•••••
"Wait lang girl!" matinis na tili ni Dana Obnasca na nagmamadali dahil hindi pa tapos maglagay ng make-up sa mukha.
"Girl, okay lang ba kilay ko?" tanong naman ni Kamyl Garcia kay Dana na tapos na mag-make-up.
"Bilis! Napindot ko na gurlz! Naka-live na tayo sa IG!" Pagkasabi ni Ailyn Hebra no'n ay nagmadali sina Kamyl at Dana— tinabihan nila si Ailyn na kanina pa naghihintay.
Sabay-sabay silang tumili after makita ang mukha nila. Hindi dahil natakot sila sa itsura nila kundi dahil nagandahan sila.
"OMG! Ang ganda ko!" sabi ni Ailyn na nakahawak ang dalawang palm sa face niya.
"OMG! I'm so pretty sa angle na 'to!" sabi naman ni Kamyl na nagsisimula na ring mag-inarte; nasa right side siya ni Ailyn.
"OMG! I'm so mayumi!" maarteng sabi ni Dana na umaanggulo na rin; nasa left side naman siya ni Ailyn.
Nakaupo silang tatlo sa kama ni Ailyn. Yes, kwarto niya 'to and puro pink ang makikita rito. Naka-set up na ang phone nila for their vlog— sa harap nila na nakalagay sa tripod, ring light at makikita naman sa likod nila ang pader na tadtad ng sandamakmak na posters ng iba't ibang KPOP boy group and handsome, hunk and cute guys.
Nagtinginan sila sa isa't isa at sabay-sabay na humarap sa camera. "A powerful evening to all of our viewers!" Highly energetic nilang greet sa kanilang viewers.
"I'm Ailyn! I'm Kamyl! I'm Dana!" Isa-isa silang nagpakilala in very maarteng way. "And we are..." bumwelo sila sabay sigaw ng "Power Fan Girls!"
Finally, natapos na nila ang kanilang super maarte at maingay na intro.
"OMG!" Sorry for our late scoop, we're very busy kasi kanina dahil galing kami sa fan meeting ng SB19!" Si Ailyn ang nagsasalita ngayon habang ang dalawang katabi niya ay inaayos pa ang buhok at ang upo.
"Like OMG! I can't get over pa rin! Nakausap ko silang lahat!" Biglang sumingit si Kamyl. Nakatingala pa 'to at parang baliw na pinaglalaruan ang hair habang nag-iimagine.
"Me too! It's like par-rang nagpe-play pa rin sa brain ko ang songs nila!" Si Dana naman ang umepal dahilan para ma-interrupt ang dalawa.
"But you know naman us, hindi namin palalampasin ang mga chika!" Inagaw na muli ni Ailyn ang spot and siya na ulit ngayon ang nagsasalita. "And now, mag-start na tayo para sa 'ming..." Tiningnan niya ang dalawa at naintindihan na nito ang gagawin.
"Power Gossip!" Magkakasabay nilang sambit kasabay ng pagilid na sumuntok sa hangin saka pinagdikit ang apat na daliri sa hinlalaking daliri na para bang sumasayaw ng 'baby shark' dance habang nakaupo sa bed.
"Heads up, Augustinians!" ani Ailyn na naging serious face bigla.
"Isang kasasalin lang na tea ang aming nainom!" sabi naman ni Kamyl na nag-fierce look na rin.
"And napaso ang aming tongue kasi super mainit-init pa ang tea!" sambit ni Dana na siyang mahinhin sa grupo pero napakaarte rin magsalita.
"Shh!" sabat ng dalawa at tiningnan siya ng masama matapos hindi magseryoso.
"The first-baseman baseball player of CSA-Makati na si Spencer Stanislaus caught dating!" Nanggigigil na sabi ni Ailyn na umarya na naman ang pagiging bitchesa niya.
"True, girls! Tingnan n'yo ang IG stories ni Oppa Peng! Nakaka-G R to the third power talaga!" sabi naman ni Kamyl na may hawak na iPad ngayon at ini-stalk ang Instagram account ni Spencer.
"OMG! Our husband is cheating on us girls! He had an affair!" sabi ni Dana na maarteng nag-iiyak-iyakan pa. She's so fake! Hindi siya makaiyak dahil masisira ang make up niya.
"With whom?" Galit na si Ailyn.
"Name drop na ba mga gurlz?" Sinabi ni Kamyl sa harap ng camera and nasa lap niya ang iPad na hawak kanina.
"Pretty, please!" Nagbi-blink-blink pa ang mata ni Dana nang sinabi n'ya 'yon.
"Hana... Dul... Set!" Sabay-sabay silang nagbilang in Korean language. Impluwensiya 'yan ng KPOP sa kanila.
"Oh, my gosh! I know her! She's our classmate--"
"Girl, shut up! Nakakahiya sa viewers natin!" Pinandilatan ni Ailyn si Dana na hindi makapagsalita ngayon dahil tinakpan din ni Ailyn ang bibig nitong madaldal.
"Uhm, yes! That's her! So what will you do now? Are you gonna accept it or are we gonna get rid of that girl?" Nakaharap ngayon sa screen ang iPad ni Kamyl at ipinakita nila sa live ang picture nila Sierra at Spencer sa Pampanga kanina.
"But the question is, anong nafi-feel ngayon ni Queen Darlene Datuin when she saw these pictures? We know naman naman na dating sila according to our Queen. Hmm, nakita na kaya n'ya?" tanong ni Ailyn na uma-attitude pa sa harap ng camera.
"Okay! Just leave it to us!" sambit ni Kamyl and pumwesto na sila. Thanks, matatapos na rin sila!
"We will gossip! We will sip the tea! We won't shut up!" Pinagtigisahan nila ang tatlong sentences na slogan nila. "Coz we are Power Fan Girls!" Maingay nilang sabi at sabay-sabay na nagtawanan.
"Bringing you the hottest AGUSTINews!" sabi ni Kamyl na naka-pose pa, feeling model lang?
"That's all for tonight." Maattitude na sabi ni Ailyn na sobrang bad trip.
"See you sa next Power Gossip!" tiling ani Dana.
At last, natapos na rin ang pinakamaarteng vlog na nasaksihan ng mundo. Napaka-aarte nila! Sikat na sikat talaga sila sa school nila dahil sa kakirehan at kaartehan nilang gan'yan. Ka-stress!
"Hello, girl have you heard the news?" Tinawagan agad ni Kamyl si Darlene after nilang mag-vlog.
"What news?" tanong ni Darlene na ngayon ay sinagot na ang call.
"OMG! You don't know?" tanong naman ni Kamyl. Ang dalawa naman ay tiningnan niya, nakadapa sa kama at nag-sstalk ng mga hot boys picture.
"'Di nga ako nakapag-IG and Twitter because I'm so busy the whole day! Nagpa-salon ako, nagpa-manicure, spa and nag-workout ako sa gym and now nag-aaral ako, mahirap na baka mapahiya na naman ako sa class dahil sa Sierra na 'yon!" Dire-diretsong saad ni Sierra na napatigil sa pagre-review ng lessons dahil naistorbo siya ng tawag.
"But the news is about her!" sabi ni Kamyl.
"And?" Nagsimula nang ma-curious si Darlene.
"And your boy!" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat "My gosh! Just check Spencer's Instagram account, now!"
Dali-dali niyang pinatayan ng call si Kamyl at nagmamadaling nagpunta sa Instagram at doon tumambad sa kanya ang pictures nila Spencer kasama si Sierra.
"Gosh! Darn it! You again, leech!" Inis na binalibag ni Darlene sa sahig ang iPhone 11 Pro Max niya.
•••••
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...