43: Truths and Dare

55 10 2
                                    

"Tadaaa!" masayang sabi ni Spencer hawak ang bagay na ipinapakita kay Sierra.

"What's that?" tanong naman ni Sierra na walang kaalam-alam na pinagpaplanuhan na siya ng mga kontrabida sa buhay niya.

Nandito sila ngayon ni Spencer sa Ayala Triangle Gardens. Pinili na lamang nilang maglibot kaysa humabol sa klase dahil discussions lang naman daw saka may mga meeting ang teachers nila ngayon.

"Bola ng baseball, duh!" Umirap pa si Spencer.

"Gay," sabi ni Sierra. Alam naman niyang bola 'yon ng baseball. Ang hindi niya alam ay kung ang anong gagawin sa bola na 'yon.

"Maglalaro tayo," ani Spencer na nasagot na ang tanong sa isipan ni Sierra.

"'Di ako naglalaro n'yan," ani Sierra na tinitingnan ang bola na hawak ni Spencer.

"Hindi baseball! Madali lang, tange! Ihahagis ko sa 'yo 'tong bola tapos kapag nasalo mo, you will ask me something tapos sasagutin ko and vice versa lang. Bawal magsinungaling, a! 'Pag tatlong beses na hindi nasalo 'tong bola, dare ang katumbas no'n." Ipinaliwanag niya ang mangyayari sa loob at pinapakinggan lang ng babae ang sinasabi niya. Parang nagkakaroon na ng interes si Sierra habang tumatagal.

"Gan'to... una muna, malapit lang tayo para madaling masalo tapos habang tumatagal palayo tayo nang palayo sa isa't isa." Seryosong nagpapaliwanag pa rin si Spencer at dine-demo ang gagawin. Pinatayo niya si Sierra sa harap niya.

"E, pa'no maririnig kung malayo na?" tanong ni Sierra na unti-unti nang nakukumbinsi.

"Sino magsasabing magsasalita tayo?" sabi pa ni Spencer na iisang dipa lang ang layo sa dalaga. Magkaharap silang dalawa ngayon. "Ime-message natin sa isa't isa yung truth na 'yon through Twitter!"

Iniharap pa ni Spencer ang cellphone niya kay Sierra. Tanging pagtango lang ang naging sagot ni Sierra. Ibig sabihin ay pumapayag na siya.

"Game!" ngiting sambit ni Spencer at inihagis niya ang bola. Nagsimula nang maghagisan ng bola ang dalawa at sa bawat sapo nila ay magta-type sila ng message at id-DM nila sa isa't isa sa Twitter.

Nagpatuloy sila sa paghahagisan at pagsasaluhan ng bola hanggang sa matapos na ang laro nilang dalawa. Nandito pa rin sila sa Ayala Triangle, at nakatambay sila. Nakaupo at nakasandal doon sa puno kung saan nagkwento si Spencer about sa buhay niya. Noong araw na binato ni Sierra si Spencer ng tumbler sa ulo, nagpunta si Spencer sa park na 'to at si Sierra ang taong tinabihan niya noon.

"So, patay na pala Papa mo?" tanong ni Spencer. Napagod ang dalawa sa nilaro nila at ngayon ay unti-unti nang nino-normalize ang paghinga.

"Tapos patay na rin kuya mo?" tanong pa ni Spencer habang pinaglalaruan ang bola sa kanyang kamay.

"Tapos best friend mo namatay na rin." Hindi umiimik si Sierra at hinahayaan niya lang magsalita si Spencer.

"'Yung mama mo naman nagkaroon ng brain traumatic injury after maaksidente kaya 'di siya makapagsalita ngayon?" Wala pa ring nasasagot o nagiging tugon si Sierra sa mga sinasabi at tinatanong ni Spencer.

"Tapos ikaw naman, may lisping ka or yung speech difficulty kaya minsan nabubulol ka sa letter 'S' 'pag kinakabahan or 'pag 'di ka comfortable sa situation," sabi pa niya habang chine-check na ngayon ang ang kanyang cellphone at ang messages nila ni Sierra sa isa't isa.

"Sinumpa ka ba?" Tiningnan niya si Sierra at nang makita niyang sumama ang timpla ng mukha nito ay sinabi niyang "Joke lang."

"Sorry. Change topic na lang," ani Spencer at umiwas nang tingin kay Sierra. "Sabi mo tumutugtog ka ng piano dati pero hindi na ngayon, bakit nawala ang hilig mo?"

"'Yan na ang mga sagot ko 'di ba, bakit nagtatanong ka pa?" tugon ni Sierra na hindi na napigilang hindi umimik. Naiinis na kasi siya kay Spencer, lagi naman siyang naiinis kapag nagiging matanong ito at madaldal gaya ngayon.

"Tapos wala kang nickname, ano ba 'yan? Sierra Ponce... ano ba gusto mong palayaw? @ponsierra, @ponsie, SiePon? Ah, alam ko na! Sie na lang! Tama! Sie! Sie!" Nagdadaldal pa si Spencer habang nagti-tingin ng Tweets sa cellphone. Napadaan pa siya sa Tweet ng Power Fan Girls na pinost ang video ni Darlene na maraming retweets at share. Hindi na 'yon pinagkaabalahan pa ni Spencer. He just continue scrolling.

"Tatlong beses mong 'di nasalo ang bola, may dare kang parusa." Nahinto si Spencer at napaangat ang tingin na ibinaling kay Sierra.

"Holy cheese! Oo nga pala! Hayy..." Napapikit pa siya't inis na ginulo ang buhok niya gamit ang kamay. "Ang daya kasi, e... binato mo sa 'kin ang bola no'ng 'di ako nakatingin!"

"Umiyak ka sa harapan 'ko sa loob lang ng isang minuto." Natigilan si Spencer at prinoseso pa sa utak ang sinabing 'yon ni Sierra.

"Ang hirap naman! Wala na bang mas madali? Naman!" Patuloy pa rin sa pagrereklamo si Spencer na hindi maipinta ang mukha.

"Forty seconds left..." ani Sierra na kanina pa pala nagbibilang.

Tumayo si Spencer sa harapan ni Sierra at sinubukan niyang magpaiyak sa pinakamabilis na makakaya niya pero iba ang nangyari. Kabaligtaran.

"HAHAHAHAHAHA!" Sa halip na iyak ay malalakas at sunod-sunod na tawa na siyang nagpasakit sa ulo ni Sierra. Lalong sinira ni Spencer ang mood ng babae pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Alam niyang mali ang emosyong ipinapakita niya pero wala siyang magawa dahil wala siyang kakayahang kontrolin ito.

"Baliw ka ba?" inis na tanong ni Sierra nang tumahimik na ang binatang nag-iihit sa tawa kanina.

"Iba na lang kasi!" banas na ani Spencer at nagpapadyak pa habang nakanguso't nalulukot ang mukha.

"Fine." May kinatikot si Sierra sa cellphone niya. She visit the YouTube application installed in her phone. "Gayahin mo 'to." Iniharap ni Sierra ang cellphone niya na ngayon ay nagpe-play na ang video na ipinagaya niya kay Spencer.

"'Di ko kaya boy..." ani Spencer na pinapanood ang video ng hippopotamus na kumakanta at aso na sumasayaw ng 'The Lion Sleeps Tonight.'

"Dare..." Tinaasan ng kilay ni Sierra si Spencer at ipinaalala niya ang usapan.

"Hay! Oo na! Oo na!" Napilitan si Spencer na gawin ang dare pero mali ang ginagawa niya kaya naman nagalit si Sierra.

"Hindi 'yung hippopotamus ang gagayahin mo, 'yung aso." She rolled her eyes, muling tiningnan si Spencer na nakatayo sa harap niya.

"Aso ba 'yon?" tanong ni Spencer na pinapanood ang nasa cellphone na hawak ni Sierra na nakaupo't siya naman ang pinapanood.

"Isa..." Natakot si Spencer nang magsimula na namang magbilang si Sierra. Nilakihan pa siya ng mata ng dalaga.

"Eto na nga! Sumasayaw na nga, oh... Oh! Ohh! Ohh!" Patuloy sa pagsayaw si Spencer. Tumatalon-talon, patagilid, paharap at nang tumalikod siyang nagkekembot pa ay narinig niya ang tawa ni Sierra sa unang pagkakataon.

"Wait, ano yung narinig 'ko? Parang narinig 'kong tumawa ka!" Humarap siya at kinukumpirma kay Sierra kung tama ba ang narinig niya o hindi.

"Guni-guni mo lang 'yon," sabi naman ni Sierra na mabilis na naitago ang tawa at naibalik ang dati niyang itsura.

"Cheese! Sayang 'di ko nakita!" Nagpapadyak pa si Spencer at akala mong bata na nanghihinayang sa isang lollipop na nahulog sa lupa. Ang hindi niya alam, deep inside, mamamatay na sa katatawa si Sierra.

•••••

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon