46: Savage Queen's Sabotaged Plan

79 11 10
                                    

"'Wag ka nang magpasalamat sa 'kin, pambawi ko lang 'yon sa 'yo. Mabait ka naman, e... lagi akong kumokopya sa 'yo kaya tama lang 'yong ginawa 'ko na ipinagtanggol kita sa mga 'yon," mahabang ani Paul habang naglalakad sila ngayon ni Sierra palabas ng school.

"Nasaktan ka ba?" tanong pa ni Paul at na nag-aalala kay Sierra.

Umiling si Sierra.

"Good. If you need help, nandito lang ako. Paul, at your service! Bye! Ingat!" Umalis na si Paul at nagpaalam kay Sierra.

Naalala ni Sierra ang ginawang pagtulong sa kanya ni Paul kanina noong nagpunta siya sa guidance office kung saan ginulat niya ang lahat.

"This will explain everything." Naglakad si Paul papalapit sa table at inilapag ang cellphone kung saan nagpe-play doon ang video ng Power Fan Girls at ni Darlene na pinagpaplanuhan si Sierra na masuspend. Gulat na gulat si Darlene at ang Power Fan Girls habang unti-unti silang nabubulilyaso.

Sa video kung saan nagsasalita si Darlene na siyang utak ng lahat ng ito at ang mga kasabwat na kausap niya-- Power Fan Girls...

[ Girls, here's the plan. After class, I will make uto-uto Sierra hanggang makarating kami malapit sa faculty, then I will force her na saktan ako, but I will make sure na walang makakakita. Just keep on eyeing us, tumakbo kayo sa faculty and tawagin niyo ang adviser natin. 'Wag kayong papalpak, girls. Kailangan ma-suspend ni Sierra and later we'll make sure na ma-expelled na siya. Understood? ]

Sa huli ay nasuspend ang apat at ang inosenteng si Sierra ay nanatiling inosente. Walang kasalanan. Suspended ang apat kung kailan malapit na ang exam, kawawa naman sila. Paano kaya sila makakahabol sa mga mami-miss nilang lesson. Kapag nga naman kasamaan at katangahan ang pinairal, gan'yan ang mga napapala.

•••••

Sa sagradong lugar kung saan nagtitipon-tipon ang Augustinians para sa kanilang pananampalataya sa Diyos, ang hindi mabilang na mga estudyante't guro ay naririto at taimtim na nagdarasal.

Ang Capilla de San Agustin ay may kapasidad na 400-500 katao dahil katamtaman lamang ang laki nito. Dahil do'n ang ibang mass ay ginagawang departmental, ginaganap sa covered court or sa Grade school covered court in case na gaganapin ang malalaking mass.

Isa sa mga architectural features ng kapilya na ito ay ang istatwa nina St. Augustine of Hippo at St. Monica of Hippo sa magkabilang gilid ng altar kung saan sa gitna ay ang malaking crucifix ni Jesus na nakapwesto sa gitnang taas ng altar na siyang matatanaw kapag nakaupo ka't nakaharap sa altar.

Nag-ooffer ang chapel ng morning Masses araw-araw pero mayro'n din namang pang weekend, kapag Sunday Masses ay English at Filipino ang gamit na language at kapag anticipated Mass ay Spanish language ang gamit.

Nirenovate na rin itong chapel at maraming changes na ang naidagdag gaya ng pagdadagdag ng mga glass around the sides of the chapel, pagkakabit ng air-conditioner units saka nilagyan na rin ng glass doors ang chapel dahil nakabukas lang ito at walang pintuan dati.

Samantala, sina Sierra at Spencer at magkasamang nagsisimba rito sa San Agustin Chapel (Capilla de San Agustin). Nakikinig ng misa habang magkatabi sila hanggang sa dumating ang kantang Ama Namin at naghawak ang kanilang mga kamay na para bang inaawitan pa sila ng mala-anghel na boses ng chorale. Tiningnan at nginitian ni Spencer si Sierra.

Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na ang misa at silang dalawa na lang ngayon ang nandito sa kapilya.

"Ang bilis nang panahon 'no?" ani Spencer sa kasama niyang si Sierra.

"Final exam na sa isang araw," sabi pa niya habang mabagal na naglalakad papalabas ng kapilya.

"Tapos after no'n, bakasyon na." Patuloy lang siya sa pagkukwento at tahimik lang si Sierra na nakikinig.

"Tapos, mami-miss kita." Binunggo niya sa balikat si Sierra sabay sabing "Ayiiee..."

"Disgusting." Mapakla ang mukha ni Sierra na naco-cornyhan sa lalaking katabi. "Ang cheesy mo."

Ngumiti lang si Spencer. Kinuha niya ang cellphone niya at pinatugtog ang kantang “Dambana / Silent Sanctuary” nang makalabas na sila sa kapilya. Hindi niya na pinansin pa si Sierra at pinakinggan na lang ang kanta. Nakatayo pa rin silang dalawa sa entrada ng kapilya.

"Don't forget about our deal," singit ni Sierra sa pagkanta niya dahilan para i-pause ni Spencer ang music at tingnan siya. Napaisip si Spencer kung anong deal ang sinasabi ni Sierra nang maalala niya no'ng naglaro sila sa Ayala Triangle ay bago umuwi ay naglaro pa sila ng 'The Deal Game' na tinawag nila at nakipag-deal sila sa isa't isa about sa mga bagay-bagay.

"First deal... 'pag na-perfect ko ang exam, tatawa ka sa harap ko." Ito ang deal ni Spencer kay Sierra.

"'Pag na-perfect ko ang exam, iiyak ka sa harap 'ko." Iyan naman ang naisip ni Sierra.

"DEAL." Magkasabay nilang sabi at nag-pinky swear pa.

"Kahit anong subject na ma-perfect, ha?" tanong ni Spencer kay Sierra.

"Oo," sagot nito.

"Sige, magkita tayo sa pool after exam." Naglakad na silang dalawa paalis ng kapilya at umuwi na.

•••••

Dumating na ang araw ng examination at ang lahat ngayon ay nasa kanya-kanyang room na. Nagsasagot sila sa kanya-kanyang papel. May ibang nangongopya na hindi naman talaga maiiwasan. Ang iba naman ay nagsasagot sa legal na paraan-- tulad nina Sierra at Spencer na may napagkasunduan tungkol sa exam na 'to.

Pagkatapos ng exam ay nagpunta na agad si Spencer sa swimming pool dala ang test papers niya. Marami siyang dala na test papers niya pero isang subject lang ang kinuha niya. Inilapag niya sa gilid ng pool kasama ng mga test papers na 'di niya na-perfect ang bag at nagpalakad-lakad, pabalik-balik, naiinip na siya sa dahil napakatagal ni Sierra.

Napangiti siya nang matanaw ang babaeng hinihintay na naglalakad papalapit sa kanya. Maaliwalas ang matamlay na mukha nito at nang magtapat sila ni Spencer ay iniharap niya sa mukha ni Spencer ang hawak niyang test paper.

"Wow! Perfect! Ang galing mo!" Nanlalaki ang mga mata ni Spencer at gulat na gulat sa result ng test paper na pinakita ni Sierra.

Habang pinagmamasdan ni Spencer ang test paper na nakaharap lang sa mukha niya ay kinuha ni Sierra ang test paper na hawak ni Spencer.

"Wala, 'di ako naka-perfect." Kakamot-kamot sa ulong sabi ni Spencer.

"It's okay, nobody's perfect. But we have a deal," sagot ni Sierra habang tinitingnan ang test paper ni Spencer na naka-39 out of 50 lang sa subject nilang Creative Writing. Iyon na ang pinakamataas niyang score na nakuha.

"Cry," ani Sierra na inuutusan si Spencer na gawin na ang deal. Tinitigan niya ang lalaki at hinihintay na umiyak ito sa harapan niya.

Ngunit iba ang nangyari.

Kabaligtaran.

"HAHAHAHAHA!" malalakas na halakhak ni Spencer. Sunod-sunod at hindi mapigilan. Hindi niya makontrol, tulad ni Sierra na hindi na rin mapigilan ngayon ang sariling lapitan si Spencer at hindi na nakontrol pa ang kamay.

Itinulak niya sa pool ang tumatawang si Spencer. Tumatawa pa rin ito nang mag-walk out siya. Inis niyang nilisan ang swimming pool, iniwan niya rin ang test paper ni Spencer na hawak niya. Binilisan niyang maglakad upang hindi niya makita ang tawa ni Spencer. Ayaw niyang mahawa sa nakahahawang tawa ni Spencer. Ayaw niya.

Nalungkot si Spencer matapos matawa nang ubod nang tagal hanggang sa luha na ang sumunod. Umiiyak siyang umahon sa pool. Ang iyak na gustong makita ni Sierra. Ang mga luhang patuloy sa pagpatak habang ang kanyang mga balikat ay tumataas-baba dahil sa paghagulgol. Hinampas niya ang ulo niya gamit ang kanyang kamay. Pinagsusuntok niya ang ulo at napasigaw na lang umiiyak. Iyak na hindi mapigilan.

Nakita iyon ni Sierra na nakasilip at nakakubli sa pader. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakagano'n si Spencer. Lalapitan niya sana ito kaya lang ay nakita niyang tumayo na si Spencer at kinuha ang bag at test papers kaya naman hindi na siya tumuloy. Mabilis na naglakad palayo si Sierra para hindi siya makita at maabutan ni Spencer.

•••••

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon