09: The Notebook

142 16 1
                                    

Hindi na nakasagot pa si Darlene sa mga ibinatong salita ni Sierra sa kanya dahil na rin sa patuloy na pagpigil ni Spencer sa kanya.

“Darlene, tama na! May paparating na teacher, tara na...” ani Spencer, hinatak niya ang dalaga pero kumawala pa ito at muling binalikan si Sierra.

“We're not done yet! Karma is a bitch!” sabi ni Darlene, pointing her index finger to Sierra's lame face, galit na galit, gustong manakit.

“And you already got your karma 'cause you're a bitch,” walang buhay, walang dating na tugon ni Sierra pero para kay Darlene, isa iyong malakas na sampal sa kanya.

“Students, is there any problem here?” Nagulat sila nang lapitan sila ni Father. Kaagad nilang binura ang mga galit sa mukha, imayos ang sarili at kumalma.

“No, Father. We're just... uhm, wala po... nag-uusap lang po,” sagot ni Spencer. Kaagad siyang nagmano kay Father at ngumiti para sabihing maayos lang ang lahat. Nagmano rin ang dalawang babae at mayamaya pa ay iniwanan na rin sila ni Father.

“Tara na, Darlene.” Mahina lang ang pagkakasabi ni Spencer, medyo natatanaw pa niya kasi ang likod ni Father na naglalakad palayo sa kanila.

“Sinasayang mo lang ang oras mo sa isang non-sense na tao,” sabi pa ni Spencer na siyang tuluyang kumumbinsi kay Darlene. Tinalikuran at iniwan na ng dalawa si Sierra.

“Nonsense?” sabi ni Sierra, naka-ismir habang pinapanood umalis ang dalawa. Nag-uusap pa ang mga ito pero hindi na niya naririnig dahil malayo na ang dalawa sa kanya.

“Uy, Sierra!” Isang pamilyar na boses ang kumuha sa atensyon niya. Hinarap niya ang lalaki mula sa kanyang likuran.

“Why,” matamlay nitong tugon habang masama ang titig kay Paul. Matapos kasi ang nangyaring komosyon kanina sa pagitan nila ni Darlene ay bumalik na naman siya sa normal niyang galaw— walang gana at matamlay.

“Uy, grabe naman 'to makatingin. Easy...” takot na ani Paul. Napaatras pa siya ng hakbang dahil sa nakakasindak na mga mata ng dalaga.

“Bad mood ako,” sagot niya kasabay nang pagkurap ng pumupungay niyang mga mata.

“Lagi naman,” ani Paul na hindi nahinaan ang boses. Narinig tuloy ni Sierra.

“Paki mo?” Malamyang itinaas ng dalaga ang kaliwang kamao na nakakuyom.

“Joke lang, 'to naman! Hindi mabiro, akala mo namang kaaway niya 'ko,” ika pa ni Paul na natakot na naman sa dalagang mapanakit.

“Kung wala kang sasabihin, layas.” Umayos ng tayo si Paul at sumeryoso ang mukha.

“Nakasalubong ko si Felmarj kanina sa cafeteria, tinatanong ka niya sa 'kin. Seatmate kasi tayo, 'lam mo na, heheh—”

“Paul,” ani Sierra dahilan para mamilog ang mga mata sa gulat at takpan ang bibig gamit ang isa niyang kamay.

“A-Ah,” ani Paul, lulunok-lunok at inaayos ang dilang tila nabubulol “M-Magkita raw kayo do'n sa baseball field ngayon, ibibigay niya raw yung notebook mo sa Philosophy. Nando'n kasi yung iba nating kaklase, nagpa-practice na.”

“…”

“Nakuha ko na 'yong akin, oh!” sabi pa ni Paul matapos walang natanggap na sagot sa dalaga. “Perfect ako, nangopya ko sa 'yo, e... hehehe.”

Pagkatapos tumawa ay tumakbo na ang binata para hindi siya masapak.

“Thanks!” sabi pa nito kay Sierra na ngayon ay asar na asar na sa kanya. Bukod sa kadaldalan at pang-aasar, mukhang doon lang naman magaling si Paul.

•••••

Nakarating na sa baseball field si Sierra at kaagad niyang hinanap ang kaklaseng si Felmarj dahil wala rin siyang balak na magtagal doon dahil gusto niya na ring umuwi dahil may pupuntahan pa siya. Inilibot niya ang mga mata niya at nakita niya ang mga kaklase na nakaupo lang sa field.

Akala ko ba nagpapractice sila, e, nanonood lang naman sila sa mga naglalaro?

Felmarj,” tawag ni Sierra sa kaklase nang makalapit sa kinaroroonan ng mga ito.

“Ah! Wait, yung notebook!” ani Felmarj. Ipinaabot nito ang kanyang bag sa isa pang kaklase para doon niya kunin ang notebook ni Sierra.

“...”

“Here!” ngiting sabi ni Felmarj saka iniabot ang notebook ni Sierra.

Hindi na kumibo si Sierra at tumalikod na kaagad pagkatapos makuha ang notebook.

Samantala, nandito ngayon sina Spencer sa baseball dahil nagpapractice ang kanilang team. Araw-araw naman kasi silang may practice dahil part ng baseball team si Spencer at minsan kahit walang practice ay naglalaro pa rin sila rito sa field para maglibang o magpapawis lang.

Inihagis ng pitcher ang bola pero hindi iyon tinamaan ni Spencer.

“Sorry akin,” sabi ng pitcher dahil aminado siyang pangit ang pagkakabato niya ng bola.

“Sige, isa pa!” sabi ni Spencer, ang posisyon niya ay maayos, nakababa ang bat at nakatinging mabuti sa magiging direksyon ng bola.

Sa puntong inihagis at pinakawalan ng pitcher ang bola sa kanyang kamay ay iniangat naman ni Spencer ang kanyang baseball bat. Sinipat na maigi ang bola at pinatamaan ito ng solid sa gitna.

Sa paglipad ng bola sa itaas...

Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

“OHH!” malakas na sigawan ng mga nakakita, kasama na ro'n ang mga kaklase ni Sierra.

“Nyay!” sambit ni Spencer at dahil sa pagkagulat ay napataas pa ang kanyang kamay at paa.

Lagot!

Nagtakbuhan ang ibang mga player papunta sa babaeng tinamaan ng bola para kuhanin ang bola at para alamin ang kalagayan nito kung okay lang ba siya o hindi.

“OMG!” gulat na sabi ni Felmarj, makailang beses niya na ring sinasabi 'yon at paulit-ulit siya. “Na naman?”

Nilapitan nila si Sierra.

Yes, it's her.

Si Sierra ang maswerteng tinamaan ng bola sa likod ng kanyang ulo. Sa sobrang lakas ng pagkakatira ni Spencer sa bola ay halos mahilo ang dalaga. Umikot ang paningin nito at medyo nanghina pa pero na-manage niya naman ang kanyang sarili at hindi siya natumba.

Is this what Darlene called ‘karma’?

Bakit naman ako makakarma sa ginawa ko sa kanya? Ang tanong ay kung sinong nakatama sa 'kin ng bola? Sobrang sakit no'n, hindi ko siya mapapatawad.

“Miss, sorry.” Nakarating na si Spencer sa kinaroroonan ni Sierra at paumanhin kaagad ang hiningi niya dahil hindi niya ito sinasadya.

“...”

Galit na humarap si Sierra sa lalaking nagsalita at nagkagulatan ang dalawa nang makita ang isa't isa.

“IKAW?” sabay nilang sambit sa magkaibang emosyon— kay Sierra, matamlay ngunit galit; kay Spencer, gulat na gulat. Kakatapos lang nilang magkita sa Chemistry Lab kanina tapos ito na naman ngayon, nagkita na naman sila at sa ganitong klase pa ng sitwasyon.

At sa puntong iyon, nang ang mga mata nila ay magtama...

Isang alaalang nilimot na ng kahapon ang muling nagbalik at nanariwa sa isipan ni Sierra. Isang alaala na sa kaparehong lugar, parehong oras, parehong tao at parehong pangyayari.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon