Tanging mga paliwanag lamang ni Sierra ang maririnig. Habang ang lahat ay abala sa kani-kaniya nilang ginagawa ay ang dalawa ay abala sa pagtatalakayan tungkol sa tatlong Philosopher na matagal na rin nilang pinag-uusapan.
"Doon sa story, yung mga prisoners ay nasa loob ng kweba, naka-kadena ang kamay at paa, facing the wall of the cave and unable to turn their heads. Tanging nakikita lang nila ay mga anino ng mga dumadaan sa labas dahil sa malakas na apoy na nasa kanilang likuran. Na-imagine mo? Nando'n na sila mula ng ipinanganak sila and they have no idea about the world. About the reality because what they always see were just shadows."
Si Spencer na kanina'y nakahalukipkip at nakalumbabang nakikinig ay nag-iba ng posisyon. Medyo ipinihit niya pa ang kanyang katawan dahil nangangalay na ang kanyang leeg na nakapihit sa direksyon ni Sierra. Sa gano'n ay hindi mangangawit ang kanyang leeg.
"Let's say that the chains in their feet and hands and the fire within the cave are the representations of person's limitation to knowledge. It brings them far from the truth and close to a false reality."
Mas lalong naging interesado ang binata sa mga sinasabi ni Sierra na para bang isang klase at ang paborito niyang guro ang nagtuturo sa paborito niyang subject. Taimtim na nakalaan ang dalawang tainga sa mga salitang namumutawi sa bibig ng katabing dilag.
"The shadows, 'yon yung paniniwala ni Plato na tayong mga tao ay buo na ang konsepto at ideya sa ating isipan mula nang tayo'y ipanganak sa mundo," ani Sierra na medyo dumiretso ng pagkakaupo. Mukhang nangawit na rin siya sa pagkakayuko.
"Para kay Plato, ang nakikita natin ay anino lang ng realidad. Shadow lang ng forms na nag-eexist sa World of Forms. He said that forms are real compare to the actual object which is only an imitation. Forms are the quality of something to be called as a something."
Si Spencer ngayon ay nakatukod ang siko sa bintana habang doon ang ulo niya ay nakakatang sa kamao niya at ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Sierra.
"Which was opposed by Aristotle because he stated that reality came through our senses. Ideas were not in our mind since birth. For him, human is a blank slate or 'tabula rasa' and from there we put our knowledge through our senses. That concept is called empiricism."
Tila walang pagod si Sierra sa mga ganitong usapan. Parang ang active niya at hindi mo man lang makitaan ng pagkayamot. Nawala yung mabigat na atmospera sa kanilang dalawa at parang komportable na siyang nagkukuwento.
"Later on, mas pinanigan ng mga philosophers and scientists ang empirisismo. Even though Plato is wrong, atleast he opened the door to the rationalism — is to envision things beyond the reality that is merely seen by the naked eyes."
Hindi akalain ni Spencer na ganito pala kalawak ang kaalaman ni Sierra tungkol sa Philosophy. Palibhasa ay ito ang subject na pumukaw sa kanyang hilig dahil may isang tao rin na naglapit sa kanya sa mga bagay tungkol sa Pilosopiya na kanyang naging inspirasyon--- dati.
"And those shadows mentioned by Plato, doesn't mean what we see is not true but a truth that there is truer than that— that will free us from being a prisoner of cave."
Huminga si Sierra nang malalim at isinandal ang ulo niya sa ibabaw ng passenger's seat na inuupuan. Tinabingi at ibinaling niya ang ulo sa direksyon ni Spencer--- nakasandal sa bintana habang nakatukod ang siko at pinapatungan ang kamao— kung kaya't nagtama ang mga mata nila.
"The end," ani Sierra dahil napansin niya si Spencer na parang ewan na naghihintay pa rin ng sasabihin niya.
"Alam mo, ang dami mong alam," ani Spencer pero inisnob lang siya ni Sierra na walang pake sa opinyon niya. "Para kang si Doc Aries, 'yung kaibigan kong doctor. Gan'yan na gan'yan din siya magkwento. Full of learnings and life lessons."
Nawalan ng kibo si Sierra matapos ang ilang segundo nang pagsingit ni Spencer sa mala-talumpati niyang sagot.
The guy cleared his throat as he neared himself to the girl next to thim. "E, ano pala 'yung relationship nilang tatlo?"
"'Di mo pa rin alam?" the girl asked in a monotonous voice. "Estudyante ni Socrates si Plato. Si Aristotle naman teacher niya si Plato saka kaibigan. Hindi sila mag-ex at mag-jowa. Idiot."
Lumamlam ang kanyang mga mata na parang nadismaya sa antas ng pang-unawa ng lalaking kausap niya. Kahit sino yata ay sasakit talaga ang ulo kapag si Spencer na ang kumausap o nagtanong sa 'yo. No wonder why this girl don't pay attention on him and his crazy thoughts every time.
"Akala ko, e..." ani Spencer na hindi mo aakalaing nagbibiro dahil iyon talaga ang akala niya. "Naka-chamba ako sa sagot ko sa last question, 'di ba? So, favorite mo silang tatlo?"
"Oo." Sierra threw her look away from the guy. Nagsisimula na naman siyang mairita sa kadaldalan ng kasama.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang favorite kong Philosopher?" tanong ni Spencer na nakangisi at tila ba nang-aasar pa habang nakatingin sa babaeng naiilang sa mga titig niya.
"Sino?" tanong ni Sierra na biglang tiningnan rin ang lalaking tinitingnan siya.
"Ikaw," saad ni Spencer na walang halong alinlangan. "Paboritong-paborito kita! Ajujuju!" bigla niyang pinisil at pinag-pipiga ang pisngi ni Sierra. "Ang cute mong pilosopo," sabi n'ya habang pinanggigigilan ang dalaga.
“...”
Nagulat si Sierra sa ginawa sa kanya ni Spencer. Namilog ang mga mata at napako sa iisang direksyon ang kanilang mga tigin--- nagkatitigan at natulala sa isa't isa.
Damang-dama ang mabigat na ulap na sumusuklob sa kanila. Parang gusto na nilang lumubog sa kinauupuan nila at magpalamon sa lupa sa sobrang hiya na nararamdaman.
"Ay, sorry!" ani Spencer nang ma-realize ang ginawa niya. Kaagad niyang inalis ang dalawang kamay na nakakurot sa magkabilang pisngi ni Sierra.
"Bakit ko ginawa 'yon?" sa isip-isip niya.
Umayos ng upo ang dalawa at kapwa pinapabagal ang mabilis nilang paghinga— kasing bilis ng mga tibok ng puso nila— diretsong tumingin sa harap. Hindi magawang lingunin ang isa't isa.
Napakagat-labi si Spencer matapos basain ng laway ang labi gamit ang dila. Walang imik tulad ng kanyang katabi na yumuko at tinakpan ng buhok ang pisngi na ngayon ay...
Namumula?
Namumula kaya dahil sa ginawang pagpisil ni Spencer?
O namumula dahil sa ginawa ni Spencer ay may naramdaman siya?
Palihim na ibinaling ni Spencer ang tingin sa babaeng nakayuko't nakakubli ang mukha sa buhok.
"Galit kaya siya?" sa isip-isip ni Spencer habang tinatantiya niya ang sitwasyon.
Itinaas ni Sierra ang ulo at hinawi ang mga buhok nito dahilan para umiwas ng tingin si Spencer para 'di siya mahuling nakatingin.
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...