12: Shoot Her, Shooter

111 13 0
                                    

They are here at the portion of the campus where no one can see them. All are busy because of the school program at malayo sila sa gymnasium kung saan may kaganapan. Samantala, si Sierra na umalis din sa gymnasium ay aksidenteng nadatnan ang apat. Natanaw niya ang mga ito mula sa tinatayang anim na dipang layo, kumubli siya sa halamang malaki para hindi makita.

“'Di mo ba nakikita? Parisian 'yan! Mamahalin 'yan, mas mahal pa sa mga bulok n'yong sapatos!” muling sabi ni Darlene sa babaeng patuloy niyang pinapahiya. Napakamatapobre niyang babae, hindi man lang niya naiisip ang mga salitang binibitiwan niya ay lubhang nakasasakit sa damdamin ng kanyang kapwa. Wala ba siyang puso? Gan'to pala talaga kasama ang ugali niya!

“Gusto mong mapatawad kita?” tanong niya sa babaeng ngayon ay nakayuko pa rin at marahang tumango. Unti-unti iniangat ang ulo at ang kanyang tingin ay sa mga mata ni Darlene.

Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha niya. Hawak ng dalaga ang kanyang pisgi na sinampal ni Darlene, damang-dama niya pa rin ang hapdi sa namumulang bahagi ng mukha.

“Upo! Maupo ka.” Lumingon pa si Darlene sa kaliwa't kanan niya para tingnan kung may tao bang nakakita o wala. Pinagpatuloy niya ang ginagawang pang-aapi sa mga grade 10 students.

Iniabot ni Darlene ang kanyang panyo sa babae.

“'Wag kayong mangingialam kung ayaw n'yong masaktan!” pagbabanta niya sa dalawang kanina pa nagbubulungan at mukhang balak na tulungan ang naaapi nilang kaibigan pero napatigil sila sa kanilang iniisip gawin nang masindak sila sa mga salita ni Darlene.

“Dali na, punasan mo. Linisin mo!” utos pa ng matapobreng Darlene. Napakasama talaga ng ugali niya, parang kaunting gasgas lang naman at alikabok ang napunta sa sapatos niya; akala mo namang niyurakan na ang pagkatao niya.

“Ay, ayaw mo? Gusto mong masampal ulit?” banas niyang sambit nang titigan lang ang sapatos niya ng babaeng ngayon ay nakaluhod na dahil sinunod na nito ang utos ni Darlene at wala siyang magawa dahil takot; walang laban.

Akmang pupunasan na ng babae ang sapatos na narumihan pero bago pa niya maidikit sa balat ng sapatos ang panyo na binigay ni Darlene ay itinaas niya ang paa kung saan nakasuot ang sapatos na narumihan at ipinunas iyon sa uniporme ng kaawa-awang dalaga. Pagkatapos gawing basahan ang uniform ng babae ay tinadyakan niya ito sa balikat dahilan para masaldak sa lapag ang grade ten student na iyon.

Well, there's always a witness in every crime. Sierra has had seen all of the happenings while she's hiding behind the tall bunch of plant.

“Tatanga-tanga ka kasi! 'Di ka tumitingin sa dinadaanan mo?” rinig niya pang sabi ni Darlene sa walang kalaban-laban na babae.

May kung anong bagay na hinahanap si Sierra sa kanyang bag habang nauulinigan ang mga pangyayari sa 'di kalayuan. Her mind says that she need to stop this. She needs to end Darlene's unjustifiable matter against those students.

At ano naman ang bagay na ito na sa tingin ni Sierra ay tatapos sa kaartehan at kasamaan ni Darlene?

Tirador?

“Your time has come,” sambit ni Sierra habang pinagmamasdan ang tirador na hawak niya.

Ohh! Tama! Iyon ang ginawa niyang tirador no'ng time na nakakita siya ng hardware store habang pauwi sa bahay.

“Miss, ano 'yon?” tanong ng vendor kay Sierra nang mapansin siyang nakatitig sa mga paninda sa hardware.

Pabili po ng rubber, yung pang-slingshot po,” sabi niya at kaagad namang tumango ang hardware vendor. Umalis siya at nang makabalik ay dala na niya ang binibili ng dalaga.

Iniabot niya ang perang ibinigay sa kanya ni Spencer. Iyon ang perang pinambili niya at pagkabalik sa kanya ng sukli ay nag-Grab na siya pauwi.

Pag-uwi niya sa bahay ay nagkalkal siya sa isang malaking kahon na puro alikabok, tanda na matagal na itong nakatambak. Pagkatapos niyang makalkal ang lahat ng laman no'n ay nakuha niya na ang bagay na gusto niyang makita— isang kahoy na pa-letrang ‘Y’— ang tirador na ginawa sa kanya ng kuya niya pero luma na ang goma na nakatali. Pinalitan niya iyon ng bagong goma na binili niya gamit ang pera ni Spencer. Pagkatapos kumpunihin ang lumang tirador ay inilagay niya na iyon sa bag.

Bininat ni Sierra ang kanyang tirador pagkatapos lagyan ng bala na bato habang sinisipat ng maigi ang kinatatayuan ni Darlene. Kaya ko kaya siyang patamaan? Matagal-tagal na rin akong hindi nakagamit nito— mga tanong sa isip niya.

“Sa susunod titingnan mo muna kung sino ang babanggain mo para hi—”

Nagawa ni Sierra. Whoa!

“Ouch!” hiyaw ni Darlene matapos matamaan ng isang bato sa kanyang ulo.

“SINO SA INYO ANG BUMATO SA 'KIN!?” Nagliliyab ngayon sa galit at nag-iinit ang kanyang ulo dahil bukod sa galit siya ay mukhang magkakabukol din siya.

“Ate, hindi po ako.” Napailing nang mabilis ang isa na tiningnan ng masama ni Darlene. Kabado.

“Hindi rin ako, ate,” sabi naman ng isa pa na itinanggi ang bintang sa kanya ni Darlene. Kinakabahan.

“Ouch! Ang sakit ha! Sino 'yon?” ani Darlene nang yumuko siya dahil tinirador ulit siya ni Sierra sa ulo nang hindi nakikita.

“Hindi kayo 'yon? Sure kayo?” tanong muli sa dalawa ni Darlene, naniningkit ang mga mata sa galit. Mabilis na umiling ang dalawa na pinipigilan ang pagtawa. Inirapan ni Darlene ang dalawa saka lumingon sa kanyang kanan pero wala siyang nakita na tao pero nang tumingin siya sa kaliwa ay...

“OUCH!” Isang bato na naman ang tumama sa noo niya na galing sa tirador ni Sierra. You deserve it— sa isip-isip ng tatlong estudyante.

“You again!” ani Darlene nang maglakad papalapit sa pinagtataguan ni Sierra. “Evil leech!”

Tuluyan niya nang nakita si Sierra na may hawak na tirador.

“Hoy! Bumalik kayo rito!” sigaw niya nang mapalingon sa tatlong inaapi na nagtatakbuhan na paalis matapos senyasan at tanguan ni Sierra na umalis na ro'n. Siya na ang bahala sa babaeng matapobreng ito.

Ngayong wala na ang tatlong pipitsugin, kay Sierra na napunta ang galit ni Darlene at hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito— gaganti siya gaya ng lagi niyang ginagawa.

“Sierra! Grrr!” nagngangalit na ani Darlene habang sinusugod si Sierra. Bininat ni Sierra at itinutok kay Darlene ang tirador dahilan para matakot ito, tinakpan ang mukha para hindi matamaan. Pumikit at hinihintay ang pagtama sa kanya ng bala ng tirador. But it's a prank! Walang bato 'yon.

Pagdilat ng mga mata niya, tumatakbo na si Sierra.

Tumili siya. Nakaririnding boses. Nagra-rant habang maarteng tumatakbo at hinahabol ang tumirador sa kanya.

“IF I CAUGHT YOU, I'M GONNA KILL YOU!”

Snicker & TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon