42: Summer Rain

72 7 8
                                    

"Ba't naglalakad ka?" Hinintay ni Spencer si Sierra na naglalakad nang mabilis at nasa ibaba lang ang tingin. Muli siyang pumidal sa pidalan ng bisikleta at sinabayan niya ang naglalakad na babae. Si Sierra ang dahilan kung bakit siya nag-preno nang biglaan kani-kanilang.

"Kasi may paa 'ko." Sobrang maaga pa para magseryoso si Sierra kaya't ang pagkapilosopo niya ang mangingibabaw sa pagkakataong ito.

"Naiwanan ka nang school bus?" tanong ni Spencer na binabagalan ang pagpidal sa bisikleta at pinapanatili ang bilis para hindi makasabay si Sierra.

"Halika, angkas ka sa 'kin. Nag-bike talaga 'ko, e, para isakay ka." Lakas-loob niyang niyaya ang dalaga gayong hindi siya sigurado kung papayag ba o hindi. Well, hindi naman masamang mag-try.

"'Wag na baka sumemplang pa," tugon ni Sierra.

"Wala ka bang tiwala sa bike 'ko?" tanong ni Spencer na mina-manage ang pagtingin kay Sierra at sa daan habang nagba-bike siya.

"Sa bike, mayro'n. Sa 'yo, wala." Napanganga si Spencer at tinanggap na lang ang sinabi ni Sierra pero sinasabayan niya pa rin ito kahit alam niyang naiinis na.

"Cheese! Sakay na, male-late na tayo!" Sinubukang manahimik ni Spencer pero hindi niya nagawa, desidido siyang iangkas ang dalaga sa bike niya.

"Ayoko," sagot ni Sierra na 'di man lang magawang tingnan si Spencer na nangungulit kanina pa.

Nakangiti at umiiling si Spencer ngayon habang nagpipidal sa kanyang bisikleta. Paano kasi, aayaw-ayaw pa si Sierra pero papayag din pala sa bandang huli. Heto si Sierra ngayon, nasa harapan ni Spencer, nakaupo sa bakal ng bike at tahimik na nakaangkas sa lalaki.

"Sorry pala kanina, a!" Nagsimulang magkwento si Spencer sa babaeng angkas-angkas niya. "About sa kagabi, 'di ko namalayan na nakatulog na 'ko, e. Binabantayan kasi kita. Grabe, nag-alala ko sa 'yo kagabi..."

"Ay, cheese!" bulalas niya nang biglang huminto ang kanyang bike matapos marinig ang malakas na tunog ng pagsingaw na mula sa gulong ng bike niyang nabutas.

"'Di nga sumemplang, na-flat naman." Napailing si Sierra sa nangyari. Magkasama pa rin sila ngayon ni Spencer at magkasabay na naglalakad. Naghahanap ng vulcanizing shop para matakpan ang butas ng gulong ng bike ng lalaki.

Ilang saglit lang ay nakahanap rin ang dalawa ng vulcanizing shop at kasalukuyan nang inaayos ng mekaniko ang nabutas na gulong ng bisekleta.

Habang inaayos ang kanilang bisikleta ay nakaupo silang dalawa sa sementong upuan sa labas ng tindahang sarado sa tabi ng vulcanizing shop— nakikinig ng music sa speaker ng shop na malakas na pinapatugtog ang kanta— "Summer Song / Silent Sanctuary"

At nang sabayan ni Spencer ang kanta ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napasabi na naman siya ng "Holy Cheese!"

"Wala na. 'Di na tayo nakapasok." Nakatingala silang dalawa ni Sierra at pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Malas naman!" Sobrang naiinis si Spencer dahil hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari 'yon sa kanya. Wala namang dahilan para umulan dahil kaganda-ganda ng panahon. Ang ganda ng sikat ng araw tapos biglang uulan?

"May balat ka ba sa pwet?" tanong ni Spencer sa katabi na siyang napagdiskitahan.

"Baka ikaw," sagot naman ni Sierra.

"Ikaw, a! Ba't ako?" Ayaw magpatalo ni Spencer at pinipilit na naman ang kanya. Muling tumingala sa itaas at pinagmasdan ang ulan.

"Ikaw." Biglang itinulak ni Sierra si Spencer dahilan para mabasa ito ng ulan. S'yempre, hindi hinayaan ni Spencer na gano'n-gano'n na lang. Hinila niya si Sierra kasama siya at masaya silang nagtampisaw sa ulan. Akala mong mga bata na first time makaligo sa ulan. Ang haharot din, e! May kilitian at sundutan pang nalalaman.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon