03: Ayala Triangle Gardens

283 22 4
                                    

“Wala nga,” aniya’t napailing. “Nakuha ko lang ‘to sa practice kanina.” Dinampot ni Spencer ang mga gamit at naglakad paalis.

“Oyy, ‘yung tumbler mo,” ani Reggie na nagmamadaling sinundan ang kaibigan at nang maabutan niya ay iniabot niya ang tumbler na muntik na nitong maiwan. “Burara.”

Iiling-iling na kinuha ni Spencer ang tumbler na hawak ng kaibigan pero tinitigan niya muna iyon nang matagal. Kundi pinukpok ni Reggie ang tumbler sa ulo ni Spencer ay hindi ito matatauhan at makakabalik sa tamang huwisyo ang isip.

“Ayy, Gie! GG talaga!” sigaw ni Spencer sa kaibigan na malayo na sa kanya dahil nauna na itong maglakad.

•••

Marahang binuksan ni Spencer ang kanilang gate at iniwasang makalikha ng anumang ingay. Isinara niya rin iyon kaagad at naglakad na patungo sa main door ng kanilang bahay. Napansin niya ang kotse na nakalabas na sa garahe na animo'y gagamitin sa pag-alis pero hindi niya na pinagtuunan pa masyado ng pansin 'yon. Inilapat niya ang kanyang kamay sa door knob ngunit bago pa man niya magawang pihitin ay bumukas na ang pinto.

Isang lalaki na mas matangkad sa babaeng katabi ang nakatayo ngayon sa harap ng pinto. Wala namang nakikitang reaksyon ng pagkagulat sa sitwasyong nadatnan ni Spencer. Sobrang normal lang ng dating niyon para sa kanya. Makalipas ang limang segundo ng pagtititigan at katahimikan na sumakop sa kanilang tatlo ay naglakad ang lalaking may katandaan, suot ang kanyang black Americana suit, eyeglasses-- he's wearing a formal attire. Nilampasan niya ang dalawa at habang naglalakad siya ay tinitingnan-tingnan niya pa ang kanyang wristwatch na animo‘y naghahabol siya ng oras.

“Oh, anak, mabuti naman at nakauwi ka na,” sambit ng babaeng may katandaan ang itsura ngunit hindi naman masyadong gano’n katanda dahil pinababata siya ng kaniyang kolorete sa mukha. Matapos niyang makipagbeso kay Spencer ay nagsalita siyang muli. “I was about to call you para sabihin—”

“No need, ‘ma. Sanay na ‘ko,” malamig na tugon ni Spencer.

He's just saying the truth. Ang katotohanang sanay na siya na lagi na lang siya ang naiiwang mag-isa. Sanay na siya na laging may lakad ang mga magulang niya at patuloy niyang sinasanay ang sarili niya sa gano‘ng sistema.

“Honey, let’s get going," sambit ng lalaking pasulyap-sulyap sa kanyang relo na tila nagmamadali, palibhasa’y mahuhuli na sila sa kanilang mahalagang lakad.

“Sige na po, ‘ma. Male-late na kayo, baka sisihin pa ‘ko n‘yang kasama mo,” ani Spencer. Yayakap pa sana sa kanya ang mama niya pero hindi nito nagawa dahil umiwas siya. Nilampasan niya ang mama niya at nagdire-diretso papasok sa loob ng bahay saka padabog na isinara ang pinto.

“Honey, let’s go!” malakas na sambit ng lalaki dahilan para magmadali ang mama ni Spencer sa paglalakad. Naunang sumakay ng kotse ang lalaki at pinaandar na ang kotse palabas ng gate habang ang mama naman ni Spencer ay isinara ang gate bago sumakay sa kotseng naghihintay sa kan‘ya.

Nakabantay naman ang mga mata ni Spencer sa dalawa at pinanood niya ang kanyang parents mula sa maliit na siwang kung saan siya nakadungaw dahil bahagya niyang binuksan ang pinto para makita ang tuluyang paglalaho ng dalawa.

Sa pagkakataong ito ay muli niya na namang naramdaman ang lungkot. Naramdaman na naman niya ang pakiramdam ng mag-isa... nang maiwan. Kahit sabihin niyang sanay na siya ay hindi pa rin ‘yon maaalis sa kanya dahil tao lang din naman siya. May kani-kaniyang hinanaing at pangangailangan.

“HAHAHAHA!” aniya matapos isarang muli ang pinto. Nagpatuloy ang malalakas na halakhak habang naglalakad siya papunta sa kusina. Hanggang sa makakuha siya ng pagkain at makarating sa lamesa ay tawa pa rin siya nang tawa.

Hindi niya mapigilan.

Malungkot siya pero bakit tumatawa siya? Tulad nga ng sabi niya kanina sa kanyang mama, ‘Sanay na siya’.

Sanay na siyang ganito ang sarili niya.

Nang huminto ang walang humpay niyang halakhak ay nagsimula na siyang kumain. Kumain siya nang marami dahil sa labis na gutom na nararamdaman dulot ng training nila kanina sa baseball. Pagkatapos kumain ay tumayo siya at nagtungo sa banyo para maligo.

Salungat muli sa sitwasyon ngayon ni Sierra, naghain nang pagkain ang kaniyang mama at ngayong nakaharap na silang dalawa sa hapag-kainan ay wala siyang ganang kumain. Pinanood niya lang kumain ang mama niya at idinasog ang plato niya. Isinalin niya ang laman ng plato niya sa plato ng mama niya. Kinuha ni Sierra ang baso sa ibabaw ng lamesa at sinalinan ng tubig iyon mula sa pitsel saka ininom.

“Magpapahangin lang ako sa labas,” saad niya bago lumabas ng bahay at iwan mag-isa ang kanyang ina.

Suot niya ang kanyang black hoodie jacket, black pants at sapatos-- kaswal na naglalakad palabas ng village kung saan siya nakatira.

Samantala, kararating lang ni Spencer sa Ayala Triangle Gardens sakay ng kanyang bike. Habang inaakay niya ang kanyang bike ay hindi niya maiwasang magmasid sa paligid.

Napaliligiran siya ng mga naglalakihang puno na kumikinang dahil sa makukulay na ilaw na siyang nagsisilbing palamuti nito para sa tinatawag nilang ‘light show’.

Sakto lang ang dami ng tao sa park na ito at para sa kanya mas maiging dito muna siya tumambay kaysa mamatay siya sa lungkot habang mag-isa at nagmumukmok sa bahay.

Napatigil siya sa paglalakad sa ibabaw ng mga luntiang damo nang marinig niya ang isang pamilyar na kanta. Lumingon siya sa kanyang kanang direksyon kung saan nanggaling ang tunog at sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang marinig na tinutugtog ang isa sa mga kantang paborito niya.

“Ikaw lamang ang aking minamahal,” mahinang himig ni Spencer habang sinasabayan ang kanta ng paborito niyang banda na Silent Sanctuary. Matapos sabayan ang kanta, kahit hindi gano‘ng kagandahan ang boses niya ay proud pa rin siya at wala siyang paki.

Inakay niya ang kanyang bike habang ang ingay ng mga tao na naririto rin sa Ayala Triangle Gardens at ang performer na kumakanta sa ‘di kalayuan ang nagsisilbi niyang background music habang naglilibot dito sa park hanggang sa mapadpad siya sa tahimik na bahagi ng park. Kaunti ang tao sa bahaging ito, may mga bakanteng upuan siyang nakikita pero napili niyang pumunta ro’n sa puno pero bago pa man siya tuluyang makarating ay may tao nang nakaupo sa ilalim nito. Nauna lang ng ilang segundo sa kanya.

Nang tuluyan siyang makarating doon sa puno ay inistand niya muna at ipinarada ang bike sa malapit lang din sa kanya. Naglakad siya papalapit sa taong nakasandal sa trunk ng puno.

“Do you mind if I sit here?” tanong niya sa taong nakatakip ng hoodie ang mukha. Napatingin pa siya sa kamay nito na may hawak na cellphone at may nakasaksak rin na earphone cord dahil nakikinig ng music.

Wala siyang natanggap na sagot.

Parang wala ngang narinig. Hindi rin yata siya aware na may tao nang dumating. Hindi niya alam na tinatanong na siya ni Spencer.

“Ba’t ba ‘ko nagpapaalam? E, hindi naman s‘ya ang may-ari nito,” mahinang saad ni Spencer sa sarili bago tuluyang maupo at isandal ang likod sa punong sinasandalan rin ng kinausap niyang nilalang na parang walang pake sa mundo.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon