog at agarang umupo't tinakpan ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...