The music has stopped like the two who were in the middle of the process of remembering how to speak. They were both voiceless.
Mabilis na inalis ni Spencer ang earphones sa tainga at mabilis na nilapitan si Sierra nang makawala ang mga paa niyang tila napako sa lupang kinatatayuan.
"Nag-away kami ni Mama, nasigawan ko na naman siya pati si Wennard nabastos ko rin." Nagkukwento ngayon si Spencer kay Sierra. Magkasama silang nakaupo sa pwestong napili nila rito sa park--- Solar Street, Bel-Air Phase III.
"Nagagalit ako, kasi 'di niya man lang naalala si Papa." Diretso lang ang tingin ng binata na inaalala ang mga nangyari kanina. Nakikinig lang si Sierra at hindi naghahayag ng opinyon niya.
"Akala ko, ica-cancel niya ang lakad niya para makapunta kami kay Papa pero hindi, kinalimutan niya. Paggising ko kaninang umaga, wala na sila ni Wennard. Pinili niya na naman 'yong lalaki niya." Ang pinaglalaruang bato ni Spencer ay itinapon niya sa malayo at naghanap muli ng bato na mapaglalaruan.
"First time ko magpunta kanina na hindi siya kasama." Pinaglalaruan niya ang bato sa kamay at pinapanood habang iniitsa-itsa niya iyon pataas, sasapuhin at itatapon pataas hanggang sa mainis siya, ibinalibag niya ang bato kung saan tumapat ang kamay niya.
"Kaya nga, niyaya kita just in case na hindi siya sumama, e, ikaw na lang." Tumingin siya saglit kay Sierra pero yumuko din siya at naghanap na naman ng bagay na pagdidiskitahan ng kamay niya.
"Pero no'ng niyaya kita, 'di ka pumayag kaya naman masaya ako nang nakita kita kanina at sinamahan mo 'ko," aniya't ngumiti nang maalala naman ang nangyari kanina sa kanilang dalawa sa Pampanga.
"Teka... ano nga palang ginagawa mo rito?" Tiningnan niya muli ang katabi. Naisip niya na ang tanong na 'yon pero hindi niya agad na-bring up dahil mas inuna niyang mag-share ng feelings niya.
"'Wag mong sabihin na..." Nanlaki ang mga mata ni Spencer. "Cheese! Dito ka nakatira?"
"Oo," sagot ni Sierra na lumingon at tiningnan na rin siya sa wakas.
"Taga Bel-Air Village ka rin? Weh?" Spencer asked, still wondering and making himself believe to the fact that they're living in the same village here at the city of Makati.
"Nagulat din ako nang nakita kita kanina," ani Sierra sa walang kabuhay-buhay na tono ng pananalita.
"Weh, gulat na 'yan?" tanong ni Spencer. Sino ba naman kasi ang maniniwalang nagulat si Sierra kung gano'n ang itsura niya-- matamlay at walang ibang mabasang emosyon kundi lungkot.
"Oo," sagot ng babae saka pumikit nang sandali at tumingin sa katabi na nahihirapang maniwala sa kanya.
"Akalain mo nga naman, napakaliit talaga ng mundo para sa 'tin! Pilit tayong pinaglalapit ng tadhana," saad ni Spencer habang nakangiti at masayang sinasabi ang mga salitang 'yon kay Sierra.
"Pwet mo tadhana," ani Sierra na binasag ang mood ni Spencer. Nawala tuloy ang ngiti nito, naglahong parang bula.
"Sa totoo lang, may part pa rin sa 'kin na malungkot ako at hinahanap ko pa rin ang Papa ko. Masakit kasi 'di ko pa rin tanggap na wala na siya," sabi ni Spencer na bumalik na naman sa pagdadrama.
"Heart attack ang ikinamatay niya, last year lang. 'Pag naalala ko 'yong araw na 'yon bumabalik ang sakit... na parang kahapon lang nangyari... pero wala, e, gano'n talaga..." Bumuntong-hininga si Spencer matapos ilabas muli ang natitira niya pang saloobin.
Tinanong niya si Sierra "Ikaw, kumusta kayo ng Papa mo?"
Nagulat si Spencer nang biglang tumayo ang dalaga at ang sinabi nito ay, "Uuwi na 'ko."
"Ah---" saad ni Spencer na nakatingin sa dalagang nakatayo at biglang naglakad. "Oy---" Tumayo siya at hinabol si Sierra. "Wait," aniya nang mahawakan ito at mapigilan. "Why so sudden?"
"I'm unwell," sagot ni Sierra at inalis ang kamay ni Spencer na nakahawak sa braso niya. "Nagpahangin lang ako saglit, I need to get rest."
"Wait, sa'ng street kayo? Ihatid na kita," suhestiyon ni Spencer na nag-aalala.
"'Wag na," ani Sierra na hindi lumilingon sa kausap. "Kaya ko na."
Tumango si Spencer at hindi na nagpumilit. Naglakad si Sierra palayo pero ang makulit na si Spencer ay palihim siyang sinusundan. Naramdaman iyon ni Sierra kaya naman huminto siya sa paglalakad.
"'Pag nalaman mo bahay namin, ito-torture kita araw-araw." Pinahinto niya si Spencer sa pamamagitan ng banta na iyon.
"Good night! PonSie!" sabi ni Spencer at hinatid na lamang ng tingin si Sierra. "HAHAHAHA!"
•••••
"Ikaw, kumusta kayo ng Papa mo?"
Bawat hakbang ni Sierra ay pumapatak din ang kanyang luha. Umiiyak dahil sa nabanggit ni Spencer kanina. Paulit-ulit na ginugulo ang kanyang isip ng tanong na 'yon at hinahayaan niya lang ang sariling umiyak.
Today, she forgot to be sad not until her friend--- Spencer, who gave her the happiness--- said something which bring back her sadness again.
The one who makes me happy is the one who makes me sad too.
Pinunasan niya ang mga luha at napansin ni Sierra ang lalaking lumabas ng gate ng bahay nila. Mabilis itong naglalakad at sumakay na kaagad sa kotse. Binilisan ni Sierra ang paglalakad at naabutan niya ang mama niya na nakatayo sa harapan ng pintuan, nakangiti.
Samantala, nakakubli si Spencer at tinatanaw si Sierra kausap ang mama.
"Sino 'yong lalaki na 'yon, 'Ma?" tanong ni Sierra sa mama niya pero hindi ito nagsalita at nginitian lang siya. "May ginawa ba siyang masama sa 'yo?"
Umiling lang ang mama ni Sierra at hindi sumagot.
"Let's sleep na, 'Ma." Inakay ni Sierra ang mama niya pero bago sila tuluyang makapasok ang may narinig siyang ingay mula sa gate.
"Cheese!" Kumubli si Spencer at nagtago. Kaagad niyang sinagot ang call para hindi na mag-ingay pa ang cellphone niya.
Wala namang nahuli ang mga mata ni Sierra kaya naman isinara niya na ang pinto at pumasok na sa loob ng bahay. Nang marinig ni Spencer ang tunog ng pinto na sumara ay mabilis siyang tumakbo palayo sa bahay nila Sierra, pauwi sa kanila.
"Hello, Lene?" tanong ni Spencer habang naglalakad pero tinapos niya rin agad ang call dahil narindi siya sa sunod-sunod na sigaw ni Darlene na galit na galit.
•••••
BINABASA MO ANG
Snicker & Tears
Teen FictionPEARL OF THE ORIENT #1 Aside from being cherophobic and Schadenfreude person, Sierra Ponce is suffering from Seasonal Affective Disorder (SAD) for a long time now. Thus, she has become scared of feeling sheer bliss for she thinks that every time she...