07: Guilty Cheater

146 16 3
                                    

Ayaw naman kasing magsalita ni Sierra at nakaupo lang ito sa desk niya. Walang pakialam kahit nagkakagulo na ang lahat dahil sa resulta ng kanilang quiz.

“Darlene, 'andito kay Sierra yung papel mo,” ani Paul, seatmate ni Sierra na madaldal at masasabing hindi ganoon katalino tulad ng dalaga.

Padabog na kinuha ni Darlene ang papel niya kay Sierra saka inirapan. Umalis na ito habang pinagmamasdan ang papel niya, nagulat pa siya noong una pero nawala rin naman kaagad ang ekspresyong iyon sa mukha niya.

“Nakailan ka, Sierra?” tanong ni Paul kay Sierra pero hindi siya pinansin ng dalaga.

“...”

“Pasado 'ko alam mo ba 'yon?” masayang sabi pa ng binata at patuloy na kinakausap ang walang pakialam na si Sierra.

“...”

“Mabuti na lang 'di nakita ni ma'am na kumokopya ako sa 'yo,” sabi nito saka tumawa.

Mabilis na ikinuyom ni Sierra ang kamao niya at iniamba iyon sa mukha ni Paul dahilan para magulat ang binata. Tinakpan nito ang mukha gamit ang dalawang kamay kasabay ng pagtikom ng bibig at pagtigil sa paghalaklak.

“Tanggap ko nang madaldal ka pero 'wag ka lang tatawa nang naririnig 'ko. Masakit sa tenga,” ani Sierra sa nagkukubling binatang sinindak niya. “Nakakairita.”

“Sino nagsabing magkagulo kayo?” ani Ms. Sabroso na hindi namalayan ng lahat na nasa harapan na pala ulit at pinapanood sila kung paano magpalisaw-lisaw.

“Hindi na kayo nahiya? Nakita n'yo nang may kausap ako sa phone, ang iingay n'yo pa rin,” sabi pa nito na patuloy dinadagdagan ang galit sa dibdib. “Wala, dedma. Ako na nag-adjust.”

Natahimik ang lahat at wala na muling narinig na ingay mula sa makukulit na estudyante. Akala mong nilagyan ng packaging tape ang mga bibig nila.

“Who got a perfect score?” Tanging boses lamang ng ngayo'y kalmado ng guro ang naririnig sa apat na sulok nitong classroom.

“...”

Napatango ang teacher nang walang tumayo o umimik ni isa. Ibig sabihin no'n ay wala na namang naka-perfect sa quiz niya. Inasahan niya nang ganito ang magiging resulta kaya naman napangisi ang babae.

“Who got the highest score?” tanong muli ni Ms. Sabroso sa lahat ngunit natagalan siyang makatanggap ng response dahil ang nakakuha ng pinakamataas na score ay tulala at wala sa sarili.

“Si Ponce po, ma'am. Naka-forty six po siya!” wika ni Paul dahilan para mapatingin sa kaniya ang guro na kanina pa naghihintay ng tugon.

“Good job, Sierra. Sino pa ang may score na mas mataas sa forty six?” ani Ms. Sabroso habang iginagala pa ang mga mata niya.

Si Sierra naman ay bumalik na sa dati matapos pakalmahin ang sarili. Medyo napraning na naman kasi siya nang marinig niya ang nakakainis na tawa ng katabi niyang si Paul. Honestly, lahat ng tawa— kahit kanino pa 'yon ay kinaiinisan niya— lalong-lalo na kung si Spencer 'yon.

“Ma'am ako!” ani Darlene dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. She really caught the attention of everyone in just a sec but Sierra, she's staring on the girl in front of her— full of doubt and curiosity. “Naka-forty eight po ako.”

“Oh, very good. Too close, huh?” Nakangiti lang si Darlene habang pinapakinggan ang maikling papuring iyon ng guro sa kanya.

“Kaya nga ma'am, muntik na talaga.” Tumawa si Darlene pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya naman pumintig ang sintido at narindi ang tainga ni Sierra. Dinig na dinig niya 'yon dahil nasa harap niya lang si

“Miss Lizzet, she's a cheater.” Tumayo ang malamyang si Sierra at nagulat ang lahat sa sinabi niyang iyon. Tila isang lihim na binunyag— nagtataka ang lahat at hinihintay ang mga susunod na mangyayari.

“What the hell are you saying?” mabilis na tugon ng dalaga. Wala siyang inaksayang segundo— sinagot at hinarap niya ang dalaga. Masama ang tingin niya sa kaklaseng si Sierra dahil sa inaakusa nito sa kanya.

Sierra glimpsed on Darlene's mad face and throw a glance to Miss Lizzet— wondering what's the matter between these ladies.

“Miss Lizzet, I checked her test and her score doesn't even reach the passing rate,” kalmadong sabi ni Sierra sa teacher. Nagbago ang timpla ng mukha ng kanyang guro at animo'y napuno ng pagtataka.

“Darlene? Is it true?” tanong ni Ms. Lizzet kay Darlene. Napilitan ang dalaga na nakaharap kay Sierra na lumingon at harapin ang teacher na tinatanong siya dahil gusto nitong marinig mula sa bibig niya ang kumpirmasyon— kung totoo ba ang sinasabi ni Sierra o hindi.

“O-Of course not, ma'am!” malakas na tugon ng dalaga na napagtagumpayan ang pagkautal. “She's just accusing me because she has a personal issue on me.”

“…”

“She's jealous and insecure because she can't accept the fact that I'm prettier and brainier than her,” ani Darlene sa teacher niyang nakikinig lang sa kanya. She thinks in that way, she could convinced her teacher. She's talking persuasively. Looks like her statement were so out of the topic.

“Just pretty, not prettier than me,” matipid na tugon ni Sierra dahil ayaw niya nang maraming salitaan pero sa oras na ito ay hindi na siya makapagtimpi na hindi sumagot.

“…”

“And, someone who's brainier wouldn't do the stupid thing you did.”

“...”

“Admit it, you cheated.”

Seryoso lang si Sierra sa mga pahayag niya, hindi katulad nitong si Darlene na nagliliyab na ngayon sa galit.

“You bit—”

“Darlene, may I see your paper?” tanong ni Miss Lizzet kay Darlene dahilan para matigilan ang dalaga sa pagsasalita.

“I'm telling you the truth, ma'am.” Humarap siyang muli sa guro. But she can't look straight to her teacher's eyes. That's the sign!

Is she really telling the truth?

Her teacher wants to know it.

“But the truth is also written on your paper.”

“...”

“Give it to me.”

Si Miss Lizzet na ang naglakad palapit kay Darlene at kinuha ang papel sa kamay mismo ng inaakusahan. Hindi na nakapalag pa ang dalaga at hinayaan niyang pagmasdan ng guro ang papel niya. Nakayuko siya habang ang lahat— katulad niya, naghihintay ng resulta.

“It can be seen from the erasures on your paper that you really cheated on my quiz. I clearly instructed that erasures means wrong,” diretsong sabi ni Miss Lizzet kay Darlene na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng guro.

“Miss Lizzet, when I checked her paper; her score was eighteen. She just rewrote the number one to make it look like a number four, kaya forty eight ang naging score niya. And while you're busy on your phone, Darlene is busy too— too busy on changing her wrong answers to make it correct,” ani Sierra. Iyon na ang kanyang huling banat at hindi na umimik pang muli.

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon