CHAPTER 21
COLETTE's POV
Tahimik ang buhay ko ngayon. Tahimik ang eskwelahan at walang masyadong ganap. Tulad pa rin ng dati, oo! 'Dati' na ang ginamit kong salita dahil pakiramdam ko ay nakapag-adopt naman na ako kahit papaano sa pamumuhay sa loob ng lugar na ito.
Pero isang bagay ang gumugulo sa katahimikan ko. Nasa loob ako noon ng aming klase habang nagsasalita ang aming instructor. Napatingin ako sa may bintanang nakabukas at kita ko ang mga senior students namin na pinarurusahan sa may gitna ng field, sa Area 15.
Naroroon sina Axl, Kaysen, Terrence, Skyler, si Kyree, Beckham at Lorkhan. Nagpupush up sila, pero wala si Connery. Hindi ba siya pumasok? Nasaan siya? Anong ginagawa niya sa mga oras na ito?
Siya ang laman ng isip ko hanggang sa matapos ang huli naming klase.
"Ano kayang pagkain sa Cafeteria?" Tanong ni Ever habang naglalakad kami papunta roon.
Pagdating sa cafeteria... tahimik lang kaming naupo sa may isang tabi dala-dala ang aming inorder na pagkain. Napalingon-lingon muna ako sa aking paligid bago sumubo. There's an emptiness inside my heart. Something is missing. Isang mukha ni Connery ang bumalik sa aking alaala. The way he iritates me, the way he pouted, the way he tease me... isang araw pa lang ay nangungulila na ako sa kaniya. I want to see his stupid face again. Kahit kulitin niya ako ng kulitin... ayos lang! Basta't nandito siya sa school.
"Pwedeng makishare ng table?"
"Conn---" naputol ang sasabihin ko nang mapatingala ako sa lalaking nagtanong. I thought it's Connery, si Axl pala.
"Con---nery?" Dugtong ni Axl sa dapat na sasabihin ko. He's standing in front of me holding the tray of foods.
"Ah... sige, maupo ka," nakangiting sagot ko kay Axl. Naupo naman siya kasama nina Kaysen at Skyler. Wala si Terrence.
"Bakit ikaw lang mag-isa rito?" Tanong niya.
"Huh? Hindi ako mag-isa, kasama ko si---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapansin kong nawawala nanaman sa tabi ko si Ever. Siguro ay nagtatrabaho nanaman siya.
"Let's eat, bago pa lumamig ang soup," sambit ni Axl kaya naman sumandok na ako ng isang kutsarang sabaw nito.
Maya-maya pa ay dumating naman ang team Foxtrot. Mabilis dumapo ang paningin ko sa kanila at nagbabakasakali na kasama nila si Connery. Malay ko ba kung hindi lang siya naparusahan kanina kaya hindi ko siya nakita. Pero nadissapoint lang ako, wala talaga siya.
"Hindi siya pumasok," sambit ni Axl na ikinagulat ko.
"Huh?"
"'Hindi ka pwedeng maging Intel, masyado kang halata," sagot niya at saka ngumiti bago muling sumubo ng pagkain.
"Nagsisimula nanaman siya," sambit ni Kaysen. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Ilang buwan nanaman kaya siyang mawawala?" Napatanong na lamang ito sa sarili. Pero dahil sa sinabi niyang iyon, mas lalo ko lang tuloy gustong malaman ang lahat.
"Anong ibig mong sabihing ilang buwan?" Seryosong tanong ko kay Kaysen.
"Ah... 'yun ba? Naalala mo 'yung unang araw na dumating ka dito sa school? 'Yung sinundo ka namin para ihatid sa barracks mo?" Anito.
"Oo, naalala ko. Nakasalubong natin noon ang team foxtrot kasama si Connery," sagot ko.
"Oo! Tama. 'Yun din ang araw nang pagbabalik niya sa school after niyang mawala at lumayas ng dalawang buwan,"
BINABASA MO ANG
SPECIAL MILITARY ACADEMY [COMPLETED]
HumorMilitary series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Military school... How can she handle the physical, mental and emotional training of becoming a soldier? SPECIAL MILITARY ACADEMY is a prestigio...