25: The Three Great Philosophers

89 9 0
                                    

“Oh, cheese!” bulalas ni Spencer matapos kunin ang naghuhumiyaw niyang cellphone. Ginising ang natutulog nilang diwa sa pamamagitan ng alarm.

“Gie!” paulit-ulit nitong tawag sa kaibigan habang niyuyugyog ang katawan. Bumangon na si Spencer at habang naglalakad papunta sa wardrobe niya ay tinatawag pa rin ang kaibigan.

Nang hindi ito sumagot matapos niyang makakuha ng twalya at maihanda ang uniporme ay sinampal niya ito nang malakas sa mukha.

“Gie! May kalaban! Tago!” sabi pa ni Spencer matapos sampalin ang kaibigan kaya naman ang mabagal na pagpungas ni Reggie ay naging taranta't kabadong nagmamadali.

“Haa! Nasa'n? Nasa'n?” hiyaw nito kasabay nang mabilis na pagdilat at pagbangon sa pagkakahiga. Nakaamba pa ang dalawang kamay nito na akala mong makikipagsuntukan sa kanto habang palingon-lingon sa paligid. Grabe 'tong si Spencer! Napaka-harsh sa kaibigan. Ginulantang niya ang mahimbing na tulog nito, mukha tuloy tanga si Reggie.

Tinawanan lang siya ni Spencer at nagpunta na ito sa banyo para maligo. Pagkatapos nilang magbihis ay bumaba na silang dalawa sa lamesa na may nakahandang pagkain na at nando'n ang parents ni Spencer, kumakain at nakabihis na.

“Good morning po, Mayor Wen,” magalang na bati ni Reggie at nag-bless kay Makati Mayor Wennard Navarro.

“Good morning po, tita Guia,” ani pa ni Reggie na umikot at nagmano rin kay Guianna, mama ni Spencer.

Si Spencer naman ay sa mama niya lang bumati. Tumango at ngumiti lang ito, hindi na humalik at nagmano.

“Mabuti naman at gising na kayo, paalis na rin kasi kami.” Nagsalita si Wennard at narinig naman iyon ng dalawa na paupo na ngayon sa magkatabing upuan.

“Are you done, honey?” tanong nito kay Guia na kumakain pa pero ibinaba niya na rin kaagad ang kutsara at tinidor. Tumigil na sa pagsubo at uminom na lamang ng tubig.

“Yes,” sagot ni Guia at tumayo na dahil tumayo na rin si Wennard. Napatingin naman si Reggie sa mga pagkain ng dalawa na halos tinikman lang at hindi man lang binawasan.

“Mama...” tawag ni Spencer sa mama niya at lumingon ito sa kanya— hinihintay ang sasabihin niya pero bago pa man makapagsalita si Spencer at masabi ang sasahihin niya...

“Spencer, mamaya mo na abalahin ang mama mo, a? Male-late na kami.” Sumingit si Wennard sa usapan at inakay na paalis si Guianna.

Wala nang nagawa si Spencer at pinagmasdan niya na lang na umalis ang dalawa. Laging ganito ang eksena nila, magmula nang lumipat sila rito sa Makati ay nawalan na sila ng magandang komunikasyon. Hindi na sila nakapag-uusap ng mama niya at every time na naiisip ni Spencer 'yon ay nagagalit siya dahil pakiramdam niya ay inaagawan siya ng time ni Wennard sa mama niya. Puro siya na lang ang inaasikaso nito at nakakalimutan na siya.

“Tara p're, kain na tayo.” Niyaya ni Reggie ang kaibigan at kinausap dahil napansin niyang natulala na ito. Napansin niya ring nagbago ang timpla ng mukha nito at galit na nakakuyom ang kamao.

Tumango naman si Spencer matapos pakalmahin ang sarili. Iwinilig ang ulo para mawala ang mga negatibong ideya na pumapasok sa isip niya. Pagkatapos kumain ay nag-commute sila papuntang school at ilang saglit ay nakarating na sila sa gate papasok sa Colegio San Agustin.

“Luh, 'di tayo umabot sa morning mass.” Kausap ni Reggie ang kaibigan na kasabay naglalakad. May mga kasabay rin silang mga Agustinians na kagaya nila— medyo na-late rin ng pasok.

“Tara bilisan natin para makahabol tayo sa flag ceremony.” Naunang maglakad si Spencer at sinundan naman siya ni Reggie. Mabuti na lang at naabutan nila ang flag ceremony.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon