“Nako, ha! Tungkol saan 'yan? Sa pera? Wala ako no'n! Charr!” birong sambit ni Miss Lhera at saka tumawa kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi niya.
“'Di po, ma'am. Itatanong ko lang kung kilala mo po si Plato?” tanong ni Spencer. Pilit niya namang sinisiko at tinutulak palayo ang kaibigan na umeepal.
“Si Plato, yung philosopher? Oo, bakit?” tanong ng guro at ibinaba niya na ang hawak na cream para makausap ng maayos ang estudyanteng tumawag sa kanya sa ganitong oras.
“Ano po kasi... uhh... may kaibigan po ako pinapatanong niya po,” sabi ni Spencer at tumingin kay Reggie na nakikita rin ni Miss Lhera. Ginantihan niya lang si Reggie, ginamit niya rin ang pangalan nito kasi gano'n din ang ginawa nito sa kanya no'ng time na naki-seat in sila sa klase ni Miss Lhera.
“Nako, ha! Sinong kaibigan 'yan? Si Reggie?” sabi ng guro saka tumawa na naman.
“Yes, ma'am? Bakit po?” tanong naman ni Reggie nang marinig ang pangalan niya. Halos mukha niya na ang sumakop sa screen.
“Shoo! Do'n ka nga,” sabi ni Spencer at inilayo ang cellphone sa mukha ng kaibigan saka itinulak-tulak pa ito. “E, ma'am alam niyo po ba yung story ni Plato?”
“Anong story 'nak? Marami 'yon,” tugon ng guro na ngayon ay unti-unti nang nacu-curious kung para sa'n ang mga tanong ng binata.
“'Yung ano po yata... ang totoo, nakalimutan ko na po kasi, e.” Kakamot-kamot sa likod ng ulo na sumagot si Spencer. Hay, hindi niya inintinding mabuti ang sinabi sa kanya ni Sierra.
“Ako ma'am, naaalala ko,” presinta ni Reggie na dumikit na naman kay Spencer para makita rin siya ng teacher sa video call.
“Ay, Gie! Kagulo mo,” sabi nito at kinidag muli ang katabi. “Oo nga kasi! Sinabi mo 'yon sa 'kin kanina 'di ba?”
“Sige-sige, ibulong mo sa 'kin,” ani Spencer at inilapit ang tenga sa bibig ni Reggie. “A 'yon, ma'am! Naalala ko na po!”
Hinintay lang ni Miss Lhera ang sasabihin ni Spencer at titingnan niya kung tama 'yon.
“Alligator of the Dave!” sagot ni Spencer, proud at nakangiti pa.
“A, 'yun ba 'nak? Oo, pero... Allegory of the Cave 'yon,” sagot ni Miss Lhera na ngayon ay ibig-ibig nang matawa sa sinabi ni Spencer.
“Ah, gano'n po ba?” ani Spencer at pilit na napangiti. Pinihit niya ang ulo papunta sa katabing si Reggie at nang magtama ang tingin nila ay hindi na napigilan pang tumawa nang tumawa.
“HAHAHAHA!” pati si Miss Lhera ay tumatawa na rin dahil hindi nito makalimutan ang sinabi ni Spencer.
“Opo, 'yun nga. Gusto 'ko po kasing basahin,” sabi ni Spencer na katatapos lang tumawa. “I mean, ni Reggie po.”
“Okay, sige. Mayro'n akong PDF file dito, i-send ko na lang sa Gmail mo,” sabi ni Miss Lhera dahilan para mapangiti ang dalawa pero s'yempre mas grabe ang ngiti ni Reggie.
“Salamat po, ma'am! Sige po, i-pm ko po sa 'yo email 'ko.” Masayang pinasalamatan ni Spencer ang guro. Nagpaalam naman na ang guro saka tinapos ang video call.
“Thank you, Miss Lhera! I love you!” pahabol pa ni Reggie.
“A, 'yon! Siraulo ka talaga, e, 'no?” ani Spencer na ngayon ay sinasakal na ang kaibigan. “'Pag kay Miss Lhera napakabilis mo!”
“Do'n ka na, mag-ML ka na lang. Lakas mo p're, libre Wi-Fi ka pa rito! Libre hapunan pa! Tutulong daw! Nasaan na kaya 'yong tulong? Na-traffic kaya sa EDSA?” sabi pa ni Spencer na gigil sa kaibigan at nang mapansin hindi na makahinga si Reggie ay binitiwan niya na ang leeg nito.
“Eto na nga, o!” sabi ni Reggie na hawak ang leeg at medyo natatawa.
“Tabi d'yan, magpi-print ako!” hiyaw ni Spencer saka tinabig ang kaibigan dahilan para matumba at mahulog ito sa kama. Narinig pa ang pag-aray nito dahil sa tumama ang kanyang ulo sa kanto ng study table ni Spencer. Malas!
Sa kabilang banda, si Sierra ay nasa kwarto ng kanyang mama. Inihiga niya ito at kinumutan ang katawan nang sa ganun ay hindi ito ginawin. Kinuha niya ang remote na malapit sa table na pinagpapatungan ng lamp shade at hininaan niya ang air conditioner. Isinindi ang lampshade na nagsilbing liwanag ng sa kwarto ng mama. Sinulyapan niya pa ito bago tuluyang isara ang pinto.
Nagpunta siya sa bathroom para mag-halfbath at habang nakalubog ang kanyang katawan sa bathtub ay nagce-cellphone siya. Nag-open siya sa Twitter at nag-tweet.
Samantala, sina Spencer at Reggie ay nakahiga na sa kama pero binabasa pa rin ni Spencer ang pinrint niyang PDF file na sinend ni Miss Lhera kanina sa kanya.
“You have slain an enemy!”
“Triple kill!”
“Savage!”Walang ibang ginagawa si Reggie kundi ang maglaro pa rin ng Mobile Legends.
“Hinaan mo nga 'yan!” sabi ni Spencer na gamit ang flashlight ng phone sa pagbabasa at ang liwanag na nanggagaling sa lampshade. “Ay, Gie! Nakita mo nang nagbabasa yung kaibigan mo, napakabastos mo!”
“Tss!” Tinalikuran lang siya ni Reggie matapos nitong hinaan ang volume ng phone. Mukhang masama pa ang loob ni Reggie, iba talaga! Napailing na lang si Spencer at ipinagpatuloy ang pagbabasa hanggang sa mapahinto siya't naituon ang pansin sa cellphone na tumunog dahil may nag-pop up sa notification panel. Kaagad niya iyong cinlick at tiningnan.
•••••
[ New tweet from @ponsierra ]
2 things I hate now:
1. Cheese
2. Cheesy manSpencer Satanislaus commented on the tweet.
[ @pengpeng_desarapen: No, not my cheese! ]
Sierra Ponce replied to that comment.
[ @ponsierra: Disgusting ]
•••••
Kinuhanan ng litrato ni Spencer ang short bond paper na hawak kung saan naka-print doon ang binabasa niyang 'Allegory of the Cave' by Plato. Pagkatapos, nag-DM siya kay Sierra sa Twitter kasi hindi p'wede sa Instagram dahil binlock siya ro'n ni Sierra.
New message from @pengpeng_desarapen.
[ Now reading! ]
Tiningnan naman ni Sierra ang picture na sinend ni Spencer. Ngumiwi ang dalaga, isinantabi ang cellphone at hindi na ni-replyan ang binata. Ibinabad niya sa maligamgam na tubig ng bathtub ang katawan hanggang sa maginhawaan ang pakiramdam niya.
Si Spencer naman ay nagbabasa pa rin kahit ilang beses na siyang naghikab ay hindi pa rin siya tumitigil. Pilit niyang nilalabanan ang antok dahil desidido siyang gawin ang inuutos ni Sierra sa kanya. Ano ang dahilan niya, bakit niya pinagtitiyagaan ang ganito kung pwede naman siyang sumuko? Lahat ng bahay ay may dahilan at lahat ng ginagawa ng tao ay may dahilan.
Makalipas pa ang ilang minuto ay tumigil na siya sa pagbabasa. Inilapag niya ang papel sa ibabaw ng study table niya at nagawa niya namang mailagay do'n nang hindi bumabangon dahil mahaba rin naman ang biyas niya saka hindi rin naman ito kalayuan sa kanya.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...