It seems like the rotation of clock's hand went slow or the world revolving normally was stopped—momentary and suddenly. Spencer and Sierra, their eyes met as slow as speeding turtles on the seashore's fine white sand. Sierra, looked like sad—purple bags under her puffy eyes slightly ringed with red were nailed to the magnificent but fierce eyes of the young man who, though not exposing his cheesy contagious smile, reflected the joy glowing inside. His tenaciously tender arms were tightly attached around the young woman's slenderly slim and supple waist. Earlier, their bodies trying to avoid each other but now that their both trunks which were never been this close cannot let go of the fact that it'd now sticked together. Spencer has left clinging on the ground with the girl he caught who lost its balance— both were now at a loss to this moment they had never expected. They're doing their best to stopped their breaths so heartbeats of the two were heard loudly, continuously speeding as quick as they finally back to normalcy.
“Bakit?” tanong ni Spencer sa dalaga na ngayon ay kumawala na sa kanyang mga bisig na pumipigil. Parehas silang nagulat sa nangyari. Damang-dama ang awkwardness sa paligid.
“Masakit paa mo?” tanong ni Spencer na hindi nawala ang pag-aalala sa dalaga. Pero bakit? Bakit umiiwas ng tingin itong si Sierra? May itinatago ba siya? Oh girl! She's hiding her face now turned to red. Nagba-blush siya at ayaw niyang makita 'yon ni Spencer. Sa bagay, baka kung ano pa ang isipin ng lalaking 'yon. Naupo ang lalaki at tiningnan ang paa ni Sierra. Siniyasat niya kung ano ang dahilan ng pag-aray nito kanina noong tumayo siya.
Tumango lang si Sierra matapos ang ilang sunod-sunod na tanong ni Spencer. He get the hand of the girl while turning his back as he put one's hand to his shoulder. He gazed on the girl at his back who's just looking and doing nothing. He sighed before nodding his head inviting Sierra for a piggyback ride.
“Napa'no ka ba kasi?” tanong ulit ni Spencer sa babaeng ayaw man lang kumibo. Kanina niya pa ito kinakausap pero wala pa itong sinasagot sa tanong niya kahit isa.
“Tanga ka? Edi natapilok,” sagot ni Sierra. Mabuti na lang at natitiis pa siyang kausapin ni Spencer dahil bukod sa hindi na nga siya sumasagot sa mga tinatanong at namimili lang siya ng mga tanong na gustong sagutin ay madalas pabalang at walang saysay ang mga sagot niya. As usual.
“Tanga ka? Edi natapilok,” sabi ni Spencer na pinaliit at inipit pa ang boses para maging tunog babae ito. Ginawa niya 'yon dahil napipikon na siya sa inaasal ng dalaga. “Bitiwan kita r'yan, e!”
“I tripped on a stone and fell on the ground, yet you want me to fall again?” walang siglang tugon ng babae. “Screw you.”
“Mahilig kang mag-e-English ano? Stapet!” sabi naman ni Spencer at itinaas niya pa ang babae na pasan-pasan niya sa likod dahil dumadausdos na ito pababa.
“Nandito na tayo sa clinic,” saad niya at ang babaeng nakapasan sa likod niya ay ayaw pa ring bumaba. Nag-enjoy naman yata siyang masyado sa free ride ni Spencer.
“Puputulin na nila yung paa mo,” pang-iinis pa ni Spencer matapos itagilid ang ulo para tingnan ang asar na mukha ni Sierra pero walang bakas ng pagkainis sa mukha ng babae, as usual.
“Baba na, aba!” sabi ni Spencer, kahit gustuhin niya mang bitiwan nang biglaan ang babae ay hindi niya magawa dahil masakit ang paa nito. Marahan niya itong ibinababa at inakay niya hanggang sa tuluyan silang makarating sila sa harapan ng clinic. Kumatok ang lalaki. Hinawakan at pinihit niya ang doorknob saka marahang itinulak ang binubuksang pinto.
Pagkapasok nila ay pinaupo sila ng nurse at tinanong muna ang pangalan nilang dalawa. Nag-log-in muna sila bago gamutin. Maaliwalas ang malinis ang school's clinic, sobrang comfortable at nakakaantok ang puting kulay nitong nagdodomina sa buong silid. Nagsimula na ang nurse kumuha ng mga kakailanganin sa paggagamot.
