10: Broken Little Jar

120 15 0
                                    

“Guys, magkita-kita tayo mamaya sa Grandstand, ha?” sabi ni Felmarj sa mga kagrupo niya para sa isasagawa nilang brainstorming sa nalalapit nilang group performance sa subject na General Mathematics. Kailangan nilang makaisip ng concept about sa jingle kung saan ang gagamitin nilang lyrics ay ang mga pinag-aralan nilang topic.

Si Sierra ay na-late ng dating sa meeting nila dahil naiwan niya pa sa room yung little jar niya at habang naglalakad siya papunta sa Grandstand ay may naglalaro ng baseball sa field.

Inihagis na ng pitcher ang bola pero hindi iyon tinamaan ni Spencer na siyang titira na ngayon.

“Sorry akin,” sabi ng pitcher dahil aminado siyang hindi maayos ang pagkakaitsa niya ng bola.

“Isa pa, isa pa!” malakas na ani Spencer tulad ng sinabi rin niya kanina. Nakaayos na ang posisyon at tayo niya, nakababa ang bat at nakatinging mabuti sa magiging direksyon ng bola.

Mayamaya pa ay pinakawalan na ng pitcher ang bola sa ikalawang pagkakataon. Sinipat na maigi ni Spencer ang bola at tinamaan niya sa sentro ang bola dahilan para lumipad ang bola ng ubod ng lakas... ubod ng tulin... at ubod ng taas.

“Whoa! Ang lakas ng bangag mo, Peng!” masayang ani ng pitcher pero laking gulat nila nang tumama ang bola sa isang tao.

Si Sierra 'yon, siya ang tinamaan.

Oh, no. Hindi totally si Sierra kundi ang dala-dala nitong maliit na banga. Nabasag iyon at tumapon ang laman na tubig. Pagkatapos matamaan ang little jar niya at magkandapira-piraso ito ay sinuukan pa niya iyong pulutin. Nagbabakasakaling mabubuo pa niya ang mga basag na piraso nito at hindi niya namamalayang tumutulo na ang mga luha sa kanyang mga mata.

Malungkot siya. Sobrang nalulungkot siya at ang mga walang patid niyang luha ang nagpapatunay. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nabasag din siya— ang puso niya— parang nabasag at nagkandapira-piraso rin.

Samantala, ang tumatakbong sila Spencer at iba pa nitong kasamahan ay nakarating na sa kinaroroonan ng umiiyak na dalaga.

“Hala ka, Peng! Pinaiyak mo si ate,” sambit ng isa sa mga ka-team ni Spencer. Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ng kawawang dalaga.

“Sus! Hindi naman siya naano, e,” sabi ni Spencer sa mga kasamahan saka muling pinagmasdan ang babae.

“Ano ba 'yang iniiyakan niya? Paso?” tanong naman ng isa kay Spencer nang titigang mabuti kung ano yung pinupulot ni Sierra at iniiyakan.

“Paso, amp!” sabi ni Spencer na hindi na napigilan ang sarili. “HAHAHAHAHA!”

Malakas na tawa. Sunod-sunod na halakhak. Walang tigil. Pero naaawa siya sa dalaga. May awa siyang nararamdaman pero hindi niya mapigilan ang sariling tumawa.

Tumayo si Sierra sa kanyang pagkakaupo at galit na tinitigan si Spencer habang patuloy sa pagtulo ang luha.

“HAHA! HAHAHA! HAHA—”

Natigilan ang lahat maliban kay Spencer nang marinig nila ang isang napakalakas at paulit-ulit na pito.

“Si Coach!” sambit ng isa nang marinig na tumunog na ang whistle ng kanilang coach. Oras ng practice nila at umalis lang saglit ang coach. Nadatnan nitong wala sila sa field kaya naman pinituhan sila para pabalikin.

“Tara na, tara na!” nagmamadaling sabi ng isa sa mga kasamahan ni Spencer na hinawakan sa braso ang binata. Habang hinahatak nito si Spencer na nakatitig lang kay Sierra ay unti-unti nang naglalaho ang sunod-sunod na tawang mapigilan.

Tuluyan nang inalis ni Spencer ang tingin sa umiiyak na si Sierra at bumalik sa pagpa-practice. Hindi man lang siya humingi ng tawad. Rude guy!

“Wala na, natulala na p're!” sabi ng isa sa mga kasama ni Spencer nang matulala lang si Sierra dahil sa naalala nito.

“Tara na,” ani Spencer nang makipagtitigan lang sa kanya si Sierra. Mukhang okay naman siya at wala siyang balak kausapin ang dalaga.

“Say sorry twice,” sabi ni Sierra matapos alalahanin ang bad experience niya sa baseball field.

“Ano?” tanong ni Spencer nang harapin niyang muli ang babaeng ngayon ay nagsalita na. “Nag-sorry na 'ko, ah!”

“I said, say sorry twice.” Lumakas ang boses ni Sierra dahilan para magulat ang mga taong nakapalibot at nanonood sa kanila.

“Alam mo, ikaw! Ano bang problema mo?” inis na sabi ni Spencer at pinaliit ang distansiya niya kay Sierra. Nilapitan niya itong mabuti. Malapit na malapit.

“Ikaw ang problema,” ani Sierra na tumingala dahil mas matangkad sa kanya ng kaunti si Spencer. Buong tapang niya itong sinindak gamit ang matatalim niyang tingin.

“Kanina ka pa, ah! Sa Chemistry Lab, inaaway mo si Darlene.” Tumataas na rin ang boses ni Spencer dahil sa sumisidhing inis na unti-unting lumalabas sa kanya.

“Bagay nga kayo, pareho kayong tae.” Inirapan ni Sierra ang lalaki.

“Nagpapapansin ka ba sa 'kin?” tanong ni Spencer matapos huminga ng malalim. Hindi siya pinansin ni Sierra. Kinuha niya ng wallet niya. “O, eto pera! Bumili ka ng kausap mo.”

Inabutan niya ng pera ang dalaga pero ayaw nitong kunin kaya naman pwersahan niyang hinawakan ang braso nito at inilagay sa palad ni Sierra ang hundred peso bill na kinuha sa wallet.

“Can't say sorry, sincerely? Are you human?” tanong ni Sierra sa binata.

“Nag-sorry na nga 'di ba? Ano bang—”

“Wala ka pa ring pinagbago, napakasama ng ugali mo!” mariing sambit ni Sierra.

“Hoy, demonyita! Umalis ka na nga rito.” Biglang dumating si Darlene at galit na pinagsisigawan si Sierra.

“H'wag kang sumabat, hindi ka kasali.” Sierra gave her a glimpsed. “Cheater.”

“Fine, if you can't remember, I will help you.” Sinabi niya iyon kay Spencer dahilan para matulala lang ang binata. He can't speak for having no idea on what the girl is pertaining to.

“...”

“Nagka-amnesia ka na ba?” tanong ni Sierra na lalong nagpagulo sa isipan ni Spencer.

“Hindi pa,” mabilis nitong tugon habang naguguluhan pa rin.

“Gusto mo,” saad ni Sierra sa walang buhay na pahayag.

“Ang alin?” tanong muli ni Spencer pero sa pagkakataong iyon ay hindi na sumagot si Sierra.

“Aww!” malakas na hiyaw ni Spencer nang bigyan siya ni Sierra ng isang matinding suntok sa mata. Tila nakakita ng maraming star ang binata habang nandilim ang isang paningin.

“Last sem, before Christmas Break, naglalaro kayo ng baseball dito,” ani Sierra na nagsimula na muling magsalita. “Ikaw yung bumasag sa jar ko.”

“Ako yung babaeng tinamaan mo na tinawanan mo lang,” sabi pa niya habang iniinda ng binata ang sakit ng kanyang mata dahil sa suntok ni Sierra.

“Bro, 'wag mo nang patulan. Babae 'yan,” pigil ng mga kasamahan kay Spencer na balak pa yatang gantihan ang dalaga.

“Pasalamat ka babae ka,” sabi ni Spencer at nagsimula nang tumulo ang luha nito.

Naglaho ang malalakas na tawa ni Spencer at napalitan iyon ng umaagos na luha. Like his laughters, he can't stop it.

“Nand'yan na si Coach!” sabi ng kasama ng binata matapos marinig ang malakas na pito ng kanilang coach. “Tara na, tara na!”

Inakay nila at inakbayan ang umiiyak na si Spencer. Tumalikod na si Sierra saka umalis at iniwan ang mga taong nanonood sa kanilang eksenang ginawa ni Spencer sa baseball field— nakanganga at gulat na gulat sa mga nangyari.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon