“Kahit sinabi ni mama na siya ang magpapaaral sa ‘kin, hindi ako naniwala. Hindi ako tanga, sinabi niya lang ‘yon para pumayag ako. Alam niya kasing ayaw kong makatanggap ng kahit na anong tulong sa lalaki niyang ‘yon. Pero naisip ko si papa ng mga oras na ‘yon. Naisip ko ang mga sinabi niya sa ‘kin,” ani Spencer at sa mga oras na iyon ay parang may kurot siyang naramdaman sa kanyang puso nang mabanggit niyang muli ang salitang ‘papa’. Iba ang epekto nito sa kanya at paulit-ulit niyang nararamdaman ang sakit sa tuwing maalala niya ang kanyang papa.
“Kung sasabihin ko bang hindi ako sasama, tutuloy ka pa rin ‘ma?” matapang na tanong ni Spencer kahit na alam niya naman ang sagot. Alam niyang masasaktan siya pero tinanong niya pa ‘rin. Alam niyang mahal na rin ng mama niya si Wennard at mataas ang chance na hindi siya ang piliin nito.
Hindi sumagot si Guianna sa halip ay tanging mga luha sa kanyang mga mata ang naging tugon niya sa napakahirap sagutin na tanong ng anak.
“Sige, ma. Sasama na ‘ko. Nangako ako kay papa na aalagaan kita. Paano ko magagawa ‘yon kung wala ako sa tabi mo?” ani Spencer saka inilihis ang tingin. Halatang napilitan lang ang binata pero dahil sa pangakong sinasabi niya ay pumayag na rin siya at para sa pangarap niya kailangan niyang tanggapin ang alok ng mama niya. Kailangan niyang sundin ang mama niya.
“Thank you, anak.” Yumakap nang mahigpit si Guianna habang tumutulo pa rin ang mga luha sa mata. Masaya siya at sa huli ay pumayag na rin ang anak matapos ang mahabang panahon na paulit-ulit na diskusyunan.
“‘Ma, hindi mo na ba mahal si Papa?” tanong ni Spencer na niyakap na rin ang ina.
“‘Nak, minahal ko ang Papa mo, alam mo ‘yan pero...”
Hinintay ni Spencer ang sagot at habang tumatagal ay unti-unti niya nang inalis ang dalawang braso niyang nakayakap sa mama at mga kamay na nakadampi sa likod ng mama.
“Okay ‘ma, matutulog na ‘ko. Pagod ako,” ani Spencer at tumalikod na kay Guianna. Hinawakan niya ang doorknob ng pinto ng kanyang kwarto pero bago siya pumasok sa loob ng kanyang silid ay nag-iwan siya ng mga salita sa mama niya habang nakatalikod siya. “Sabi mo ‘di ba, kapag mahal mo, dapat walang ‘pero’.”
Kinabig niya ang pinto at tuluyang pinagsarhan ang mama niya. Tinapos niya na ang kanilang pag-uusap.
Patuloy pa rin sa pagkukwento sa taong hindi niya naman kakilala at hindi alam kung nakikinig ba sa kanya o hindi.
“At saka gusto kong gayahin ang prinsipyo niya, kaya naman para sa pangarap, nilunok ko ang pride ‘ko. Pero hindi ko pa rin matanggap na may ibang lalaki na si mama. Galit ako sa kan‘ya, galit ako sa ginawa niya. Nagpanggap ako na ayos lang pero hindi ko na rin natiis kalaunan at hindi ko kayang hindi magalit sa t’wing makikita ‘ko ang lalaking ‘yon,” aniya habang nilalaro ngayon ang mga damong nahahawakan niya. Binubunot niya pa ang iba at hinihimay-himay saka itatapon. “Wala naman akong magagawa, magiging miserable at patapon lang ang buhay ko kapag ‘di ako nag-aral. Ayaw kong maging gano‘n.”
“Sa panahon kasi ngayon, we've been divided by the society. There's a separation happening. Nasa ibaba ang mga mahirap at walang pinag-aralan samantalang nasa itaas ang mga mayayaman at edukado,” seryoso niyang sambit.
Unti-unti itinaas niya ang kanyang tingin. Mula sa ibaba hanggang sa makarating sa itaas. Nakatingala siya ngayon habang pinagmamasdan ang mga matataas na gusali at sa itaas noon ang langit na napupuno ng mga makikinang na bituin.
"But it’s not always like that. Sometimes, poor men who is said to be uneducated are the ones who never lost the love and respect. Unlike rich and powerful men, to which let's say a highest person because of money, wealth and privileges they have, they forgot to be human,” aniya matapos pagmasdan ang kalangitan. Iginilid niya ang kanyang ulo para tingnan ang katabi niya kung nando’n pa ba o wala na.
“Noong una, kinalimutan ko na ang pangarap ko. Sapat na ‘yung naglalaro na lang ako ng baseball dahil imposible na makapasok ako sa Colegio San Agustin. Isa kasi yung CSA sa mga school na may pinakamahal na tuition dito sa Pilipinas. Hindi ko naman kaya na pag-aralin ang sarili ko kahit mag-working student pa ‘ko. Pangarap din ng papa ko dati na makapag-aral dito kaya lang hindi rin natupad kaya naman para sa kanya at para sa pangarap ko na siya rin ang dahilan kaya ako nandito,” salaysay ni Spencer na nakalimutan nang may katabi pala siya. Wala na siyang pake ro’n basta ang gusto n‘ya ay mailabas lang ang mga saloobin n‘ya.
“Masaya naman ang senior high school life ko dito sa CSA Makati, ‘di naman ako naghihirap kasi suportado naman ako no‘ng Wen na ‘yon, but I hate and I don't like it,” aniya at umayos pa ng pagkakaupo. Umalis siya sa pagkakasandal sa puno pero nanatiling nakaupo. “Someday, I will give him back the money he spent on me. I will pay him twice the amount. Ayaw kong tumanaw ng utang na loob sa lalaking ‘yon kaya ibabalik ko anumang binigay n‘ya sa ‘kin. Ang nakakainis pa ay nagpapanggap s‘yang mabait sa ‘kin, nagfi-feeling papa ko pa? Tss. ‘Di naman siya ang papa ‘ko, ba't ko siya mamahalin?”
“Edi, magmahalan silang dalawa, wala naman akong magagawa pero ‘di ko pa rin matatanggap ‘yung lalaking ‘yon!” aniya at mabilis na ibinalik ang katawan sa pagkakasandal dahilan para mauntog ang kanyang ulo.
“Kainis! ‘Yung bukol ko!” inis niyang sabi matapos mauntog ang bukol sa katawan ng puno. Hinimas-himas niya pa at kinapa kung lumaki ba o lalong namaga ang bukol niya.
“Gawa ‘to ng babaeng ‘yon, e!” may halong pagkainis pa rin sa boses ng binata.
At sa pagkakataong iyon ay inalis na ng dalaga ang nakasalpak na earphone sa tenga niya.
“Binato ba naman ako ng tumbler?” rinig niyang sabi ni Spencer dahilan para tanggalin niya na rin ang hood na nakatakip sa ulo niya.
“E, hindi ko naman siya inaano? Nagkaro’n pa tuloy ako ng libreng tumbler,” ani Spencer bago humagalpak sa katatawa. Napatayo sa inis ang kasama niya nang marinig ang nakaririndi‘t walang humpay na tawa ng lalaki.
“Makauwi na nga, may assignment pa nga pala kami,” ani Spencer na nakasakay na ngayon sa bike niya habang tumatawa at pumipidal ang mga paa para makaalis na sa lugar na iyon.
Pinagmasdan ni Sierra ang pag-alis ni Spencer.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...