“Nurse, 'di ba kapag natatapilok, e, pinuputol ang paa?” sabi ni Spencer habang pinapanood ang nurse na nireready ang alcohol, bandages at iba pang mga gamit.
“Nurse, agree ka ba na dapat pinuputulan ng dila yung mga madadaldal?” sagot naman ni Sierra na ang tinitingnan at kinakausap ay ang nurse na nag-aasikaso sa kanya pero ang pinapatungkolan ng kanyang mga pahaging ay ang binatang nang-aasar.
Hindi na natuloy ang pag-uusap ng dalawa na panigurado namang mapupunta na naman sa walang katuturan na bangayan dahil nag-ring ang cellphone ni Spencer. Dinukot niya ang cellphone na kanina pa hinahanap sa bulsa at nang makuha niya iyon ay kaagad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Itinaas niya ang tingin ng dalawang mata sa kisame kasabay ng pagsinghap niya ng hangin saka huminga ng malalim. Iiling-iling siyang tumalikod at iniwanan ang babaeng ginagamot para makausap niya ang tumawag sa kanya.
“Gie...” saad niya bago tuluyang makalabas sa clinic. Si Reggie ang tumawag sa kanya at hindi niya alam kung anong problema ng kaibigan kung bakit napatawag ito.
“Oyy, Peng!” sagot nito sa kabilang linya. Balak niya sanang wag na lamang sagutin ang call dahil sa isandaang tawag ni Reggie, dalawa lang naman doon ang importante at may kwenta.
“Oh, bakit?” saad nito na halatang walang interes sa mga sasabihin ni Reggie.
“Nasan ka?” tanong nila. Dinig pa ang ingay na nagmumula sa lugar kung nasaan si Reggie— sa gymnasium.
Sumagot si Spencer. “Ako? Nandito ko sa clinic.” Mukhang tapos na ang program kaya hinahanap na siya ng mga kaibigan niya.
“Sige, pupuntahan ka namin,” sagot ni Reggie habang ang mga kasama niya ay maingay na nagtatawanan at nagkukwwntuhan. Mukhang naglalakad na sila paalis ng gymnasium at naghahanap ng mapupuntahan kaya hinahanap nila ang kaibigan kung nasaan. Hindi na kasi ito bumalik mula pa kanina.
“ANO!? PUPUNTAHAN N'YO 'KO!?” Gulat at napasigaw si Spencer. Napatakip naman ang kamay niya sa bibig after ma-realize na sobrang lakas ng boses niya.
“Oo, sabi mo nasa clinic ka 'di ba?” tanong muli ni Reggie sa kabilang linya. Holy cheese! Anong gagawin 'ko? Hindi dapat nila malamang kasama ko ang babaeng sumapak sa 'kin. Nakakahiya! —sa isip-isip ni Spencer.
“Sino nagsabi? Ako? Wala ako sa clinic,” sagot ni Spencer.
“Huh? Kasasabi mo lang, Peng.” Nagsisimula nang maguluhan ang mga kaibigan ni Spencer dahil sa sinabi niyang iyon.
“Hindi. Namali ka lang ng dinig. Nasa bahay na ako. Oo, nasa bahay. Bahay. Tama. Nasa bahay ako.” Patango-tango pa si Spencer pero kinakabahan na siya ngayon. Hindi na siya nakapag-isip pa ng husto at sinabi na lang kung ano ang lumabas sa bibig. Dahil do'n nauutal-utal na siya sa pagsasalita.
“Kanina pa 'ko, umuwi, e.” Nakakagat-labi pa ito at hinihintay ang isasagot ni Reggie. “Oo-- t-tama... oo, umuwi na 'ko.” Pineke niya ang kanyang tawa para itago ang kaba. Kabado masyado ang batang ito, hay... “Sige, 'tol.”
“Kagulo mo kausap, Peng.” Pinatayan na ni Reggie si Spencer. Nakahinga ng maluwag si Spencer matapos iyon.
“Mister Spencer?” Napalingon siya sa pintong kabubukas lang kung saan nakatayo roon ang nurse na gumamot kay Sierra.
“Po?” magalang na tugon ng binata.
“Okay na yung girlfriend mo,” sabi ng nurse dahilan para magulat ang binata.
Girlfriend?
Ibinulsa na ni Spencer ang cellphone at nakangisi siyang pumasok pabalik sa loob ng clinic.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...